Chapter 7

5 0 0
                                    

HIEWY 7


"Kamusta ka?" masigla kong tanong sa kanya habang kinukuha ang mga platong pinagkainan na pinagpatong-patong ko.

Katatapos lang namin mag tanghalian at ako ang nautusan na magligpit. Kaya nagulat ako nang magpaiwan si Yosel at sinabing tutulong rin.

Simula dumating sila kanina at hindi pa kami nakapag usap. Ngayon palang. Kinuha nito ang mga baso sa mesa habang nag aantay ako ng sagot niya. Nanatili ang mata ko sa kanya at hindi ko mapigilan ang pasadahan siya ng tingin.

Mas tumangkad na naman siya. Nag matured rin. Ang mga maaamong parte ng mukha nito ay mas naging precised ngayon. Katulad ng hugis ng mata nito, nawala na ang pagiging bilugin. Mas tumangos rin ang ilong at ang panga niya ang hulmang-hulma na. Lumapad rin ang likod at balikat.

Pinagdikit ko ang dalawang labi upang pigilan ang pag ngiti.

Lumingon siya sa akin habang dala-dala ang mga babasaging baso sa kamay. "I'm good. Ikaw?" tanong niya rin pabalik.

Hindi ko inasahan iyon. Akala ko sasagot lang siya. Kinagat ko ang ibabang labi at natigilan, hindi kaya ang ballpen ang tinatanong niya? Baka gusto niyang kamustahin kung na ingatan ko ba.

"A-Ayos rin..." tipid kong tugon, hindi na alam ang idudugtong. Ngumiti ito ang tumango na. Maglalakad na sana siya nang magsalita ako ulit. "A-Ang sign pen mo! A-Ayos naman siya..." halos kagatin ko ang dila.

Hindi ko alam kung kailangan ko pa ba talagang banggitin 'yon? Pero malamang kanya iyon kaya baka iniisip niya rin kunin.

Huminto ito at hinarap ako. Kumunot ang noo niya at parang hindi ako naintindihan. "My pen?" halata ang kaguluhan sa tono niya.

Nawala ang munti kong ngiti sa labi at parang natuod sa kinatatayuan. H-Hindi niya naaalala?

"'Yong sign pen mo? Na binigay sa akin... Noong huling uwi mo." hindi ko pa rin napigilan ang ipaalala.

Imposibleng makalimutan niya agad. Ang sabi niya mahalaga iyon sa kanya, galing sa Lolo niya. Customized pa nga dahil may initials niya.

Nag salubong ang kilay nito at parang nag iisip. Bumagsak ang balikat ko. Nakalimutan niya nga.

Umiwas ako ng tingin at parang nadismaya. Hindi sa kanya, kundi sa sarili ko. Wala namang problema kung nakalimutan niya, syempre isang taon na 'yon. Baka ginawa ko lang big deal. Baka normal na pen lang iyon sa kanya kaya hindi niya naaalala. Baka sa akin lang big deal na binigyan niya ako ng gamit niya...

Iningatan ko 'yon ng isang taon.

"S-Sorry... Wag mo na isipin. Mag ligpit na tayo." bawi ko sa kanya at tumalikod na upang kunin ang mga plato.

Hindi na siya nakipagtalo sa akin at nagsimula na kaming magligpit. Sinabihan ko pa siya na ayos lang at kaya ko itong mag isa. Mamaya ay pagod siya sa byahe tapos ay pahuhugasin ko pa siya ng plato. Pero siya ang mapilit at wala rin naman daw siyang gagawin.

Kaya sa huli ay dalawa nga kaming nag hugas ng plato at mga pinaglutuan. Buong paglilinis namin ay hindi ko na siya tinanong ulit. Hindi na rin kami nag usap maliban kung kailangan. Pero kahit ganun, hindi na mabigat ang ere sa pagitan naming dalawa. Kumpara sa mga nakaraang taon na nararamdaman mong may mali.

Ayos na rin iyon. At least alam kong ayos kami. Hindi siya galit sa akin at wala akong nagawa sa kanya.

Matapos kaming magligpit ay hinayaan ko na siyang umakyat sa kwarto at ako naman ay lumabas upang pumunta sa dalampasigan. Kahit harap lang ito ng bahay ay hindi rin ako nadadalas dahil sobrang busy sa school. Lalo nitong mga nakaraang linggo na finals at kailangan kong mag aral ng mabuti para maka graduate.

How I Ended Up With You (To the Dreams of my Youth Series 1)Where stories live. Discover now