006

582 12 5
                                    

"Sa 'min ka matutulog ngayon, Jho?"'



Tumabi ako sa kanya noong nakita ko siya sa canteen, kumakain mag-isa. Tapos na ang class ko kaya balak ko na sanang umuwi pero nag message si Maloi na hintayin ko na siya para sabay kaming umuwi sa condo. Saktong nagutom na rin naman ako kaya napunta ako dito sa canteen, mabuti na lang at nasaktuhan ko si Jhoanna na nandito.



"Uy, Colet!" I saw her lips curve into a smile as soon as she saw me. "P'wede?"



"Bakit naman hindi?" I replied with a smile. "Anong oras uwi mo ngayon?"





She set down her spoon and fork as she finished eating and leaned one arm on the table, facing me now.





"Ngayon na," maikling sagot niya.





"Oh?" My eyes widened. Usually kasi gabi na talaga siya umuuwi kaya nagulat ako na maaga ang uwi niya ngayong araw. "Ang aga mo ata umuwi ngayon? May nangyari ba?"



She sighed and shrugged. "Na-cancel 'yung seminar namin, eh."



"Bakit daw?"





I rested my head on my hand, still looking at her and listening as she explained.



"Conflict daw sa pag schedule. Bigla raw kasing may another meeting 'yung speaker, e, last last week pa naman ito sinabi sa kanya! Ang sabi niya pa ay kami ang unang schedule niya ngayong buwan, kaya tuwang tuwa pa kami noong una! Pati 'yung mga blockmates ko ay nainis din kasi walang ginawa si dean namin para do'n, kaya ayon! Nagsi-uwian." Ginulo niya ang buhok niya sa sobrang inis. "Hayop talaga! I prepared for it, cleared my schedule, tapos para saan? Para sa kumain ng matigas na tapa dito sa canteen!"





Mukha siyang badtrip pero hindi ko talaga siya ma-seryoso.





"Ice cream tayo, gusto mo?" Alok ko para naman kahit pa-paano ay gumaan ang mood niya. "Libre ko, Jho, 'wag kang mag-alala."





Hindi nga ako nagkakamali. Nginitian niya ako at tumango na parang bata.





"Do'n tayo sa may 7/11 malapit sa condo mo, pangit 'yung d'yan sa labasan lang. Mabaho pa," nag-request pa ang hayop?!





Napairap nalang ako at tumayo na para lumabas ng campus, agad din naman siyang sumunod. Gaya ng sabi niya ay doon kami sa 7/11 na malapit sa condo ang pinuntahan namin. Pinapili ko lang siya ng gusto niyang ice cream at binayaran ko na. Habang paakyat kami sa condo ay biglang tumunog ang phone ko, sign na may nag text.

 Habang paakyat kami sa condo ay biglang tumunog ang phone ko, sign na may nag text

Oups ! Cette image n'est pas conforme à nos directives de contenu. Afin de continuer la publication, veuillez la retirer ou télécharger une autre image.

Oups ! Cette image n'est pas conforme à nos directives de contenu. Afin de continuer la publication, veuillez la retirer ou télécharger une autre image.
Hiraya - MacoletOù les histoires vivent. Découvrez maintenant