Kabanata 21

22.1K 455 7
                                    

Kabanata 21

Stephanie's POV

Tulad nang sinabi niya sa akin ay hinintay ko si Ma'am Rina na dumating para magturo sa akin ng kung anu ano nga ba ang mga dapat kong gawin.

Habang naghihintay ay nilibot ko muna ang paningin ko sa loob.

Simple lang din at manly ito. Wala masyadong mga nakasabit hindi tulad sa labas ng opisina niya.

Ang nagiisa lang na nakasabit ay ang portrait niya na una kong napansin kahapon.

Nakakatawa lang isipin na kahapon ay nafired ako pero ngayon ay nandito ako at nagtatrabaho.

Tinignan ko ulit ang portrait niya. Magkaparehas lang din ang mukha at ayos niya sa portrait na nakita ko sa mansyon niya.

Napunta ang atensyon ko sa lamesa niya. May plate na nakapatong sa harapan nito na may pangalan niya at posisyon. Iyon lang ang nakapatong sa lamesa niya maliban sa mga folders.

Pumunta ako sa lamesa ko para umupo. Simple lang din ito. May nakapatong din na mga folder at isang computer.

Naagaw ang atensyon ko ng may narinig akong katok sa pinto kaya lumapit ako at binuksan ito.

"Ms. Sy?" ang gulat na tanong sa akin ni Ma'am Rina.

"Anong ginagawa mo rito? Diba sinesante ka ni Sir kahapon?" ang nagtatakang tanong niya.

"Ah eh, naawa siguro sa akin si Sir kaya tinanggap niya ulit ako. Nagpromise kasi ako na hindi na ako malalate sa susunod."

Bakit ba sa tingin ko ay simula ng makilala ko si Inigo ay napapadalas na ang pagsisinungaling ko.

"Talaga? Wow, mabait naman pala ni Sir." hindi makapaniwalang sabi niya.

"Parang ganun na nga."

"Okay, nandito ako para ituro at sabihin sayo ang lahat ng gagawin mo."

Sinabi niya nga sa akin ang lahat ng mga kailangan kong gawin.

Ang una niyang sinabi ay dapat ay madali kong matandaan ang lahat ng pinapasulat ni Inigo dahil minsan niya lang itong sasabihin at pag pinaulit mo to sa kanya ay baka pahiyain ka niya o ifire depende sa mood niya.

Pangalawa, ay dapat pag may pinakuha o kailangan siya ay maibigay ko agad kaya ang inadviced niya sa akin ay dapat ay nakaayos ang lahat ng mga important files para hindi ka malito kong ano ang kailangan niya doon.

Marami rami pa siyang tinuro at sinabi sa akin at sa awa naman ng Diyos ay natandaan ko naman lahat.

"Ah, Ma'am Rina, pwede ba akong magtanong tungkol sayo?" ang tanong ko sa kanya.

"Okay. Ano ba yun?" ngiting sagot niya sa akin.

"Ilang taon ka nang nagtatrabaho dito?"

"Ahy! 7 years na akong nagtatrabaho dito. 23 ang taon ko nung nagsimula ako sa kompanyang 'to."

"Wow! Matagal tagal na rin pala." ang manghang sabi ko dahil base sa mga sinabi niya sa akin kanina ay masasabi kong isang ruthless boss si Inigo kaya napabilib ako dahil nakatagal siya ng ganun taon.

"Yes. Siguro kaya nagtagal ako dahil ginagawa ko ang best ko at iniiwasan kong magkamali at siguro dahil din dun ay pinromote ako ni Sir bilang head ng Financial Department."

"Ah. Ang galing niyo po pala Ma'am."

"Oh sige mauna na ako. Madami pa kasi akong naiwang trabaho."

"Sige po Ma'am. Salamat ulit."

"Okay. Welcome. Basta pag may kailangan ka tawagin mo lang ako. Magaan ang loob ko sayo di tulad ng mga naging secretary ni Sir kaya sana ay magtagal ka rin dito tulad ko."

My Obsessive and Possessive Blackmailer BossWhere stories live. Discover now