Chapter XXI -- Part 2

6.7K 101 16
                                    

XXI. -- Part 2



" Yes! Hahaha. " tuwang-tuwang sabi ko. Ang taas ng score namin dun sa laro kaya andami naming tickets. Kinuha naman iyon ni Waffles. Nakakailang laro na rin kami at sobrang dami na naming tickets. Mga 350 tickets na rin iyon. Sabi kasi ni Waffles, tulungan ko daw siyang makuha 'yung Tare Panda plush na nakita niya kanina na 400 tickets ang halaga. Kaya naman talagang ginalingan namin ni Waffles ang paglalaro.



Nakakatuwa pala ang ganito. Para lang kaming mga bata na humihiyaw at sumisigaw pa habang masayang-masayang naglalaro. Wala kaming pakialam kung pagtinginan kami ng mga tao sa paligid basta todo lang kami sa paglalaro.


Kamusta na kaya si Matthew? Bigla na lang kasi siyang umalis kanina, hindi nagpaalam kung saan pupunta.



" Ate Felicity! Tara doon naman tayo sa basketball! " aya ni Waffles.


" Ha? Eh hindi ako magaling mag-shoot. " sabi ko.


" Okay lang 'yan, ako rin naman hindi. Konting tickets na lang naman ang kailangan natin. Tara na ate. "



Wala na akong nagawa nang hilahin ako nito papunta doon sa parang basketball na laro. Nilagay naman niya sa dala niyang shoulder bag ang sandamakmak na ticket na naipon namin mula sa mga nauna naming nilaro. Iniswipe ni Waffles ang card niya sa machine at automatic namang nagsilabasan ang mga bola na kailangan naming ishoot. Kumuha naman agad ng isang bola si Waffles at ishinoot iyon. Pasok. Palibhasa matangkad itong babae kaya wala gaanong hirap sa pagshu-shoot ng bola.



Kumuha ulit ito ng isang bola pero bago niya iyon ishoot ulit, nilingon niya ako. " Ate Felicity, mag-shoot ka na, baka maubusan tayo ng oras. "


" H-Ha? O sige. " kumuha na rin ako ng bola. Nakalimutan kong may time limit pala ang larong 'to.



Tinantya ko muna 'yung layo ng net, huminga nang malalim tsaka ko pinakawalan ang bola sa ere. Kapos. Sayang.


Sumunod na tumira si Waffles. Pasok na naman. Naramdaman ko tuloy ang pagiging maliit ko. Ako na ang sumunod. Kumuha ulit ako ng bola at tinantya ulit ang net. Huminga nang malalim at mahigpit na napahawak sa bola. Hingang malalim tsaka tumira. Kapos na naman.



Wala talaga akong labas pagdating sa sports. Hanggang academics lang talaga ako.



" Hays. " napabuntunghininga na lang ako.


" Okay lang 'yan ate Felicity. " sabi ni Waffles. " Ako naman ulit. "



Tumira ulit si Waffles at pasok na naman.



" Ikaw na lang kaya maglaro, lagi akong nagmimintis eh. Ikaw laging pasok. " sabi ko.


" Pero... "


" Pandak kasi. " sabat ng pamilyar na boses.



Pareho naman kaming napalingon ni Waffles. Si Matthew. Nakasuksok pa sa mga bulsa ang braso nito at nilapitan kami. Dumiretso siya at kumuha ng bola at walang anu-ano'y itinira iyon. Pasok. Pasok na pasok sa net.



Pfft. Edi siya na magaling mag-shoot.



Kumuha ulit si Matthew ng bola at agad uli iyong tinira. Pasok ulit. Saktong sakto sa net ang pagkakapasok. Ganoon lang ang ginawa niya hanggang sa maubos ang oras. Pero hindi pa doon nagtatapos ang laro, kumbaga may Round 2 pa. Kung kanina, naka-steady lang ang net, ngayon, gumagalaw na iyon pakaliwa at pakanan kaya mas pahrapan ang pag-shoot.


Poker face lang si Matthew at kumuha ng bola. Sandaling tinantya ang net at saka tumira. Pasok. Ang galing niya. Ang galing niya kahit hindi naman ito naglalaro ng basketball. Ngayon ko nga lang ito nakitang humawak ng bola. Hindi kasi ito sporty.


Ganoon lang ang ginawa ni Matthew - kukuha ng bola, tantya saglit tapos shoot. Pasok naman ang mga tira nito, walang palya. Kaya naman tuwang-tuwa si Waffles sa gilid. Ang taas kasi ng score ni Matthew kaya siguradong maraming tickets iyon.



//


" O eto kuya Matt-Matt. " inabot naman ni Waffles kay Matthew ang sobrang tickets tutal nakuha na nito ang gusto niyang panda na stuffed toy. Kinuha naman iyon ni Matthew.


" Anong gagawin ko dito? "


" Ewan ko, bahala ka kung anong gusto mo. Heh. " sagot ni Waffles.


" Tss. "



Iilang tickets na lang iyon kaya malamang maliit na item lang ang makukuha niya mula roon.



" Tara na ate Felicity. Kain tayo. " baling sa'kin ni Waffles at hinila na ako nito palabas.



Napunta naman kami sa isang restaurant. " Paano si Matthew? " tanong ko pagkaupo namin sa isa sa mga tables.


" Itetext ko na lang siya ate, don't worry. " tugon ni Waffles at sabay kuha sa menucard na nakalapag sa mesa namin. Inabutan niya rin ako ng isa. Pero nag-aalangan akong tignan ang menu kasi mukhang lahat ng sini-serve nila dito ay mamahalin. Kahit pa sabihin libre ito ni Waffles, nakakahiya pa rin.



Dumating naman ang isang waiter para kunin ang order namin.



" I'll have one Linguini with clam sauce. Oh wait... " tumingin naman sa'kin si Waffles. " Ano munang gusto mo ate Felicity? "


" H-Ha? Ako? Kahit ano na lang. Ahehe. " nahihiya kong sagot. Wala naman akong alam sa mga Italian dishes na mga iyan eh.


" Pero 'di ko alam kung anong magugustuhan mo dito. Hmm.. mahilig ka ba sa pizza ate? "


" Oo, medyo. " sagot ko. Minsan lang ako makakain nun pero talagang masarap.


" Sige, anong favorite mong flavor? " sunod nitong tanong.


" Eh? Hawaiian lang alam kong flavor eh. " Napakamot na lang ako ng batok. Anu-ano pa ba ibang flavors ng pizza? Eh Hawaiian lang talaga alam ko. Natawa nang mahina si Waffles. Nakakahiya naman. 'Yun lang talaga alam kong flavor ng pizza eh.


" Sige, we'll have one Hawaiian pizza and two Lasagne please. " sabi ni Waffles sa waiter.


" Drinks ma'am? " tanong ng waiter.


Tumingin ulit sa'kin si Waffles. " Anong gusto mong inumin ate Felicity? "


" H-Ha? Tubig lang, okay na 'yon. " sagot ko.


" Okay. Water na lang. "


" Okay ma'am. " at umalis na 'yung waiter dala ang mga menucards.



Tinext na rin ni Waffles si Matthew kaya after 15 minutes ay dumating na ito kasabay ng pagdating ng inorder namin. Umupo si Matthew sa tabi ni Waffles at agad na kumuha ng isang slice ng pizza. Takaw talaga.


Pero sa totoo lang, hindi mo mahahalatang magkapatid sina Matthew at Waffles. Hindi kasi sila magkahawig eh. Pero mahahalata mo naman ang pagiging Chinese sa itsura ni Waffles.



" Anong ginawa mo sa tickets kuya? " tanong ni Waffles.


" Wala. "


" Hmp. Nga pala, nagkita na ba kayo ni ate Liberty? "



Napatingin ako kay Waffles nang marinig ko ang binanggit niyang pangalan. Liberty.



" Hindi. Ayoko nang pag-usapan. " pag-iwas ni Matthew. Sino ba kasi si Liberty?


" Nakita ko na siya. "


Napatingin naman si Matthew sa kapatid nito. " Ano?! "


" Kanina, nakita ko siya. Nag-usap kami. "


Agad namang umiwas ng tingin si Matthew at binaling ang atensyon nito sa hawak na pizza. " Wala akong pakialam. "


" Wala? Kuya, it's been two years. " Natahimik na lang ako sa pag-uusap nila. Hindi ako makasingit dahil hindi ko anman maintindihan ang usapan.


" Two hell years. Waffles, two years aren't enough. " sagot ni Matthew at nilapag ang hawak nitong pizza sa plato. Tumayo ito mula sa upuan niya at saka lumakad papunta ng comfort room.



Sinundan lang ito ng tingin ni Waffles na napapailing pa at napabuntunghininga.



" Waffles. "


Tumingin ito sa'kin. " Bakit ate Felicity? Uhm..sorry pala dun. "


" Okay lang. " sabi ko naman. " Kung ayos lang malaman, sino ba si Liberty? "


Napaiwas ng tingin sa'kin si Waffles. Naramdaman ko ang pag-aalinlangan niyang sagutin ang tanong ko. " Mabuti pa ate Felicity, si kuya na lang ang tanungin mo. I thought naka-move on na siya pero I was wrong. "



Mas lalo tuloy akong na-curious sa katauhan ng Liberty na 'yon. Move on? Si Matthew hindi pa nakaka-move on sa kanya? Bakit? Ex ba siya ni Matthew?


'Di nagtagal, bumalik na si Matthew galing comfort room. Umupo na ulit ito at nagpatuloy sa pagkain ng pizza.



" Sorry kuya, I didn't mean to-- "


" Basta huwag mo na lang ulit babanggitin. Please. " sabi naman ni Matthew.


" Okay. " naka-pout pang sagot ni Waffles.



Nagsimula na rin akong kumain. Hindi pa kami nakakakalahati ng pagkain nang may dumating na isang gwapo at matangkad na lalaki sa table namin. Sabay-sabay kaming napatingin dito.



" What are you doin' here? " halata ang pagkagulat sa boses ni Waffles.


" Of course, it's his job. " sabat naman ni Matthew at sabay balik sa pagkain nito na hindi man lang pinansin ang lalaking bagong dating.



Matangkad siya at maputi at talaga namang gwapo. Tantya ko, 20+ na ito. Nakasuot ito ng checkered polo at light brown pants na nagpagwapo sa itsura niya.



" Umalis ka na. " pagtataboy dito ni Waffles.


" I won't unless you come with me. " sagot ng lalaki sa baritonong boses.


" Ayoko. "


" Sumama ka na. " sabat ulit ni Matthew.


" Kuya-- "


" Wala ka ring magagawa. " pagputol ni Matthew sa sasabihin ng kapatid.


" Fine. " pagsuko ni Waffles. " Ikaw magbayad ng bill. Hmp. "



Tumayo na si Waffles at nagpaalam sa'kin, hawak pa nito sa isang kamay ang nakuha niyang panda na stuffed toy. Lumakad na ito paalis nang hindi nagpapaalam kay Matthew, kasunod naman siya ng lalaking bigla na lang dumating.



" Matthew. " tawag ko pagkaalis nina Waffles. " Sino ba 'yun? 'Yung lalaki? "


" Si Nathan. " sagot ni Matthew habang ang atensyon nito ay nasa pagkain.


" Kaanu-ano niyo? Huwag mo sabihing kuya niyo 'yon? " curious kong tanong.


" Yayo. " matipid niyang sagot.


" Yayo? Ni Waffles?! " Ganun kagwapo tapos yayo?!


" Oo, trabaho niya 'yun. Kaya lagi siyang nakasunod saan man siya magpunta. Parang bodyguard na yayo. "



//


[ Waffles' POV ]



Naglakad ako tuluy-tuloy palabas ng mall, inuunahan ko siya. Geez. Bakit ba kasi sinundan niya pa ako dito sa Pinas?


Paglabas ko ng mall, naramdaman kong may humila sa braso ko mula sa likod. Si Nathan. Diniretso niya ako sa parking lot. Binitawan niya lang ako pagdating namin sa tapat ng kotse niya.



" Ba't kasumunod dito, Nate? " I calmly asked.


" I know you know why, Waffles. "


" Just leave me alone, Nate. " pakiusap ko sa kanya habang pilit na iniiwas na magtama ang paningin naming dalawa.


" Waffles... " nakaramdam ako ng lungkot sa boses ni Nathan.


" Bakit? Dahil ba sa work? Fine, I won't tell papa, you don't need to worry about that. " sabi ko.


" That's not the reason. Wala akong pakialam sa trabaho, you know that Waffles. " sagot sa'kin ni Nathan. Para itong nagmamakaawa sa'kin. And that made me sad, hindi ko alam. Ayokong nakikitang ganito ka, Nate.



I didn't respond. Ano bang isasagot ko sa kanya? Hindi ko alam.



Lumapit pa ito sa'kin at hinawakan ako sa magkabilang braso. " You know that. "



I bit my lower lip. I promised myself not to cry. Ayokong umiyak lalo na sa harap ni Nathan.



" Just go away, Nate. " pilit kong tinitigasan ang boses ko.


" I won't. I can't, Waffles. Especially now. " sagot ni Nathan.


" Stop it Nate. Huwag mong lokohin ang sarili mo. I'm just a kid. How could you... " natigilan ako. Ayokong ituloy ang balak kong sabihin kaya napayuko na lang ako at pilit na pinapakalma ang sarili ko.


" Pilit ko ring sinasabi at pinapaunawa sa sarili ko 'yan. Pero kahit anong pagpupumilit ang gawin ko hindi ko talaga kayang pigilan. " Lalo pa siyang lumapit sa'kin and lifted my chin up gently dahilan para magtama ang paningin namin. " I like you, Waffles. "



Namilog ang mga mata ko sa sinabi ni Nathan. Hearing those words from him made my body froze. I'm speechless.


Unti-unti naman niyang nilapit ang mukha niya sa'kin. He planted a sweet and gentle kiss on my nose.



" I really like you. "

======================================

Sorry kuya Matt-Matt at kuya Cloud, TEAM NATHAN talaga ako eh. HAHAHAHA! Pasensya na kung isiningit ko LABLAYP ko dito. Hahaha. Ano? Team Matthew, Team Skye o Team Nathan? Hahaha.  - Waffles♥

She's Ugly (Complete)Where stories live. Discover now