Chapter 19: Responsable

38 3 0
                                    

Read at your own risk. Typography errors ahead. This chapter is not yet edited.

*****

Chapter 19: Responsable

KINABUKASAN...

"MAMA, saan po tayo pupunta?" tanong ni Draven sa inang si Davina habang binibihisan siya nito ng pang-alis na damit matapos siya nitong paliguan.

Nakapananghalinan na ang mag-ina ng mga oras na iyon bago ni Davina paliguan at bihisan nang pang-alis ang anak para hindi na ito madumihan. Si Davina na lang ang hindi pa nakakaligo at nakakapagbihis dahil mas inuna nito ang pag-aasikaso sa anal kaysa sa sarili niya.

"Hindi ko alam, Anak. Si Tito Chriz mo kasi ang nagyaya na mamasyal tayo." sabi ni Davina habang sinusuotan ng medyas ang mga paa ng anak na si Draven.

"Kasama po si Tito Chriz? Igagala niya po tayo?" tanong ni Draven sa ina.

"Opo, kasama po siya. Saan mo ba gustong gumala, kung ikaw ang papipiliin ng Tito Chriz mo?" sabi ni Davina bago napangiti nang matapos siyang suotan ng sapatos si Draven na regalo ng kaibigan ni Davina na si Frida.

"Gusto ko pong pumunta sa Art Museum, Mama. Gusto ko pong makita kung paano ginagawa ng mga tao ang drawing at painting na nakalagay roon." nakangiting sabi ni Draven at halata sa mukha nito ang sobrang pagkasabik sa nais na puntahan.

"Kanino o saan mo nalaman ang tungkol sa art museum?" nakakunot ang noong tanong ni Davina kay Draven

Hindi alam ni Davina kung paano nalaman ng anak ang tungkol sa art museum. Wala rin siyang matandaan na sinabi niya kay Draven ang tungkol sa lugar na iyon at kung ano ang mga makikita roon. Matagal ng balak ni Davina na dalhin doon ang anak kapag makaluwag-luwag na siya dahil malayo at mahal ang pamasahe papunta sa Art Museum. Gusto niyang ipakita kay Draven ang magandang mundo ng sining na alam niyang magugustuhan ng anak at mapapalawak nito ang kaisipan ni Draven sa mundo ng sining na gustong pasukin nito.

"Kay Tita Cyrille po. Nakita ko po sa phone niya. Nag-fieldtrip daw po sila sa Art Museum noong bata pa siya at maganda raw po roon. Maraming magagandang drawing at painting. Gusto kong makita ang mga iyon, Mama,"  masayang sabi ni Draven na ikinangiti ni Davina.

"Sige, sabihin natin kay Tito Chriz mo na sa Art Museum na lang tayo pumunta." sabi ni Davina kay Draven na napatalon sa sobrang saya.

"Yehey!" masayang sabi ni Draven na ikinalapad ng ngiti ni Davina sa sayang nakikita sa mukha ng anak.

"Maliligo lang ako, Draven. Huwag mong bubuksan ang pinto, ha. Huwag kang magpapasok ng kahit sino." sabi ni Davina sa anak.

Nilapitan pa ni Davina ang pinto ng apartment para masiguradong naka-lock iyon para walang makapasok na kahit sino. Hindi rin maabot ni Draven ang lock dahil mataas iyon, maliban na lang kung tutuntong ang batang lalaki sa upuan para maabot ang lock ng pinto.

"Opo, Mama." masiglang sabi ni Draven na kinuha ang sketchpad nito at malaki ang ngiting nagdrawing.

Pumasok na si Davina sa banyo para maligo.

*****

MINUTES LATER...

"NASAAN na po si Tito Chriz, Mama? Bakit ang tagal niya pong dumating?" naiinip na sabi ni Draven sa ina na ikinabuntong-hininga ni Davina.

"Nasaan na kaya siya?" tanong ni Davina sa isip pagkatapos niyang makita ang oras sa mumurahing relo na nasa bisig niya.

Mahigit isang oras na naghihintay sina Davina at Draven. Pareho ng nakabihis ang mag-ina at naayos na rin ni Davina ang bag dadalhin niya habang naghihintay kay Chriz. Ang laman ng bag ay damit pamalit ni Draven kung sakali mang pagpawisan ito o madumihan. Hindi rin kasi magawang matawagan ni Davina si Chriz dahil wala siyang number nito kaya kahit mensahe ay hindi niya mapadalhan ang lalaki.

The Doctor's True Love [DAILY UPDATE]Where stories live. Discover now