Chapter VII

8.5K 139 22
                                    

VII.


"Huy Matthew!" sigaw ko habang pilit na sinasabayan ang mabilis na paglalakad niya. Hanggang sa nakarating na kami sa set kaso ang nakapagtataka, parang nag-eempake na sila ng mga gamit. Dumiretso naman si Matthew sa isang staff at nakasunod lang ako.

"Is the photoshoot done?" tanong ni Matthew, "Why are you all packing up?"

"The client cancelled the shoot," tugon ng staff. Eh? Cancelled? Bakit? Sawa na sila sa mukha ni Matthew kaya ibang model na kukunin nila? Hehe.

"What?! Why all of a sudden?" inis na tanong ni Matthew.

"They said we'll be filming in a new location," sagot ng staff.

"I see." mukhang na-relieved si Matthew sa narinig. Sayang, akala ko pa naman sawa na sila sa mukha ni mokong. Mababawasan pa sana ang pagiging dakilang alalay ko. "What's the new location then?"

"No decisions yet but it seems like we'll be filming in a school." Letse. Nadugo na ang aking ilong dito.

"School?" parang napaisip si Matthew. "Okay, I'm going now, just let me know ‘bout it. Bye."

"Okay I will," tugon ng staff at bumalik na sa pag-aayos ng mga gamit.

Lumakad na si Matthew paalis ng set at nakasunod lang ako sa may likuran niya. "Matthew, saan na tayo pupunta?"

"Kakain," sagot naman ni Matthew sabay suksok ng kamay niya sa bulsa.

"Eh? Anong klase ng halimaw ba meron dyan sa tyan mo, ha?"

"Ewan ko. Basta ang alam ko gutom na siya at kailangan ko na siyang pakainin," sabi ni Matthew at mas binilisan pa ang lakad.


Nakarating naman kami sa isang fast food chain. Walang masyadong tao do’n kaya naman siguro doon niya piniling kumain. Pumasok kami sa loob at dumiretso kami ni Matthew sa may tagong pwesto, sa hindi gaanong  mapapansin ng tao. Ewan ko ba dito sa mokong na 'to, sikat na model pero ilang na ilang naman kapag pinagtitinginan ng tao. Weird.


"Umorder ka na," utos ni Matthew pagkaupong-pagkaupo nito. Ni hindi ko pa nga naididikit ang pwet ko sa upuan, makautos agad-agad.

"Eh? Bakit ako? Ikaw naman ang kakain ah," apela ko.

"Kakain ka rin naman kaya ikaw na umorder." sagot naman niya.

"Bakit? Libre mo ba?" tanong ko pa dito.

Tumayo naman ito. "Ayaw mo? Okay, ako na lang oorder."

"Ay tekaaa..," pigil ko kay Matthew. Ang init naman masyado ng ulo ng mokong na 'to, ‘di ba pwedeng mag-inarte lang ako kahit konti? Nilapag ko na ang bag ko at bag ni Matthew pati mga damit niya sa mesa. "Ako na nga oorder sabi ko."

"Mabuti," sabi ni Matthew sabay balik sa upo nito.

"Ano bang gusto mong kainin?" tanong ko dito.

"Dalawang burger, spaghetti, dalawang fries na large , sundae, chicken."

"Eh? Baka naman ma-overdose ka sa sobrang dami no’n." sambit ko.

"Ako naman magbabayad no’n eh kaya wag ka nang magreklamo." sabi niya sabay kuha sa wallet niya mula sa bulsa. Inilabas niya ang kanyang mahiwagang... CREDIT CARD. "O eto gamitin mo. Orderin mo kung anong gusto mo, kahit lahat ng nasa menu, pwede."

Kinuha ko naman ang credit card. WAAA. Feeling mayaman tuloy ako dahil dito. "Ahehe. Salamat Matthew."


Umorder na ako ng pagkain namin. Grabe dalawang tray ang order namin. Ang takaw talaga ng mokong na ito. Buti hindi siya tumataba kahit na anong lamon niya, model pa naman siya. Habang tinititigan ko si Matthew kumain, naisip ko, "Ano kayang meron ang mokong na 'to at gustung-gusto siyang kuning model ng lahat ng agencies?". I mean, 'yung ugali niya, napaka-childish at suplado. Oo, gwapo nga siya, 'di 'yon maitatanggi. Hmm.. Siguro nga dahil sa mukha niya. Hindi naman gano’n kamaskulado ang katawan niya kaya malamang sa mukha niya nga lang 'yon. Naalala ko pa nga dati, may shinoot silang isang commercial ni Matthew, walang props-props, mukha at facial expressions lang talaga ni Matthew, ni hindi nga pinakita kung ano ang produktong ina-advertise eh, pinakita lang ang pangalan sa dulo. Akalain mo, after maipalabas iyong commercial ay bumenta 'yung produkto nila. Ang tindi talaga ng karisma ni Matthew. Kabaligtaran naman sa ugali niya.

Pagkatapos naming kumain, naglakad kami papuntang sakayan para matadtad naman ang mga kinain namin lalo na si Matthew. As in walang tira sa kinain niya, pati ketchup ubos. Ang tindi talaga.


*****


10:10 AM. Nandito na kami ni Matthew sa gate ng university. The usual, ang mga mapangmatang titig at ang itsura ni Matthew na para bang wala siyang pakialam sa mga tumititig sa kanya.
After macheck ang bag namin at ID, pumasok na kami ni Matthew. Sabay kaming naglalakad sa hallway, tulad ng nakasanay.

"Matthew!" bigla namang may tumawag, boses babae. Kaya napalingon kami pareho ni Matthew. May isang maganda't maputing babae naman ang nakatingin kay Matthew, malamang magkakilala silang dalawa dahil kung makangiti 'yong babae ay parang close sila ni Matthew. Ang ganda niya. Maputi, katamtamang katawan, kulay brown at kulot na buhok, mapupungay at magagandang mata at matangos na ilong. Pang-model ang dating niya gaya ni Matthew.

Lumapit naman sa'min ang estrangherang babae at ngumiti nang pagkalapad-lapad kay Matthew. "Hello! Na-miss mo ba 'ko?"

"Ano namang ginagawa mo dito?" parang walang paking tanong ni Matthew.

"Dito na ako mag-aaral eh," sagot ng babae. Oo nga, ngayon ko lang napansin na nakasuot siya ng uniform namin. Dito na daw siya papasok?

"Dito?" tanong ni Matthew.


Tumango naman ang babae at lumapit kay Matthew at biglang lumingkis sa braso nito. Nagulat naman ako pati na ang iba pang nakakita. Pero parang ayos lang 'yon kay Matthew, nakakagulat. Kasi ayaw na ayaw niyang nilalandi siya ng mga babae pero itong isang 'to parang balewala lang sa kanya.


"Saan ba room mo?" malambing na tanong pa nung babae habang nakalingkis pa rin sa braso ni Matthew.

"Building B, second floor," sagot ni Matthew at isinuksok ang kamay sa bulsa. Sabay naman silang lumakad no’ng estrangherang babae na hindi ko alam kung saan nagmula, iniwan na lang nila ako sa gitna ng hallway. Pinagtitinginan din sila ng iba pang mga estudyante, halata namang selos na selos ang iba at naiinis lalo na ang mga babaeng estudyante.

"Felicity!" narinig ko namang may tumawag sa'kin kaya lumingon ako. Si Skye! WAAAAA. Lumapit naman siya sa'kin at ngumiti, "Sabay na tayo."

“Ah.. s-sige," mautal-utal ko pang sagot. Kalma lang, Felicity. KALMAAAAA.

"Ikaw lang ba mag-isang pumapasok?" tanong ni Skye habang sabay kaming naglalakad sa hallway.

"Uhm.. hindi," nahihiya ko pang sagot.

"Sinong kasabay mo? Tsaka bakit mag-isa ka lang kanina?" sunod na tanong ni Skye.

"Ahh.. 'yon ba? Si Matthew. Sinusundo ko siya sa bahay nila tapos sabay kaming papasok dito," sagot ko.

"Si Matthew?" hindi yata makapaniwala 'tong si Skye.

"Oo, ewan ko ba do’n. Parang bata, gusto pang di hatid-sundo tapos kailangan ko pang siguraduhing papasok siya sa room niya, parang kinder," inis kong paglalahad. Nakatingin lang sa'kin nang diretso si Skye “Ah..ahehe. Pasensya na, kapatid mo nga pala siya. Hehe. "

"Okay lang 'yon. Intindihin mo na lang siya, may dahilan kasi siya kung bakit siya nagkagano’n," para namang nalungkot si Skye sa sinabi niya.

"Gano’n ba? Ahh.. pasensya na, 'di ko kasi alam." paumanhin ko dito.
"Ayos lang." nakangiti nitong tugon, pero alam kong pilit lang ang ngiting iyon. "Nasaan na nga pala si Matthew? Akala ko ba hinahatid mo siya sa room niya?"

"Uhm... kasi may dumating na babae kanina tapos ayun, kakilala yata ni Matthew tapos sila na lang ang sabay na pumasok," sagot ko. Epal lang no’n, ako kasabay ni Matthew tapos biglang dadating at kung makalingkis.

"Babae?" pag-uulit ni Skye.

"Oo." sabi ko, "Ahh.. Ito na pala room ko. O sige, buh-bye!"


Kumaway at ngumiti naman sa'kin si Skye. Wooh. Kilig. Hihi.
Tapos dumiretso na rin siya sa room niya. Pumasok na ako sa room ko at umupo sa pwesto ko.


Hmmm... Sino nga kaya ang estrangherang epal kanina?

She's Ugly (Complete)Where stories live. Discover now