Barrier Between Us

1 1 0
                                    

Napaalis ako sa mansion sa kagustuhan kong makasama ka, tapos madadatnan kitang nakaluhod sa harap ng iba.

"I will protect you and our baby, "

Mga katagang nagpaguho ng mundo ko. Sa pag-aakalang kasama mo ako sa pangarap mo. Hindi mo man lang inalam na nagdadalang tao din ako.

Umaasa akong babalik sya saakin, naging desperada ako. Gusto kong mawala lahat ng pumipigil sa amin, gusto kong sirain ang pader na nakaharang kahit para nalang sa anak ko, namin.

"Yale, buntis ako! "

Walang pag-aalinlangan kong sinabi kahit nasa tabi lang niya ang kanyang babae, para mabigyan lang ng buong pamilya ang anak ko, ayos na.

Ngunit napaisip ako, buo nga ang pamilya, hindi naman masaya. Bubuhayin ko ng mag-isa ang anak ko, kahit mahirap, gagawin ko ang lahat mabigay ko lang sa kanya ang mga kailangan niyang magpapasaya sa kanya at sa gayon ay maging kuntento sya.

Umuwi ako sa tinitirahan ko na kubo, na isang malakas na bagyo lang ay matitibag na.

Mga prutas sa kahoy na mesa na kinuha ko pa malapit sa mansyon na naging tirahan ko noon, inakyat ko mismo ang puno makakuha lang, mga gulay na bigay saakin ng mga trabahador nang aking pamilya at bigas na binili ko sa tindahan gamit ang perang galing sa panlilimos ko sa kalsada at pagbebenta ng mga nakuha kong prutas at gulay.

Mga gamit na binigay saakin ng ibang trabahador dahil sa naawa sila't wala ng ibang magawa. Hindi ko mabibigyan ng magandang buhay ang anak ko kung ganito lang din naman.

Sa gitna ng aking pagtulog ay nagising ako dahil sa kaluskus, umuulan at malakas ang hangin. Bumangon ako't kinuha ang may kalakihang kahoy sa gilid ng kama.

Sa pag-aakalang masamang tao ang aking nakita ay hinampas ko ito ng malakas.

"ARAY!"

Nagulat ako ng pagkalingon niya'y mugto ang kanyang mata. Tumayo sya at umupo sa upuang kahoy.

"Masakit iyon, Ezrah. "

Humingi ng pasensya at ginamot ko ang likuran ng kanyang ulo at habang ginagawa ko iyon ay ang dami niyang tanong na ipinagtaka ko, kung dati nama'y wala syang interes sa buhay ko, nagtayo sya ng sariling pader sa pagitan namin dahilan para hindi ako makapasok sa buhay niya, kahit kadugo niya pa ang nasa sinapupunan ko.

Sa mga nagdaang oras ng hindi ko masyadong pagpansin sa kanya ay siyang malakas na pagbukas sa pinto ng aking tinitirahang kubo.

"Mang-aagaw ka! alam mo namang may anak na iyong tao! "

Bago pa makaalma ang lalaki ay nagawa na akong itulak ng babae dahilan para ako'y malakas na napaupo sa sahig, ininda ang sakit, tumayo ako, ngunit pagkatayo ko ay may tumulo na pulang likido sa aking hita, ilang segundo ay unti-unti na akong natutumba dahil sa pagkahilo, bago pa lumapat ang katawan ko sa sahig ay may mga bisig ng nakahawak saakin at tinatawag ang pangalan ko ngunit wala na akong lakas magsalita.

MGA ALA-ALANG HINDI KO MAKAKALIMUTAN, gayon paman, kahit napatawad ko na sila, malaking pader ang itinayo ko para sa aking sarili sa pagitan namin, sa pag-aalala na ito ay maulit pa. Ang sakit na dulot ng pagkawala saakin ng anak ko ay dala-dala ko na hanggang sa mawala ako sa mundong ito.

Short StoriesWhere stories live. Discover now