Dear Primo

4 0 0
                                    


Kumusta ka?

Ang tagal na rin pala nang huli kitang mabisita 'no?

Hindi ko na rin matandaan ang huling araw na iyon.

Pasensya ka na at nalimitahan na rin dahil sa pagiging abala sa buhay.

Ahh. Pinuntahan nga pala kita kanina.

Alam kong hindi mo na ako makikilala dahil marami na ring nagbago sa itsura ko. Kung makilala mo man ako marahil bibiruin mo akong 'Lolo' kagaya nang panunukso mo sa akin noon.

Masaya ang araw ko dahil nakita ko na naman ang matatamis mong ngiti. Hay nako. Ang bilis talaga ng panahon. Parang kailan lang noong una kitang nakita sa tapat ng printing shop sa tapat ng campus. Ganoon na ganoon pa rin ang itsura mo hanggang ngayon, walang pagbabago. Gwapong-gwapo ka pa rin habang ako nama'y napaglilipasan na. Maraming babae na naman ang magkakandarapa sa'yo at maiitsapwera na naman ako. Hehe

Uminom ako ng gamot kanina dahil sinipon ako buhat nang puntahan ka. Umulan kasi kaya nabasa na rin ang dala kong bulaklak. Nalimutan kong magdala ng payong dahil sa pagkagalak na mabisita kang muli.

Sayang lang at hindi mo nakita.

Natatandaan mo ba ang bulaklak na unang bigay ko sa'yo noong una tayong magdate?

Tandang-tanda ko pa ang pamumula ng iyong mukha na tila mas mapula pa sa rosas na bitbit ko.

Aminin mo, kinilig ka sa kagwapuhan ko noon hindi dahil sa bulaklak na dala ko. Hehe

O siya. Bukas na lang ulit.

Tinatawag ako ng anak kong si Primo.

— Rafael 

PRIMOWhere stories live. Discover now