giliw

25 5 2
                                    

aking giliw ako’y iyo

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


aking giliw ako’y iyo.
ikaw ang aking dulo.

kahit ako’y maligaw man ng landas
hahanapin ko ang daan patungo sa’yo.

kahit ang mundo’y magbago at mag-iba,
ikaw pa rin ang siyang aking tala.

sa bawat unos na ating masalubong,
ikaw ang lakas na di-matutumbasan.

kahit ang landas ay maging mahirap,
sa piling mo, lahat ay aking kakayanin.

ikaw ang musika sa aking buhay,
na nagbibigay-sigla sa bawat araw.

hanggang sa huling hininga ng buhay,
ikaw at ikaw pa rin ang aking mahal.

ilaw ka sa gabi ng aking mundo,
tanglaw sa dilim, sa puso ko’y tumimo.

kahit sa dilim ay mawaglit ang liwanag,
sa’yong tinig, ako’y may liwanag na hinagap.

buhok ko ma’y mag-iba,
maging sing-puti man ng mga ulap,
ikaw pa rin giliw,
sa bawat tibok,
pag-ibig ko’y tapat.

– kulay berde ang aking paboritong kulay sa lahat.
note : this poem was inspired to the song entitled uhaw by dilaw. you should add this song to your playlist!! ^.^

verses and prose i offer unto theeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon