Chapter three

3 1 0
                                    

Habang nandito ako sa loob ng bus ang nasa isip ko lang ay  pamilya kong nasa maanyag. Na miss kona din ang mga kaibigan ko lalo na si Phili.

Nasa labas ko nalang ang nilaan kong attention para hindi ko ma miss ang pamilya kong nasa bahay.

"Okay ka lang ba ivone, tahimik mo diyan eh" tanong ni manang ng ma pansin niya akong tahimik sa kanyang tabi.

"Oo tiya, naalala ko lang sila inay doon." Mahina kong sabi dito.

"Wag kang mag alala ivone, pwede ka naman uuwi pag day off mo. Mabait naman si mayor walang problema sa kanya pag dating dyan."

Ilang pang minuto ang nag daan. Huminto ang bus sa terminal ng manila. Siguro hudyat ng nandito na kami.

Kinuha namin ni manang lahat ng bag na dala. Isang malaking bag at maliit lang ang dala ko kaya madali lang dalhin.

"Dito natin hintayin si Andres. Ivone" saad ni tiya ng maka baba kami sa bus, lumapit kami sa upoan ng terminal.

Habang si tiya ay may tinawagan sa cellphone niya siguro si mang andres kuno.

"Dito natin hintayin si Andres pa punta na siya dito." Sabi niya ng matapos niyang tumawag. Umopo naman ito sa tabi ko.

"Tiya bili muna ako ng tubig doon, Ano ang gusto mo tiya?" Tanong ko ng maka ramdam ako ng kauhaw.

"Chitchirya nalang sakin ivone. Bilisan mo baka't maya maya narito na iyon." Bilin nito.

Tumayo naman ako at lumakad patungo sa malapit na tindahan.

Sa tindahan ay may mga lalakeng naka tambay ay siguro mga ka edad ko lang ito. May mga itsura naman pero wala ni isa doon ang tipo kondi ay si mayor Calixto lang.

"Uy ang ganda nito. Hi miss" may isang lalake ang pumansin sakin. Dahil mahiyain ako at hindi ko sila kilala hindi ko ito pinansin.

"Pst baguhan siguro dito pre." Saad naman ng isa.

Wala akong pinansin sa kanila, at bumili na ng kailangan ko. Nang nabili kona ang kailangan ko ay bumalik agad ako kay tiya.

"Dito kana pala, halika tulongan mo mona ako dito. Nandiyan na si Andres" Bungad ni tiya ng makita niya akong palapit sa kanya.

"Andres tulongan mo nga kami dito." Mahinang sigaw ni tiya sa lalakeng nasa likud ng malaking sasakyan binuboksan ang likuran.

"Tayka lang, ikaw naman Manang di maka hintay." Reklamo nito. " Uy ito na pala ang sinabi mong bagong babysitter sa anak ni Mayor manang." Pahabul pa nitong sabi sabay tingin nito sakin.

"Magandang hapon po manong." Naka ngiti kong saad kahit nahihiya ako.

"Dalhin mo ito Andres ilagay mo nalang iya  sa likod ng sasakyan. Halikana ivone una na tayong sasakay." Sabi ni Tiya ng makuha na ni Manong andres ang bag na dala namin.

Lumapit na kami ni manang patungong sasakyan at pinagbuksan ni ako ng pinto.

Namamangha ako sa sasakyan na ito, pero hindi ako nag sasalita. Baka alam ni tiya na first time ko ito.

Nang maka sakay na ako, nalanghap ko ang mabango at napaka lanig na hangin sa loob ng sasakyan siguro ito ang sinasabi nilang aircon.

"Malayo paba tiya?" Tanong ko ng mapansin kong hindi pa huminto ang sasakyan. Pinipigilan kong masuka kahit na masama ang pakiramdam ko.

"Malayo pa vone, hintay ka lang."

Hindi ako maka hintay tiyaHAHA alam mong makikita ko nang malapitan si Mayor, excited na eh.

Kahit hindi kami palaging mag kikita ni mayor calixto ay palagi naman siya nasa isip at puso ko.

"Andres? Si mayor ba nasa mansyon parin" natigilan ako sa pag iisip ng marinig kong tanong ni tiya kay manong.

"Si mayor, wala siya ngayon sa bahay may pinuntahan siya siguro nasa Quezon city siya, alam mo namang busy ang tao hindi nanga niya kina kamusta ang bata kawawa tuloy." Mahabang saad ni manong.

Hays pano tu wala si mayor may hunny bunny lovey. Biglang nawala ang excitement ko dahil sa narinig. Kawawa naman pala ang magiging babantayan ko always wala ang ama.

Pag kami mag kaanak ni mayor pag palagi siyang wala at wala nang time sa mga anak namin ay iwan ko nalang at baka sa labas siya matutulog.

Kahit ganyan si mayor mahal ko parin duh. Mukhang first love ko siya, siya ang nagtagal kong karelasyon.

Wala kaming karelasyon ni mayor. Sa panagimip siguro oo meron.

Natigil lang ang pag dedream ko ng huminto ang sasakyan sa isang malaking gate, kong malaki ang gate siguro malaki din ang nasa loob.

"Hito na tayo. Ako nalang mag dadala ng mga bag ninyo manang una na kayo ni Ivone sa loob." Saad ni Manong ng binuksan niya ang pinto.

"Oh sige, hilikana ivone."

Pinagbuksan kami ng guard at binati niya si tiya pati na din ako.

Mas lalo akong namangha ng maka pasuk na kami sa loob. Malaking bahay ito, bahay bato or mansyon basta malaki.

May mga bulaklak na magagandang naka palibut sa bakuran ng mansyon at may dalawang fountain din.

Pero mas nakaka mangha pag nasa loob kana. May mga katulong akong nakitang nag wawalis at nag gagarden. Siguro ito ang mga assignment nila dito sa bahay.

"Dito tayo, Wag monang pansinin iyan." Saad ni tiya ng mapansin niya akong naka tingin sa mga katulong na busy sa kanikanilang gawain.

"Tiya ikaw ang mayorduma dito? Matagal kana talaga dito?" tanong ko.

May ilang katulong ang nag hintay sa gilid ng kusina, nang naka rating kami.

"Hi manang welcome back, na miss kita." Saad ng isang babaeng may edad na.

"Miss ang mukha mo, ano kumosta ang mansyon?" Supladang saad nito.

"Okay lang naman manang walang problema, ang magiging problema lang ay si cadence hindi kumakain palaging nasa kwarto niya. Uy siya naba iyan manang may hitsura pala." Natatawang sabi niya. Siguro na pansin niya kong nasa likud ni tiya.

"Ito nga pala si Yvonne, inaanak ko. Siya ang magiging babysitter ni Cadence." Pakilala ni manang sakin. "Pakilaka kayo kay Ivone" Dagdag pa niya. Nahihiya akong ngumiti sa kanila.

"Hi ivone ganda mo pala, ako Si Luci" Nakipag kamay naman si ate luci sakin.

"Hi I'm Jodith. Ate jodith nalang." Naka ngiti nitong saad.

" Ito si Jayden, kapatid ko. At si Karen naman." Pakilala ni ate jodith sa mga kasama nilang nasa likud nila, kasing edad kolang ang mga ito.

"Oh sige, hatid ko lang si Ivone sa kwarto niya, balik na kayo sa mga gawain ninyo."

I AM THE BABYSITTER OF THE MAYOR'S ONLY SONWhere stories live. Discover now