Chapter 4

2 0 0
                                    

Chapter 4: kiss

"Bakit mo sinasabi sa amin iyan? Pa'no kung ayaw sa'yo ng apo ko? Walang kwenta lahat" pinagdikit ko ang labi ko.

"Sinabi ko po sa inyo para aware ho kayo na seryoso ako kay Fauzia, sa apo niyo po. Kung ayaw man niya sa akin, I'll make her love me" napaawang ang labi ko at nilingon si Ashton.

Nakatingin sa kanya sila lola na may ngiti sa labi.

"Make her love you? Mahal mo ba ang apo namin?" tanong ni lola sa kanya. I look at him.

"Opo, sobrang mahal na mahal ko ho ang apo niyo" suminghap ako, ramdam ko ang sinseridad sa bawat salitang binitawan niya. Nangilid ang luha sa mga mata ko at mabilis ko iyong pinunasan.

Tumunog ulit ang cellphone niya, hindi niya 'yun pinansin. Nakatingin lang siya kina lola.

"Sagutin mo na iyan, mukhang importante" ani lola ng mapansin na naghihintay si Ashton ng permission para sagutin ang tawag.

Sinundan ko siya ng tingin as he excuse himself.

Naiilang at hindi ako makatingin kila lola.

"Gusto mo ba ang lalaking 'yon?" nag angat ako ng tingin ng magsalita si lolo.

"Opo" sagot ko, nag init ang magkabila kong pisngi sa sinabi ko at nag iwas ng tingin. Sakto naman pumasok si Ashton, napatayo ako dahil nasa likod niya 'yung driver niya, may buhat buhat na isang sako!

"Anong??" gulat din sila lola at tumayo.

Ngumiti si Ashton.

"Naikwento ko po kay Abuelo na may liligawan ako at magpapaalam ako sa inyo. Sakto naman po at katatapos lang nila mag harvest ng palay at may mga bigas na, sabi po ni Abuelo, dalhin at ibigay ko raw po ito sa inyo" he said proudly at tumingin sa akin after ipasok ang 2 sacks of rice.

Hindi makapaniwala ang tingin ni lola sa kanya at natawa naman si lolo.

"Salamat kamo sa dalawang sako ng bigas" sabi ni lolo at naupo na.

Bumalik ang driver at may dala naman siyang mga prutas. Tinignan ko si Ashton.

"I brought these on my way here" he said and iniabot kay lola ang mga prutas.

Umupo na siya sa tabi ko nang lumabas ang driver niya. Napatingin ako sa orasan, may pasok pa siya!

"Uh, lola, lolo, aalis na si Ashton. May klase pa siya maya maya" sabi ko at tumayo na. Tumango sila lola.

Inihatid ko siya sa gate.

"Ano ka ba?? Nakakahiya naman ang dami mong dinala" sabi ko at hinampas siya. He only chuckled and tap my hair.

"Iho" nagulat kami kasi sumunod pala sila lola.

"Pumapayag na kami. Huwag mong paiiyakin ang apo namin" pagkatapos sabihin ni lolo iyon ay pumasok na siya.

Awang ang bibig ay nilingon ko si Ashton. Gulat din siya, may luha sa gilid ng mga mata kaya napangiti ako.

"Did I heard it right?" he whispered. Natawa ako at tumango.

Parang nagp-process palang sa kanya mga sinabi ni lolo. After mag sink in sa kanya ay tumakbo siya papasok sa bahay. Narinig ko siya na puro thank you at lumabas ulit. Yumakap siya sa akin. He's so happy. Ngiting ngiti siyang pumasok ng sasakyan pagkatapos humalik sa noo ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 12 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My AlmostWhere stories live. Discover now