CHAPTER ELEVEN

6K 120 21
                                    

⚠️WARNING!! | MATURE CONTENT R+18 ⚠️

This story is intended for mature audiences only! If you are not of legal age, please exit immediately. Be open-minded if you want to read my story. DO NOT READ THESE STORY IF YOU ARE OFFENDED BY ANY OF THIS! Thank you and Godbless.💙❤️

THIRD PERSON POV

KAKATAPOS lamang ng isang batang maligo dahil kailangan pa nitong bumili ng ulam para sa kanilang hapunan. Pero nang aalis na sana ang binata ng biglang may tumawag sa kanyang telepono at kaagad naman niya itong sinagot.

"Hello po, Tiyo." Panimulang bati ng binata sa kabilang linya.

"Pamangkin, pinapasabi ng Tiyo Jun mo na dito na lamang daw kayo mag hapunan ng kuya tutal nasa manila ang Lola at Lolo niyo at sa susunod pa na linggo ang uwi ng mga iyon. Kung nanaisin rin ninyo na dito na rin kayo matulog para hindi na kayo gabihin pa ng kuya mo sa kalsada." Paliwanag ng ginang sa binatang kanyang kausap sa telepono.

"Ganun po ba Tiya, sige po at sasabihin ko na lamang po si Kuya. Sige po, paalam po Tiya." Paalam ng binata sa ginang.

Nang ibinaba na ang tawag ay kaagad pinuntahan ng binata ang kanyang Kuya na kakatapos lamang rin maligo.

"Kuya, pinapasabi ni Tiyo na doon na lamang daw tayo sa kanila mag hapunan." Wika ng binata sa Kuya nito.

"Mainam kung ganoon bunso." Sabi ng kuya sa binata sabay ginulo ng buhok sa binata.

Kaagad namang nag handa ang dalawang mag kapatid para umalis upang kaagad makarating sa baway ng kanilang Tiyuhin at Tiyahin. Mga ilang minutong biyahe sakay ang dalawa ng motor ay nakarating na ang mga ito.

Tuwang tuwa naman ang binata dahil malapit lamang  sa lugar na ito ang kanyang lalaking nagugustuhan. Hindi maitago ng binata ang saya habang papasok sila sa loob ng bahay ng kapatid ng kanyang magulang. Nang nasa loob na ang binata ay napansin nitong hindi pa nakahanda ang mga pagkain.

Sa palagay ng binata ay may natitira pa siyang ilang minuto para lamang naman puntahan ang lalaking kanyang kinababaliwan. Bago siya umalis sa bahay na iyon ay nanghingi muna siya sa kanyang Tiyahin ng isang box ng ulam, kasing laki lamang ng normal na lunch box. Nais niya itong gawing palusot na ibibigay lamang niya ito lamang masilayan ang lalaking kinababaliwan.

Habang papalapit na siya ay nakita naman niya ang bahay nito, sa palagay niya ay nasa silid ang mga ito dahil ayon sa sinabi kanina ng kanyang Tiyahin ay nasa lungsod pa daw ata ang asawa ng lalaking kanyang kinababaliwan. Pumasok naman ang binata sa loob ng gate dahil nakabukas lamang ito. Kumatok na siya sa pintuan.

"Sino ya— anong ginagawa mo rito?" Takang tanong ng Ginoo sa binata na ngayon ay nakatulala na lamang dahil sa napaka gandang tanawing kanyang nakikita.

''Ang sarap" Tanging nasabi na lamang ng binata sa kaharap na Ginoo.

EDUARDO GUERRERO POV

HABANG nasa kwarto ako ni Alexis at pinakain ko ito ng hapunan. Nakaupo na ito sa kama nito habang sinusubuan ko naman ito. Masyado talaga akong maalagain sa mga anak ko lalo na kapag nagkakaroon ang mga ito ng sakit.

"Ahh..." Wika ko.

"Ang sarap ng sabaw Itay, saan mo po ito nabili?" Takang tanong nito saakin.

"Sa karendirya anak, doon malapit sa bayan. Sinabay ko na kase dahil bumili ako ng gamot mo." Sambit ko rito.

Tumango tango naman ito, kahit naman may sakit ito ay maganang magana itong kumakain. Medyo hirap pa itong tumayo at mag lakad ng mag-isa Kaya naman doble ang pag-aalaga ko rito. Nag text kase si Misis na hindi pa sila makakauwi ni Eduardo dahil inabot na ng gabi ang seminar. Sagot naman daw ng mga ito ang hotel na tutulugan at tutuluyan mga mag-ina ko roon.

Eduardo's Temptation Where stories live. Discover now