C3: Hired Assassin

21 3 0
                                    

Lumalangoy ako ngayon sa dagat kung saan hanggang bewang ko lang ang taas, it's five o'clock in the afternoon and darkness and light are competing to occupy the sky





Muli akong lumusong sa tubig at sinalubong ang mga maliliit na alon, magga-gabi na ngunit sobrang hinahon ng dagat, sobrang tahimik lamang din ang paligid na tanging hangin mula sa dagat at ang alon ang tanging naririnig ko. Umahon ako mula sa ilalim ng tubig, aking inayos ang aking mula patalikod.





Habang nakaharap ako sa malawak na dagat, ang aking paligid ay pakiramdam ko'y naging mainit. Pakiramdam ko ay may nakatitig sa akin, ngunit hindi ko alam kung guni-guni ko lamang ito o talagang mayroong nakatingin sa akin mula sa kung saan.





Lumingon ako sa paligid ko, ngunit tahimik, at madilim na paligid lamang ang sumalubong aking mga mata. Hindi ko alam kung ako ba ay matatakot o isasasawalang bahala ko na lamang ito.





Sa kabilang banda, aking naisip na baka ay pagod lamang ako dahil sa aking naging byahe mula sa Tarlac papunta rito sa Zambales kaya kung ano-ano na lamang ang iniisip ko.





Dahan-dahan akong umalis sa dagat, tanging suot ko lamang ay manipis na tela na puti. Wala akong ni isang suot pang-loob, kaya alam ko na kung may tao lamang dito ay may makikita na ang buong kaluluwa ko. Sobrang kapit ng manipis na tela sa aking katawan, to the point na para nakadikit na ito at hindi na halos maalis.





Lumapit ako sa may palm tree dahil nasa ilalim no'n ang aking mga gamit, kasama na rin ang isang tela na aking nilatag sa buhangin. Madilim na ang paligid, tanging buwan na lamang ang nagbibigay liwanag sa aking paligid-- madilim, ngunit nakikita ko pa rin ang aking paligid. Inipit ko naman ang aking buhok gamit ang aking clamp.





Umupo ako roon, saka ako uminom sa aking juice na hinanda. Habang nakaupo ako roon upang mangmuni-muni, ang aking phone naman ay nag-ring.





Sinagot ko ang tawag, naka-ngiwi pa ako dahil kilala ko ang tumawag. “Hello?” Sagot ko. “Kamusta ang trabaho mo, Ms. Ce?” Iyon agad ang bumungad sa aking tainga, pagkatapos kong sagutin ang tawag. “Ano? Nagawa mo ba ang pinapagawa ko?” Muli nanaman nitong tanong sa akin, napaikot naman ang aking mga mata dahil sa sinabi niya.





Sumipsip ako sa inumin ko, saka ako sumagot sa kaniya na tila nauumay ako. “Kakarating ko lang dito, ano ba ang inaasahan mo?” Pilosopo kong tanong at sagot sa taong 'yon.





Narinig ko naman ang kaniyang pagtawa, ngunit mas lalo lamang akong nairita. Siya ang isa sa mga naging kliyente kong sobrang demanding, gusto ay agad-agad kong gawin ang kaniyang inuutos.





“Huwag mo akong sagutin ng ganiyan, Ms. Ce. Nakakalimutan mo ata, bayad kita.” Natatawang sagot sa akin ng taong ito sa kabilang telepono, “baka naman kagaya ka lamang ng mga dati kong binayaran na walang binatbat,” imbes na ma-offend ay tinawanan ko lamang ito, sanhi upang ang kaniyang pagtawa sa kabilang telepono ay matigil.





“Huwag na huwag mo akong aasarin ng ganiyan, De Leon.” Tumatawa ngunit seryoso kong sagot sa kaniyang pangungutya, “baka isang araw, imbes na ang gusto mong ligpitin ko ay hindi ko patayin. Bagkus, ikaw ang makikita nilang bangkay na palutang-lutang sa isang maduming ilog.” Pangungutya ngunit walang halong pananakot ko sa kaniya, narinig ko muli itong tumawa sa kabilang linya.





“Are you threatening me?” Asar na tanong niya sa akin. Yumuko ako habang ang aking kanang kamay ay nakatukod sa aking likuran upang i-balanse ang aking katawan, dahan-dahan akong ngumiti, at kalaunan ay tumawa.





You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 24 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Verde Island: Summer Ysabelle Berdonar (Z Series #2) Where stories live. Discover now