CG#6

2.4K 49 9
                                    



"What are you doing?"



Gulat na gulat akong napasapo sa aking dibdib at napatingin sa lalaking prenteng nakaupo sa sanga ng katapat kong punong kahoy.  Letse, ilang ulit ba ako magugulat sa isang araw?  



Tumingala ako upang makita kung sino ang nagmamay-ari ng boses, walang iba kundi si Boy Suplado lang pala. Di ko alam kong tanga ba sya, walang common sense or sadyang bobo talaga ang isang to. Seriously? Di ba halata kung anong ginagawa ko? Malamang naka-upo. Ay hindi pala bobo ang tawag dun, bulag pala. Sorreh.



" Uhmm naka-upo?" sagot ko. 





Ilang minuto pa, bigla syang tumalon mula sa sanga ng puno. Charot, ang taas taas nun tapos na kaya niya yun? Around of applause nga kay Boy KwekKwek, nag-ala action star sya ha. Kunsabagay pwede din sya maging artista. May looks din sya kahit papaano at may matipuno din syang pangangatawan, walang wala si Van dito kay Boy Suplado ng sampung paligo. 



Lumapit si Boy Suplado at tumabi saakin. Err. Okay? Maiihi na ba ako? Magpapalechon ng mga palaka? Tell me guyseu~



Tumingin ako sakanya, bahagya pang nanlaki ang kyut kong mga mata nang mapagtanto kong nakatitig sya sa kagandahan ko na parang password. Ako lang ang nakakaalam. 



Umiwas ako ng tingin. It was intimidating aryt? Yung feeling na, pag siya ang tumititig sakin parang naiihi ako sa kaba?  Sya lang yung nagpaparamdam sakin nang ganito eh, kahit ang mga magulang ko di pa nagagawa. Tsaka daig niya pa nga ang mga oral recitation na di ko man lang nasagot. Di lang yun, tuwing tumititig sya sakin, puno ng awtoridad. Parang hari lang? Pag di mo sinunod ang mga pinag-uutos niya, bitay agad ang kaparusahan. Ganun katindi ang power ng pagtitig nang isang to mga men~.



"Hi." Aniya.



Nagdadalawang isip pa ko bago sumagot. Nakakapanibago eh, tsaka wala sa itsura niya ang pagiging 'friendly'. Suplado pa naman to, baka mabugahan talaga ako nang apoy pag di ako sumagot.



"Hi. err."



"Wrong." Aniya.





HUH?



Wrong? Anong wrong ang pinagsasabi nito? Nag-ooral test ba kami dito na di ko man lang nalalaman at namamalayan?  Napatingin ako sakanya. Letse, nakatingin parin pala ang isang to. Ganun ba ko ka kyut?



"Anong wrong?"



"Your answer is wrong." 



OMG! Nagtetest nga kami, my answer is wrong daw eh! Paano nangyare yun? Sinabi niya lang na 'Hi' at sa pagkakaalam ko, di naman rising intonation yun. Diba? diba? Kahit iback read niyo pa, walang question mark na nakalagay dun. Pinagloloko bako ng isang to?



" What do you mean?" Sabi ko. Nag-eenglish sya eh, so mag eenglish din ako para quits kami.





" You should answer it 'Hello'. tsk." 



Ahh okay? I get it. Gegu sya ah. Kala ko naman kung ano na. Nasobrahan yata to sa pagiging matalino kaya naging tangengoks. Pati pag greet pinupuna na. Sadlayp.



"Ah ganun ba? " 



" Tsk. Its a basic conversation but you can't reply the simpliest one? " He mockingly answered. 



Gosh, alam kong gwapo sya pero wala syang karapatan na ganyan ganyanin ako. Letse, siya yung kumausap sakin dito at hindi ako ha! Tapos pati sa pag 'Hi' at 'Hello' kocorrection-nan niya pa. Edi wag niya akong kausapin! Jusko naman. Nakashabu ba ang isang to? Try niya kayang mag teacher nalang kesa mag Action Star? Marami sigurong babaeng estudyante ang wiling pumasok at makinig sa mga lectures niya araw-araw. Edi naka tulong pa sya sa lipunan. Psh.



Contract Girlfriend Of Mr. Mafia Boss (ON HIATUS)Where stories live. Discover now