BG XXXIV

51 4 0
                                    

Isinulat ni Angel Medenilla.

I AM A BAD GENIE

Nakaidlip ako. Oh no! Napabangon ako mula sa pagkadukmo at nakita si Thunder sa katabi na upuan na nakasalumbaba habang nakatitig sa akin. May mahinang pagtapik ng nakarolyong papel sa balikat ko at inabot sa akin ng librarian ang scroll ng mga palatuntunan sa library. Nandoon ang mga bawal gawin at kung ilang deduction points ang makukuha.

Sleeping -100 points per minute

Agad kong tinignan ang ID ko na -3,900 na ang points. Argh! Napasabunot ako sa buhok sa inis at saka dumukmo ulit. Umilaw-ilaw ulit ang ID ko kaya bumangon na ako agad.

"Tsk, tumutulo pa laway mo," sabi ni Thunder sa isip ko kaya agad akong napapunas ng labi pero hindi naman ito basa. Napairap na lang ko sa kaniya habang ngingisi-ngisi siya doon.

"Hoy Tanda, wala ka bang ginagawa?" subok kong tanong pero hindi siya sumagot.

Masikap ko na lang na binitbit iyong mga libro na nasa mesa saka isa-isang ibinabalik sa dapat nilang kalagyan. Lima pa lang ang naibabalik ko pagod na ako.

"Little mana is all it takes
Use the wind to levitate."

Pfft. Nakatakip ang palad sa bibig ni Thunder habang nagpipigil ito ng tawa. Nakalipad ito sa ere habang prenteng nakaupo at nakadekwatro ang posisyon na nagbabasa ng libro. "Anong trip mo?"

"Read this," sabi nito sa isip ko saka ako inabutan ng libro. Ancient Spells. Napakunot ang noo ko, basic spells nga hindi ko magawa tapos gusto niya iyong Ancient pa ang basahin ko. Napakalaking bully.

"Thunder," tinig ito ni Elmira na sinusundo si Thunder sa library. Ang busy nila. Si Fiona na lang ang nakakasama ko kasi may secret training kami tuwing madaling araw bago ako pumunta ng library.

Itinabi ko ang libro na ibinigay ni Thunder. Akyat baba ako ng hagdan at hindi ko pa ubos ang mga libro sa mesa. Inabot na ako ng gabi at wala pa sa kalahati ang naibalik ko.

"See that table," kaswal na tanong ni Master Ravini kaya sinundan ko ng tingin ang itinuro niya. "Nakatoka na din iyan sa iyo kung hindi mo pa matapos ang basic spells mock test today. Let's go."

Bagsak ang balikat ko kasi mas madami nanaman ang librong ibabalik ko bukas.

"Hey, Beny, wake up," si Fiona ito na nakatayo sa gilid ng kama ko. Hindi ko alam kung paano siya nakakapasok dito at hindi ko din naman tinatanong. "Bangon," mas mababa ang tono at may pagbabantang utos nito.

"Oo na po, heto na."

"Master."

"Heto na po, master Fiona," masiil kong pinagdikit ang labi. Kung paano ako napunta dito? Next time ko na ikukwento. Nagmamadali ako.

Binitbit ko ang mga kagamitan na prinepara kagabi para sa training namin. Kailangan kong pagtiisan ang hiniling ko kay Fiona. Ayaw kong magreklamo. Tumingin naman ako sa gawi ng bintana at nakitang wala pang liwanag sa labas.

Ngayon ang ikalawang araw ko ng pagsasanay kasama siya at wala mang emosyon sa mukha ay ramdam ko ang kaniyang pagkairita. Tumayo ako kahit medyo inaantok pa.

"Tara?" Maingat kaming lumabas ng kwarto para hindi makatunog iyong dalawang masters.

Maya-maya ay naghamon ito bigla. "Kung hindi mo ako maunahan sa field tatakbo ka sa lawa. ISA."

"Ano, wait!"

"Dalawa." Huminga ako nang malalim at ihinanda ang sarili.

"TAKBO!" Binagtas ko nang mabilis ang pasilyo papunta sa open field namin na bumalik na sa dating anyo. Wala nang lawa dito. Naayos na ng mga water elementians.

Bad Genie [Book One-Completed]Where stories live. Discover now