Letter 14

4 1 0
                                    


December,

Darling, I can't fight it anymore. I can't control my myself from falling for you more harder now.

Hindi ko na kayang pigilan pa. Kahit na alam ko sa huli ay ako ang maluluha. Ngayon ay nahulog na ako sa iyong patibong na alam kong magiging resulta ng matalim na karayom.

Dalawang salita. Syam na letra. Isa lang ang aking masasabi.

Mahal Kita.

Oo, mahal kita. Minamahal kita kahit na sa alam ko ay hindi pa puwede.

Mahal kita kahit na alam kong hinding-hindi magiging ako.

Mahal kita kahit na alam kong hindi mo ako mamahalin pabalik.

Mahal kita kahit na ito'y napakasakit.

Mahal kita kahit na alam kong maaga pa.

Ngunit, ika nga nila hindi natuturuan ang pusong huwag mahalin siya.

Ikaw...

Hindi ko alam kung bakit. Oo, alam kong hindi ako pasok sa iyong kagustuhan sa mga babae.

Alam ko ito kaya pinili ko na lamang na mahalin ka mula sa malayo.

Sana pagnababasa mo ito ay seryosohin mo.

Hindi ito biro dahil alam ng Diyos kung paano ako tumangis ng dahil sa iyo.

Hindi kita sinisisi ngunit pinapaalam ko lamang ito.

Hindi ko pinagsisihang mahal kita dahil ikaw ang nagpatibok ng dating puso kong bato.

Hindi pa puwede. Hindi pa ito ang tamang oras para mahalin ka ngunit hindi na mapigilan ng damdamin na mahalin ka.

Kahit ilang beses kong subukan ngunit ayaw talaga.

Sana nama'y mapansin mo na.

Hindi pa puwede dahil sa kadiliman ng aking mundo. Sa dinami-dami ng problema at paghihirap ko ay hindi pa puwede.

I can't love you in the dark. I just can't.

Someday you will understand.

Mahal kita at alam kong hindi mo masasabing "Mahal din kita"

Dahil imposible na mamahalin mo rin ako.

Dahil sa tulad ko ay masyadong komplikado ang mundo ko sa iyo.

Rinerespeto kita katulad na rin ng pagrespeto ko sa damdamin mo sa kanya.

Ito na ang pinakamahabang sulat na aking sinulat para sa iyo.

Sana pagnababasa mo ito.

Ito na ang tamang panahon upang malaman mo na...

Mahal kita higit pa sa lahat ng bagay na nakapaligid sa akin. Tulad ng mga bituin na hindi nawawalan ng kislap sa langit ay hindi mamamatay ang pagmamahal ko sa iyo...

-Cyrenity

Letters for My DecemberWhere stories live. Discover now