Chapter 6

4 0 0
                                    

HIEWY 6


Hindi ko alam paano kami nakaabot ng school na hindi nag uusap. Hindi sa ayaw ko siyang kausapin pero nagulat talaga ako sa nangyari. Tama naman si Yosel, pero ang paraan ng pananalita niya kanina ay hindi ko inasahan.

Sinubukan kong mag isip ng sasabihin pero walang lumalabas sa bibig ko. Ang katotohanan palang na katabi ko siya at ngayon lang kami nagkalapit ng ganito ay dumagdag pa sa kaguluhan sa isip ko.

Sa taranta ko ay nilabas ko na lahat ng requirements para sa pag eenroll. Tumungo agad ako sa registrar upang kumuha ng form. Bawat hakbang namin sa hallway ay meron at meron mapapalingon sa amin. Ang iba ay napasinghap at halatang kilala si Yosel. Malamang nagtataka sila bakit ito nasa Astalier High, o bakit buntot siya ng buntot sa akin.

"Incoming fourth year po," turan ko sa nagbigay ng form.

Habang inaantay iyon ay pa tapik-tapik ako sa counter. Lumingon ako kay Yosel na nakatayo sa likod ko habang ang dalawang kamay ay nasa bulsa.

Sumilip ako sa paligid at nakita ang mga matang pinagmamasdan rin kami.

Pinagdikit ko ang dalawang labi bago bahagyang humarap sa kanya. "Yosel, gusto mo ba mag antay sa library? Aircon doon. Mainit kasi dito..." presenta ko.

Bumaba ang tingin niya sa akin at umiling. "Nah. I'm fine," tugon nito.

Labag sa loob akong napatango at humarap na muli sa counter. Sana lang matapos ako agad at wala ng maramin proseso para makauwi na kami! Sigurado laman kami ng usap-usapan ng mga estudyante bukas!

Mukhang natupad naman ang hiling ko dahil ala singko palang ay natapos na kami. Sa haba ng pila pang three hundred na kami kanina! Akala ko aabutin talaga kami ng dilim! Mabuti na lang mga bandang alas tres ay bumilis na ang pagtawag ng mga numero. Kaya ala singko ay natapos na kami.

Kahit ala singko palang ay parang mag tatakipsilim na. Ang mga ulap ay tuluyan nang natabunan ang kulay kahel na araw. Sigurado pagdating namin sa bahay ay madilim na. Pasimple akong lumingon kay Yosel habang naglalakad na kami palabas ng campus.

"Nainip ka ba? Pasensya na." Basag ko sa katahimikan. Medyo malinaw na ang isip ko at kung hindi ko pa siya kakausapin ngayon ay baka hindi ko na ito magagawa pag uwi.

Lumingon ito sa akin. Mabagal lang ang paglalakad namin. "Hindi naman. Pinapakinggan ko ang numero na tinatawag kanina. Baka tawagin ka na. Kaya hindi ako nainip." Paliwanag niya. Bahagyang nanlaki ang mata ko sagot niya.

Hindi niya naman kailangan gawin iyon. Akala ko sumama lang talaga siya dahil inutusan siya at wala siyang pakialam sa kung ano man ang gagawin ko sa school. Pero mukhang mali ako.

Ibinukol ko ang dila sa loob ng pisngi at umiwas ng tingin. Niyakap ko ang envelope na pinaglagyan ng requirements ko kanina at pinigilan ang ngumiti.

"Salamat nga pala." Humarap ulit ako sa kanya.

Nagtataka niya akong tiningnan. "For what? Accompanying you?"

Umiling ako. "Sa pagtanggi kanina kay Luis. Hindi ko alam kung paano ko siyang tatanggihan. Hindi naman sa ayaw ko siyang kasama, pero baka magalit si Tatay kapag nakita niyang lalaki ang naghatid sa akin pauwi ng walang paalam."

Tumango-tango ito na para bang alam niya nang ganoon nga ang mangyayari.

"That's the purpose why they want me to accompany you. Kaya bakit ako papayag sa gusto ng lalaking 'yon?" Bakas ang bigat sa tono nito.

Ngumuso ako.

Bumuntong hininga siya. "Kilala mo ba talaga 'yon? Are you two close?" Napatingin ako agad sa kanya nang dugtungan niya ang sinabi.

How I Ended Up With You (To the Dreams of my Youth Series 1)Where stories live. Discover now