Chapter 2

2 1 0
                                    

Eunice...

Graduation day...

Hindi na nga talaga nagpakita si Johannah sa school at maging sa akin, nagtatakha ang iba dahil wala man lang ito pasabi kung saan nagpunta. Tanging kami lang na tatlo nila Reyster at Rhianna ang nakakaalam sa nangyari.

Nakatayo ako sa pilahan, pangalawa sa unahan. Lahat ng kaklase ko, may mga magulang na kasama, samantalang ako ay wala. Pinagtitinginan ako ng mga ibang magulang, nagtatakha kung nasaan ang sarili kong guardian. Bumuntong hininga ako, saka nakayukong sumunod sa paglalakad para umakyat sa stage. Umpisa pa lang ng ceremony, mabigat na agad ang pakiramdam ko.

Bukod sa wala na si Johannah, naroon din ang pangamba ko na mapahiya sa lahat ng estudyante. Ako lang ang walang magulang sa importanteng event sa buhay ko, nakayulo lang ako simula pagdating sa school. Lahat sila ay inaayusan ng mga magulang, samantalang ako ay pasimpleng sinusuklay lang ang buhok, natural na kulot ang buhok ko na bumagay sa akin, kaya hindi na kailangan ayusin. Pinahiran lang ng kaunting make-up ni Erise ang mukha ko kanina, bago siya umalis papuntang trabaho. Pero nahulas na iyon bago pa ako makarating sa school, dahil sa mga luha ko sa daan.

Naiiyak na naman ako, kaya pinalibot ko ang tingin sa lahat ng mga estudyanteng naroon at masayang kinakausap ng magulang.

Matapos ang pagpapakilala sa amin sa stage, nagsimula na ang ceremony na pinangunahan ng prinsipal namin. Sumunod ang Host at ang kasunod ay ang pinaka-ayaw kong mangyari sana.

Ako ang susunod na magsasalita, dahil ako ang salutatorian. Mabuti na lang, dalawang page lang ang babasahin ko. Hindi kagaya ni Rhianna na, umabot sa sampong page ang babasahin niya.

"Good afternoon everyone," pagbati ko sa simula. Kabisado ko ang lahat nang nakasulat doon, kaya hindi ko na kailangan basahin ang papel.

Pinalibot ko muna ang tingin sa buong hall, kung saan mas marami pa ang mga audience kaysa ang gra-graduate. Umaasa pa rin ako na sana, naroon ang inaasahan kong tao na gusto kong makarinig ng speech ko. Pero bumagsak lang ang balikat ko, dahil wala roon si Mama.

Wala ang dahilan, kung bakit ako nagsusumikap mag-aral ng mabuti.

Umakyat ako nang paulit-ulit sa stage, nang walang kasama. Ang matatanggap kong medalya ay nasa dose. Nasa panglabing-dalawa na at ito na 'yong huli, nasanay na siguro ang mga tao na wala akong kasamang umaakyat kaya naman hindi ko inaasahan na may tatabi sa akin bigla sa paglalakad.

Narinig ko 'yong mga bulungan, pero mas nakakaagaw ng pansin ang hiyawan ng mga lower grades, mostly 'yong mga kaklase niya.

We were walking at the aisle, hindi ko alam anong trip niya at sinasabayan ako nitong maglakad ngayon. Pero umangat ang kaguwapuhan niya ngayon, nakasuot siya ng poloshirt na black, black jeans siya at off white shoes. Bumagay sa kaniya ang silver na relo, na sa pagkakatanda ko ay regalo ng kapatid niyang si Rhianna.

"Bakit ka sumasabay?" Pabulong kong tanong.

Malapit na kami sa stage, kaunting hakbang na lang at hindi pa rin siya humihiwalay. Lumingon siya sa gawi ko, nginitian niya lang ako at kinuha ang kamay kong nakahawak sa laylayan ng toga ko.

Ngiting-ngiti ang principal at guest speaker, nang sabitan ako nang panghuling medalya.

Paborito kasi nito si Reyster, tahimik at suplado pero halimaw pagdating sa academic at iba pang performance.

"Congratulations, Miss Ayala," bati sa akin ng principal.

Iginaya kami nito papuntang harapan ng stage, para sa picture taking. Hindi ko tuloy alam kung makakangiti ako, ganitong naghuhurimentado ang puso ko sa sobrang kaba. Pero sa kalagitnaan ng matinding kaba, may kamay na nakahawak sa akin at pilit akong dinadala para kumalma.

"Smile, Bestfriend!" Mahina, ngunit sumang-ayon ang labi ko sa sinabi niya.

Nakita ko ang mama niya na nag-abot ng camera sa anak niyang bunso, at minadali itong papuntahin sa harapan para makuhanan kami ng litrato.

Masaya ang gabi na iyon, dahil sa ginawa ni Reyster at nang kaniyang buong pamilya. Kahit hindi ako miyembro ng pamilya nila, sinali nila ako sa group photo. Magkatabi kami ni Rhianna at ni Reyster, habang ang bunso nilang kapatid ay nasa gilid ni Rhianna.

"Grabe! Hanga talaga ako sa'yo anak! Napakarami ni'yong medal!" Masayang bati ng mama ni Reyster na si Tita Anne.

Siya mismo ang nagsabi sa akin na Tita raw ang i-tawag ko sa kaniya, hindi na rin naman daw ako naiiba sa kanila dahil ang turing daw niya sa akin ay isang anak.

"Maraming salamat po!" Natutuwa kong pasalamat sa kaniya.

Iyon ang ninanais kong reaksyon at inaasam na marinig mula sa sarili kong ina, pero alam ko naman sa sariling hindi ko iyon makukuha.

Ang plano kong diretso uwi, pagkatapos ng graduation ay hindi natuloy. Dahil pagkabalik ng toga sa classroom, sinama ako ng pamilya ni Reyster sa SM. Hindi sila pumayag na hindi ako sasama, dahil malulungkot daw ang unico ijo nila.

Hindi ko sila maintindihan sa ibig nilang sabihin, samantalang hindi naman halata na nalulungkot o natutuwa ang anak nila na si Reyster na kasama ako.

Pumaparada pa lang ang sasakyan ng pamilya Yton sa harapan ng gate nila, naaanigan ko na agad ang masamang aura ni Mama. Ang lungkot at kaba na nararamdaman ko kanina, bumalik at mas lalong dumoble. Nahaluan na ng takot.

"Oh, hinihintay ka na ng mama mo!" Sabi ni Tita na siyang nasa passenger seat sa harap.

Katabi ko si Rhayne na natutulog sa balikat ng ate niya, samantalang si Reyster ay nasa harapan ko, nakapatong ang paa ng kapatid niya sa kaniya kaya hindi rin siya gaano makagalaw. Pero hindi nagsawa ang mata niya na tumitig sa akin sa buong byahe. Nakakangalay nga na tumingin sa bintana, kasi naiilang ako sa titig niya.

"Ako na bahala magpaliwanag sa mama mo," ani nito. Bumaling siya sa anak na lalaki at inutusan. "Reyster! Buhatin mo na 'yang kapatid mo at dalhin sa kuwarto niya!"

Nauna akong bumaba, kasama si Tita Anne na lumapit agad sa akin at sabay kaming naglakad sa harapan ni Mama.

"Ella, pasensya na at ginabi kami! Natuwa kasi ang mga bata sa pagpasyal sa mall hindi namin namalayan na gabi—"

"Wala akong balak makinig sa kuwento ng pamilya mo, Anne. Ang sa akin lang, hindi mo na kailangan isama ang babaeng ito dahil wala ka rin naman mapapala riyan!" Pagputol ni mama sa sinasabi ni tita, dinuro pa ako nito sa harapan niya.

Napayuko ako, hindi ako makatingin dahil sa sobrang hiya.

"Ella, huwag mo naman pagsalitaan ng ganiyan si Eunice. Bata pa iyan, baka mamaya ay lumaking may galit sa'yo 'yan!"

"Huwag mong pakealaman ang pagtrato ko sa bastardang ito! At ikaw! ano pang tinatayo mo riyan?! Pumasok ka sa loob ng bahay at maglaba ka! Hindi ba't sinabi kong huwag kang a-attend ng graduation na 'yan! Nakakahiya ka!" Sumigaw si mama kaya napatago ako sa likuran ni Tita Anne.

"Ano ka ba, Ella?! Huwag mong ipahiya ang anak mo sa kapitbahay!" Pigil ni Tita, lumapit si Tito Saldy sa kanila at nilapitan si Tita. Nakita ko rin si Reyster na naguguluhan sa gilid, kasama nito ang kapatid na si Rhianna, masama ang tingin sa mama ko.

"Huwag kang makisali rito, Anne! Pumasok ka sa bahay!" Sigaw ni Mama pero kumapit lang ako sa laylayan ng damit ni Tita Anne. Takot na takot ako, kakaiba ang tingin ni Mama. Parang hindi ako kilala, ito na naman siya, kapag galit talaga siya ay hindi niya ako kilala.

Hinawakan ni Tita Anne ang kamay ko, nakikita ko ang naaawa niyang mata. Pero, nang hawakan siya ni Tito ay tuluyan na akong nawalan ng pag-asa na may magliligtas sa akin.

THANK YOU FOR READING!

4-20-2024

HIT ME (REYSTER YTON)Where stories live. Discover now