Kabanata 23

22.8K 396 4
                                    

Kabanata 23

Inigo's POV

"Sorry cous pero pwede bang dito muna ako?" tanong ni Ryan.

"No. I already have the papers so you go now." ang sabi ko.

"Wow! Wala man lang bang thank you?" ang sabi nito na parang nagtatampo.

"Okay. Thank you. Now go." ang sabi ko nang makaalis na siya.

"Ganun ganun na lang yun? Wala man lang juice?"

'F*ck this bastard! Inuubos ang pasensya ko.'

"Go o hindi ko itutuloy ang napagusapan natin?"

Binigyan ko siya nang titig na pag hindi pa siya umalis ay hindi ko itutuloy ang paginvest sa bago at una niyang restaurant.

Hindi lang condominium ang pagmamayari niya dahil balak niya ring magpatakbo ng mga restaurants. Isa ito sa mga gusto niya, na magpatayo ng mga restaurants at nito ngang mga nakaraang araw ay kinumbinsi ako nito na makipagpartner sa kanya.

"Okay. Okay. Eto na nga." ang pagsuko nito.

"By the way, I overheard some of your employees talking about you and Stephanie. Did you tell them about your relationship?"

"None of your business."

"Tch. Fine. Bye." ang huling sabi nito at kaway bago tuluyang umalis.

Nagtaka ako sa sinabi niya.

'My employees talking about me and Stephanie.'

Napatingin ako kay Stephanie.

"Do you know it?" ang tanong ko sa kanya.

"Ahm, oo. May nakakita kasi sa atin na magkasabay pumasok sa kompanya mo kanina at nagtaka sila kung bakit mo pinalipat yung table ko pero sinabi kong hindi totoo yun kaya huwag kang magalala."

"Oh no my angel. I don't care if they think that we have a relationship and about that, I'm serious when I said that you're my girlfriend."

Hindi ko alam kung bakit ko yun sinabi pero ang sigurado ay gusto kong akin lang siya. Na walang ibang lalaking humahawak o tumititig sa kanya.

Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at tinitigan siya ng mabuti.

Napatitig ako sa malambot at pulang labi nito. Dahan dahan ay inilapit ko ang labi ko at isinara ang distansyang namamagitan sa amin.

'Oh, how I love kissing her soft delicious lips.'

'F*ck! Nangiinit nanaman ako.'

Bago pa mapunta sa sitwasyon kung saan hindi ko na kayang pigilan ang sarili ko ay tinigil ko na. Itinigil ko dahil baka may umistorbo nanaman pero sisiguraduhin kong mamayang gabi ay aankinin ko siya.

"Lets get out of here." ang sabi ko.

"Ha? Diba may trabaho pa tayo?"

"My angel, this is my company. Besides I have no next meeting to attend with."

Hindi na siya nagtanong sa sinabi ko kaya lumabas na kami ng opisina ko. Tinawagan ko muna si Rina para ipaalam na umalis ako. Isa si Rina sa mga empleyadong pinagkakatiwalaan ko kaya kapag wala ako at may importanteng bagay tungkol sa kompanya ay siya ang umaasikaso nun para sa akin tulad na lang kanina na siya ang umattend sa first meeting ko.

Hinawakan ko ang kamay niya hanggang sa makapasok kami sa elevator pero nagtaka ako nang pilit niyang tanggalin ito.

"Don't you like someone holding your hand?" ang tanong ko dahil yun ang unang pumasok sa isip ko kung bakit niya tinanggal ang pagkahawak ko sa kamay niya.

My Obsessive and Possessive Blackmailer BossWhere stories live. Discover now