BG XXVI

19 4 0
                                    

Isinulat ni Angel Medenilla.

I AM A BAD GENIE

"You're awake," mahinang sambit ni Gen.

"Ugh! My niece won't stop crying," naagaw ni Ate Snow ang atensiyon ko dahil sa impit na pagrereklamo nito.

"Obviously, she doesn't like you," mayabang na sumbat sa kaniya ni Silver.

"Look at them," malumanay na sabi ni Gen habang nakatingin sa akin. "Since ginawa niyo na rin namang tambayan ang clinic ko, nagpagawa na kami ng sarili niyong kwarto dito." Itinuro niya ang iba pang hospital bed na may mga pangalan ng ibang rankers.

Nakita ko sa bed niya si Fiona na hindi pa din nagigising.

"And you think she likes you huh, Silver?" Naiiritang baling sa kaniya ni Ate Snow. "Fine. Carry her for a while. I'll go get some milk."

Saglit. Ano bang nangyari? Bakit hindi magkandaugaga ang dalawa sa pagpapatahan kay baby Celine. Nasaan si Thunder?

Nang iabot ni Snow si baby Celine kay Silver ay lalo pang lumakas ang iyak nito. "Coochi coochi coo" pang-aayo ni Silver sa bata. "Tit-wa... Tit-wa..." Sinasabayan pa niya ito ng hand and face gestures.

Napatawa ako nang mahina kaya napatingin sa akin si Silver na namumula ang mga pisngi. "SEE! Wala ka ding alam sa bata. Tabi," sita ni Snow na kababalik lang.

"Dinala ka dito ni Ate Snow kagabi dahil sa taas ng lagnat mo. Ihinatid naman dito ni Thunder iyong baby kaninang madaling araw dahil ipinatawag ito sa Aero-Aqua, ang Northwest Kingdom," mahabang paliwanag ni Gen.

"Sa-salamat, Gen."

Hawak-hawak pa din ni Silver si Celine habang sinusubukan ni Snow na isubo ang bote ng gatas sa baby. Makulit si baby Celine at patuloy na umiiyak habang ibinabaling ang ulo para maiwasan iyong gatas.

"Waaah!" Nanlalaki ang mga mata ni Ate Snow na bumaling sa akin. "Finally, you're awake. Sister, what should I do? Help!" Pfft.

"AHAHAHA" Hindi ko na napigilang mapahalakhak. Ang epic. Mababasa sa mukha nilang dalawa ang pagkataranta.

Inabot ni Snow kay Silver iyong bote at nag-aalangang isinubo ulit iyon ni Silver sa baby. Napagod na siguro si baby Celine kaya hindi na ito umiiyak at umiinom na ng gatas. Nakanguso habang nakasimangot si Ate Snow na tumabi sa akin sa kama. Tumingin ito diretso sa aking mga mata bago nagsalita.

"Sis, you didn't break the seal but that's okay. Kusa naman iyang matatanggal once you get in control of your power. To do that, we need to start your training. ASAP."

"Sa tingin ko ay nagugutom na siya, ate," sabi ni Gen kay Snow bago bumaling sa akin. "Hindi naman malala ang kalagayan mo at sapat na din ang iyong naging pahinga. Hindi na kita palalagiin pa nang matagal dito sa clinic."

"Salamat, Gen." Pagtango lang ang naging sagot nito sa akin.

"So, what do you want for lunch, sis?"

"Kahit ano, a-ate Snow."

"Okay. Let's go! Paano ba iyan Silver, sa iyo muna si Celine ha. Kakain lang kami. Bye! Hahaha" Pang-aasar niya kay Silver.

"Fiona," napansin ko ang paggising nito. Nakatakip palad nito sa mga mata.

"Contact lenses, please." Nanghihina na sabi nito at dinaluhan siya ni Gen.

"We'll visit her later, kain muna tayo."

Sa bukana ng clinic ay naabutan namin ang isang pamilyar na babae pero dahil nakalingkis ang kamay ni Ate Snow sa braso ko ay madali lang kaming napadaan doon.

Please help. Sinubukan ko siyang gisingin pero hindi na talaga siya nagigising. Akala ko pagod lang siya sa praktis para sa year-end duel kaya lagi siyang tulog but she's missing most of our classes kaya I did what I can to wake her up. Hindi ko po siya magising.

Siya iyong kaibigan nung babaeng blue ang buhok na humiling ng masama para kay Fiona.

"Be careful what you wish for, you might just get it." Hala, ako ba may gawa nun? Napatingin ako sa mga palad ko. Ano nanama ba ang nagawa ko?

I AM A BAD GENIE.

Tumungo kami sa dining hall. Teka, hindi ba't sira pa ito? Binuksan ni Snow ang double door at tumambad sa akin ang kagandahan ng mga nagtayuang tree house sa loob. So MAGICAL! Nanatili ang water maze sa dining hall na siyang pumalit sa marble na sahig. Ang bagong estilo nito ay tulad ng sa library. Hindi nga lang libro ang lumulutang sa ere, kung hindi pagkain.

"Let's go!"

"Snow," pagbati ni Somi kay Snow saka ito binigyan ng bouquet of roses.

"Somi, what's up!"

"May I sit with you?" Medyo nahihiyang tanong nito.

"Sure," mabilis na sagot ni Snow saka kami pumili ng tree house.

May menu na nakapatong sa table ng tree house at pumindot-pindot doon si Ate Snow. "What else do you want?" Sumagot si Somi habang sabi ko naman ay parehas na lang kami.

"I'll pay," sabi ni Somi at mabilis na itinap ang card sa menu board.

"Thanks, Somi! You're the best," magiliw na sabi ni Snow saka nag-thumbs up.

Nahihiyang tumango si Somi, "No biggie." Bumaling naman ito sa akin. "Oh! Hi again, miss."

"You already met her?" Pagtatanong ni Ate Snow.

"Yes. Sa boys' dorm, sa kwarto namin ni Thunder. Hahaha Pero iyong kambal mo, hindi man lang sinasabi sa akin ang pangalan niya."

"Oh, she's Benevelle."

"Uh-huh, we did a background check sa taas bago pa siya madala nila Silver dito sa academy," maya-maya ay napalitan ng kapilyuhan ang aura nito. "So Snow, nabalitaan ko iyong suspension niyo ni Silver. Mukhang ako ang magiging first ranker this year ha."

"A-S-A. Asa. Suspended lang ako pero ako pa din ang first ranker. That's mine, only mine. Besides, andiyan pa ang kambal ko, si Blue at Fiona."

"Really? Iyong kambal mo nagwawala sa kwarto namin nung kailan dahil hirap pa ding ilabas ang kapangyarihan niya. Si Blue, dinala sa West Kingdom para doon makapag-recover. Si Fiona, nandoon pa din sa special room. I don't think they will make it to the duel."

"Correction, gising na si Fiona."

"Still, I don't think they will make it to the duel."

"Ugh, fine. Galingan mo na lang," walang kaemo-emosyong sabi ni Snow habang kumakain. "Kapag ikaw ang first ranker this school year, i-co-congratulate pa kita. I don't mind, as long as gragraduate din akong first ranker."

"Okay. Got it." Sagot ni Somi na may kinang sa mga mata.

Natapos kaming kumain at saka nagpaalam sa isa't isa. Hinanap ko si Silver upang kunin si baby Celine pero tumuro si Gen sa special room at si Elmira ang nakita ko na may hawak sa bata.

"Uhm, hi." Nakita ko siya na kaya nang umupo at igalaw ang mga braso. Ang bilis niyang naka-recover.

"Elmira!" Pagtili ni Ate Snow nang makapasok ito sa special room.

"Shhh, ate Snow," suway ni Gen sa kaniya.

"Oops, sorry," paumnahin nito kay Gen, "Elmira, how are you?"

Bad Genie [Book One-Completed]Where stories live. Discover now