CHAPTER 1 (UNEXPECTED REUNION)

0 0 0
                                    

 

                         Chapter 1

Ten years had passed since Victoria and Melissa last saw each other. One evening, as she was closing up shop, a stranger walked in, his face obscured by the shadows.

Intrigued and slightly on edge, Victoria approached the mysterious figure cautiously. As he stepped into the light, a shock of recognition coursed through her veins. It was Melissa, her sister, standing before her after all these years.

Unti-unti lumapit si Melissa at sinalubong ng mahigpit na yakap si Victoria, ngunit bigla itong pumiglas.

"Bek? Galit ka ba sa akin? 'Di mo ba ako na-miss?" aniya na wala ang kanyang mga ngiti habang binibigkas ito.

"Miss? Anong gusto mong gawin ko sa taong may dahilan kung bakit ako tumitiis sa coffee shop?" Tanong ni Victoria kay Melissa....

Hindi na maintindihan ni Melissa si Victoria sa mga oras na 'yun, gulong-gulo siya, hindi alam kung bakit nasabi 'yun sa kanya ng kanyang kapatid.

"Huh? Bek, 'di ka naman ganyan sa akin dati ah? What happened? Let's fix this, babawi ako," ani ni Melissa kay Victoria na pautal-utal.

"Fix mo buhay mo... tabi, busy ako," binanga lang nito ang braso ni Melissa, sabay pasok sa kotse niya.

"May ginawa ba ako?" tanong niya sa sarili kung saan ba siya nagkulang. Binigay naman niya ang lahat, pinag-aral niya ang mga kapatid niya dahil mahal na mahal niya ito, pero bakit?

Naka-uwi na ng ligtas si Melissa sa bahay ng kanyang Ina (tita), mommy na ang tawag niya sa kanyang tita dahil noong pumunta siya sa France ay tinuring na siyang parang anak nito.

"Wag kang mahiya sa akin, Melissa.... Call me mommy, promise ituturing kitang parang tunay na anak, and promise din ibibigay ko ang lahat ng gusto mo," sabay ngiti kay Melissa.

"Okay po, tita... este, mommy," at ngumiti din ito.

"Mommy!" I shouted.

"Bakit anak? Kumain ka na ba? Pinaghanda kita, tingnan mo masarap," hinawakan ni mommy ang aking kamay at pinaupo ako sa upuan.

"Thank you, mommy," nginitian ko lang siya.
"Pero hindi pa po ako gutom, tulog na po ako," dagdag ko at tumakbo papuntang kwarto.

Para akong iiyak sa mga oras na 'yun, hindi ko alam bakit parang nag-iba. Bumalik ako pero parang ang daming nagbago. Sana sa pagbisita ko kay mama at papa, sana bukas ay hindi ganito ang mangyari...

Nakauwi na rin si Victoria, agad niyang binuksan ang pinto at nakita ang kanyang mga magulang sa sala na nagtatawanan.

"Oh, andyan na pala ang magandang anak namin," sabi nila.

"Ma, magse-selos ako. Anak mo din po ako ah," banggit ni Zysa.

"Ma, anong meron? Bakit nagtatawanan kayo? May dumating ba? Andyan ba siya?" palingon-lingon ang ulo, tila may hinahanap.

"Sino? Sino naman ang dadating? Ikaw talaga, anak. Alam mo dapat hindi ka nagpapagod ng sobra, baka maapektuhan ang mental health mo niyan," ani ni mama, habang hinahaplos ang likod ko.

'Di pa pala siya pumunta dito. Bakit siya nagpakita sa akin kanina? Ano nanaman ba gagawin niya? Sisirain niya nanaman ang pamilya ko, ang trato nila sa akin. Hindi ako papayag.

"Anak, ano ba ang iniisip mo? Tingnan mo yang mga kilay mo, nagkakasalubong. Matulog ka na, wag ka masyadong nagpapagod," sabi ni mama, habang tinutulak ako palayo sa kanya.

"Sige, ma, punta na po ako sa kwarto ko," sabi ko.

Pumasok na siya sa kwarto at napabuntong-hininga. Maya-maya, nakatulog na siya.

"Ate bek, gising, may bisita sa labas," tinatapik-tapik ako sa kamay at agad naman akong nagising.

"Sino ba 'yun? Natutulog ako, eh," aniya Victoria at agad namang pumunta sa sala at nakita ko si Melissa.

"Bek, andito na ang ate mo," ani ni papa na mukhang masaya.

"Ahh, akala ko naman kung ano. Sige, tulog na lang po ako ulit," tumalikod ako at nakita ko si mama na papalapit.

"Wag kang aalis, dyan ka lang... Bakit ka andito? Hindi ba masaya at maganda na ang buhay mo sa ibang bansa?" ani ni mama na mukhang naiirita.

"Gusto ko lang po kayong makita, ma," humakbang ako at niyakap si mama at agad naman itong pumiglas.

"Ngayon na, kamusta muna ako, umalis ka na... Hindi ka namin kailangan dito..." ani ni mama, habang tinutulak ako palayo sa kanya.

"Ping, wag mo ngang ganyanin ang anak natin," nakawak sa mga braso ko at pinapakalma ang sitwasyon sa pagitan namin ni mama.

"Pa, dapat lang umalis 'yan. Hayaan mo siya. Umalis ka na dito, di-" agad na tumahimik ang kapaligiran nang dumapo ang kamay ni papa kay Victoria.

"Kapatid mo siya, bakit mo siya papalayasin? Tumanaw kayo ng utang na loob, pinag-aral at tinulungan niya kayo. Tas ito ang igaganti mo sa kanya," pasigaw na bigkas ni papa.

"Umalis ka na, tingnan mo, nang dahil sa'yo nagkakagulo ang pamilya namin. Umalis ka na bago kita kaladkarin," ani ni mama.

"Ping!" sigaw ni papa.

"Okay lang pa, aalis na lang po ako," umalis na ako at sumakay sa sasakyan ko. Doon ko nilabas ang aking iyak, hindi ko maisip kung bakit ganoon. Ang dami kong katanungan sa aking isipan, tila mababaliw ako. Bakit ganoon? Bakit galit sila? Sila ang dahilan kung bakit ako umalis, tapos ngayon pinapalayas nila ako... Matuloy lang ang pag-iyak ko sa kotse habang nagmamaneho.

Envy's Embrace Where stories live. Discover now