002

532 12 1
                                    


"Ahh... si Maloi? I'm still waiting for her.

Baka kasi mamaya, dumating siya tapos wala ako.

Darating siya, sabi niya 'yon, eh. Maghihintay naman ako

kahit gaano katagal."

"Pucha naman, Colet! Linawin mo naman kung ano

ako para sa'yo, oh?! Linawin mo naman, parang awa mo na.

If... if Jho makes you feel the way I do, magpapa-ubaya ako.

Magpapa-ubaya ako, Colet."



"I told you, Staku, I don't like that one nga, eh!"


Parang nag-aaway na aso't pusa ngayon si Mikha at Stacey sa harapan namin ngayon. Paano, nag-aaway sila dahil sa isang maliit na bagay lang — nagbaon kasi si Stacey ng niluto niya ngayon, tinola, pero hindi gusto ni Mikha 'yon. Eto naman kasing si Stacey, ang kulit! Ilang beses nang tumanggi si Mikha na ayaw niya no'ng tinola pero 'yung isa, tuloy pilit pa rin habang tinutulak 'yung maliit na baunan sa harap ni Mikha.


Sa sobrang lakas nilang magtalo sa table namin, pinagtitinginan na kami ng ibang estudyante na kumakain sa canteen.


"Just taste it, Mikhs! I cooked this, and it's masarap! I promise!" Pamimilit ni Stacey, tinutulak 'yung baunan niya kay Mikha.


"Your tinola has no taste, I don't like it!" Tulak naman pabalik ni Mikha sa baunan ni Stacey sa harap niya.


"Mikhs, tikman mo na kasi para matapos na kayo..." Dumagdag na si Jhoanna at hinila rin ang baunan ni Stacey sa harapan ni Mikha. "It's actually good..."


Sus, good daw, e, sa dami naming biniling food ay lahat 'yon tinikman ni Jhoanna pero ni-isang beses ay hindi niya tinikman ang tinola ni Stacey!


"What do you mean it's good?! You haven't tasted it yet, Jho!" Sigaw ni Mikha na nakasimangot na, patuloy na nilalayo ang baunan ni Stacey mula sa kanya.


Tatlo na silang maingay ngayon sa canteen. Akala mo mga sirang lata silang tatlo dahil sa sobrang ingay nila, eh! Paano, dumagdag na si Jhoanna sa pamimilit, and ito namang si Mikha imbis na pumayag na lang ay nag iinarte pa rin at patuloy na tinutulak 'yung baunan ni Stacey sa malayo. Kami lang ni Maloi ang tahimik sa table namin — ako, pinapanood ko lang 'yung tatlo, samantalang siya ay kumakain lang.


I wanted to look at her — ewan ko ba, when she removes her glasses kasi kanina parang familiar siya. Parang nakita ko na siya before pero hindi ko lang maalala gaano kung saan at kung kailan.


"P'wede bang tumigil na kayong tatlo? Mamaya biglang tumapon 'yung sabaw —"


Hiraya - MacoletWhere stories live. Discover now