Chapter 4

9 1 0
                                    

Wanna be my Bestfriend too?

"Matalino nga, wala naman kaibigan!"

"Look! She's not wholesome matalino! If she's really a matalino, she can't dress up like that!"

Rinig na rinig ko ang mga pesteng boses ng mga kaklase kong hindi man lang umangat sa ranking ngayong 4th grading. And Yes! I survived this whole grade 7 school year. Dalawang buwan na lang, magbabakasyon na. Bugbog na naman ang katawan ko nito sa labahin ng mga kapitbahay na nagpapalaba kay mama.

Sa buong grading, ako ang palaging nauuna sa rank, kasunod ko si Jude at iyong si Macky. Kaming tatlo ang naglalaban para sa 1st honor, pero hindi ako nagpapakampante sa puwesto ko dahil alam kong may ilalaban din si Jude at Macky.

"Kumusta ang araw mo?"

Routine ni Reyster na itanong sa akin iyan, sa bawat hapon na hinihintay niya ako sa kanto ng palmera, para sabay kaming maglalakad papasok sa loob ng Southville. Hindi ko nga alam sa taong ito, kung bakit niya ginagawa iyon? Samantalang magkapitbahay naman kaming dalawa.

Ang rason niya? Kapag pumasok na raw kasi ako sa loob ng bahay namin, wala na raw akong kalayaan lumabas. Sinusulit niya lang daw, habang wala si Mama.

"May natira sa baon ko na bente pesos, tara! kain tayo kila Mang Isaw!" Pag-iiba ko ng usapan, para hindi namin ma-topic 'yong nangyari sa buong maghapon ko sa school.

Ang bonding kasi namin ni Reyster sa uwian galing sa klase, kumain ng mga street foods o 'di kaya maglugaw. Kahapon naglugaw kami, kaya ngayon mag-iisaw naman kami. Palaging siya ang taya sa pagkain, kahit na pinipilit kong magambag e, ayaw niya pa rin. Ang palagi niya lang sinasabi sa akin ay,

"Ipunin mo 'yan, para kapag may activities ka. Hindi ka mahihirapan maghanap ng pambayad o pambili."

At dahil makulit ako at gusto kong may mai-ambag kahit kaunti sa kaniya, minsan ko lang siya i-libre dahil siya na lang palagi ang bumibili ng kinakain ko.

"Marami na akong ipon dahil hindi mo ako pinapagastos, minsan lang kita ililibre, ayaw mo?!" Maangas kong tanong.

Umiling lang siya at tumawa na hindi naman dinig. Ginulo niya ang buhok ko, pero inayos din agad.

"Pasimpleng iwas ka pa sa pagsagot sa pangungumusta ko, ikaw talaga!" Inakbayan niya ako at niyaya roon sa kinakainan namin.

Habang kumakain kami ni Reyster, napansin ko na hindi siya makulit at maingay ngayon. Tho, hindi naman siya talaga makulit at maingay madalas, pero iba itong hapon ngayon dahil extra ang katahimikan niya. Tuloy-tuloy lang ang pagnguya niya, inaasikaso niya pa rin ako pero sa pagkain lang ang focus niya.

Sa loob ng isang taon na pagkakaibigan namin, unti-unti ko siyang nakikilala kahit katahimikan ang pumupuno sa buong pagkatao niya.

"Rey?" Mahinang tawag ko.

Busy siya sa pagsubo ng kwek-kwek, kanina nga, hindi niya napansin na tubig na sinasawsawan pala ng sandok iyong makukuhanan niya ng sauce. Kung hindi ko siya inunahan na buhusan ng matamis na sauce ang lalagyan niya, magiiba ang takbo ng sikmura niya ngayon.

"Hmm?" Tumugon siya pero hindi tumingin.

Okay, Testing number 1.

"Toto?!" Tawag ko ulit.

Hindi ulit siya tumingin, patuloy lang siya sa pagkain. Mukhang nakalimutan pa nga na tinatawag ko siya.

Okay, ayoko na paabutin ng pangatlo ang testing, dahil proven na may problema siya.

Sumilip muna ako sa kaniya, dahil masiyado siyang nakayuko na halos masawsaw na sa sauce ang buhok niya. Matangkad siya sa akin ng dalawang dangkal, kaya kapag kakausapin mo siya kailangan mong tumingala.

HIT ME (REYSTER YTON)Where stories live. Discover now