C2: Owner of Verde Island

20 3 3
                                    

“Hi, Christine. I'm Sum,” wika pa niya sa akin, nakatitig lang ako sa masungit at matapang niyang mukha, ang kaniyang boses din ay napaka-buo at seryoso.





Sa kaniyang istilo, nararamdaman ko na hindi ito palakibo, at tila sobrang tapang nito. Bukod pa roon, ang kaniyang kilos ay nararamdaman mo ang parang may isa siyang hawak na hindi mo kayang labanan, that's the power. The power she holds.





Para akong natameme, para akong nawalan ng mga salita na dapat ibato pabalik sa kaniya.





Nakatitig lang ako sa babaeng ito, habang siya ay binabalik ang tingin na binibigay ko sa kaniya. Ang way ng tingin niya sa akin, para niyang kinikilala ang pagkatao ko. Para niyang pinapasok ang kaluluwa ko.





She snapped her fingers in front of my face, reason para bumalik ako sa katinuan.





“Yes?” Iyon na lamang ang tanging nasabi ko.





“No, I'm just bringing you back to reality.” Casual niyang sagot sa akin, hindi pa rin iyon naging rason para alisin niya sa akin ang kaniyang mga titig.





Lumunok ako at hindi alam ang gagawin, pakiramdam ko ay nasa loob siya ng aking katawan at pati bawat ugat ko ay inaaral niya ng higit pa sa inaakala ko.





Sa bawat pasada niya ng tingin sa aking balat, siya naman ang paghigit ko ng hininga. Para akong kinakapos ng hangin, sa bawat balik ng tingin niya sa mga mata ko, parang sinasabi niya sa akin na kilala na niya ang bawat galaw at mga akto ko.





“What?” Isang tanong at isang salita lang ang pakiramdam kong kaya ko ilabas ngayon, bawat buka ng bibig ko ay siya namang titig niya roon.





Ngumisi siya.





Natahimik naman ako.





Sa pag-ngisi niya na iyon, pati ang mga mata niya ay ngumiti rin sa akin.





“Wala ka sa ulirat.” Seryoso pa rin niyang sagot, pero kahit gano'n ay nanatiling nakangisi ito sa aking harapan.





Hindi ko na alam ang isasagot ko sa kaniya kaya naman huminga ako ng malalim at tumango na lang, umiwas ako ng tingin at saka naman tiningnan ang aking mga gamit. Narinig ko ang mahina niyang pagtawa, nahuli ko rin itong umiiling habang sa iba na nakatingin noong pasimple ko siyang nilingon.





“Ron, bring the guest to her room unit.” Utos nito sa lalaking stuff, nilingon ko ito ngunit nakatalikod na siya sa akin at naglalakad na palapit sa mga babaeng kasama niya.





Ang kaniyang paglakad ay sobrang masculine, ang kaniyang katawan ay ang ganda naman.





“She is the owner of the Verde Resort,” patango-tango pa na sinabi iyon no'ng lalaking stuff na ang pangalan ay Ron.





Nangunot ang noo ko.





“Verde Resort?” Nagtataka kong tanong sa kaniya.





Ngumiti ito sa akin.





Sobra akong naguluhan doon, ang pangalan kasi ng island na ito ay Capones Island. Matik naman na ang pangalan ng island ay iyon din, kaya paanong naging Verde Resort ito?





“Sa labas po ng Island, ang pangalan nito ay Capones Island. Pero kung nasa loob ka na nito, tinatawag namin itong Verde Island.” Turan pa nito sa aking harapan.





Verde Island: Summer Ysabelle Berdonar (Z Series #2) Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ