His Only Girl 01

24 1 0
                                    

"DARRI, bumalik ka sa mundo." Napabalik ako sa ulirat ng may nagsalita habang kinakaway ang isang kamay sa harap ko.

Tinitigan ko sya ng may pagtatanong sa mga mata. Hindi ko manlang namalayan na natutulala na ako. Nandito ako sa school at bagot na bagot dahil kulang sa tulog. Unang araw ng pasok andami ng activities na binigay.

"MaRE kanina pa kita kinakausap para kang tangang nakatulala." Sabi ng isang lalaking kumausap saakin habang tumawa pa kasama ang mga kaibigan niyang puro lalaki.

Sino naman 'to? makamura saakin parang close na close ah?

"Excuse me? Sino kaba? Makamura ka kala mo kaibigan ko." Sabay irap sakanya.

"Chill miss. I'm Aiden by the way. Break na natin nakatulala kapa. Aayain ka lang naman namin na sumabay saamin kumain sa resto ni Kyler." Sabay tapik nito sa braso ng kaibigan niya. "Diba bro, ililibre mo kami?" Aniya.

"What?! I'm not gonna treat y'all. Malulugi ang resto ko kumg lagi kayong nagpalalibre. And who said na pwedeng sumama saatin yan?" Sabi nito at tinaasan ng kilay ang mga kaibigan at ako.

"Sus, kunwari ayaw pero kung makatitig parang gusto ng ikama-" Naputol ang sinabi niya ng panlakihan siya ngcmata ni Kyler at sinuksukan naman ng papel sa bunganga ng isa nilang kaibigan.

"Anubayan Ethan, alam mo bang madumi yan tapos ipapakain mo lang saakin?." Aniya at masamang tinignan ang tinawag niyang Ethan.

"Andumi kasi ng bibig mo! Kita mong may babae tayong kasama." Ani nung Ethan at binatukan si Aiden.

"Kapag tayo hindi talaga nilibre ni boss jan, tamo Aiden." Sabi naman ni... Wait, sino nanaman ba sya? Hays bahala na.

"I'm really not gonna treat y'all. If you want to eat, pay on your own." Sabi ni Kyler at nauna ng lumabas ng classroom.

"Kyler naman. Wag ganyan!"

"Wala na kaming pera Kyler maawa kana!"

"Ulol, punta pa more sa bar tas siksik lang ng pera sa panty. Wala ka tuloy pera!"

"Tangina mo Javen!"

Nagtawanan naman ang mga kaibigan nila sa bangayan ng dalawa habang umiiling lang ako at napapangisi nalang.

"Tara ma Darri" Aya nila saakin.

"Hindi na, baka magalit lang yung isa nyong kaibigan kapag sumama pa ako." Tanggi ko sakanila.

"Si Kyler? Hindi yan, promise." Sabi ni Aiden. Aangal pa sana ako kaso may nagsalita na isang kaibigan nila na hindi ko din kilala!

"Let's go, he's waiting." Aniya at hinila na ako palabas.

Pagkadating namin sa sinasabi nilang resto ay humanap na sila ng mauupuan at nang maka hanap ay nagsimula na silang mag order. Pasta lang ang inorder ko dahil nakakahiya naman kung yung mamahalin ang pipiliin ko eh ililibre na nga lang ako.

Habang nasa kotse sila ay pinilit nila si Kyler na ilibre nalang daw sila at pumayag nalang yung isa kahit labag sa loob.

"Tahimik mo masyado Darri." Ani ni Aiden. "Ay! Hindi mo pa pala kilala ang iba. Ako ma mag papakilala!" Pagpiprisinta niya.

"Okay simulan natin kay sakanya." Sabay turo niya sa lalaking nala glasses at tahimik lang na nakaupo. Tumingin ako dun sa lalaki at una kong napansin ang itim na itim niyang buhok na satingin ko ay sobrang lambot. Ang mga mata niya ay singkit at matangos ang ilong. Satingin ko ay may lahi siyang koreano. Mapula ang labi niya gaya ng mansanas. Mayroon siyang katamtamang kapal ng kilay at mahabang pilikmata. Siya yung tipo na nagpapatigil sa mga tao na maglakad at tititigan siya sa mukha dahil sa sobrang kagwapuhan. Ang lakas ng dating at sa tingin ko hindi siya mahilig makipag interact sa mga tao na kina cool niya. Ewan ko feeling ko cool yun. "Leiva ang pangalan niya pero Lei nalang ang itawag mo. Tahimik lang siya pero sabi nga nila, huwag kang mag aassume agad kasi malay mo maingay pala tong kaibigan namin sa kam-" Hindi nita natapos ang sasabihin nito ng batukan siya ng katabi niya na si Ethan habang tatawa tawa pa.

"Ano ba Ethan? Lagi mo nalang akong binabatukan." Sinamaan nito ng tingin at hinampas sa braso.

"Kinginang bunganga kasi yan Cortez! Pero Lei yung totoo? Ikaw ha may tinatago ka palang ingay pagdating sa kama" Sabi nung sa kasama nila at sinabayan ang pagtawa ni Ethan. May paghawak pa sila sa tyan at halatang natutuwa samantalang inis na nakatingin sakanila si Ethan at nakunot ang nuo.

"Shut the fuck up, both of you." Inis nitong sabi. Tumigil na din kalaunan ang dalawa sa pang aasar.

"Okay next!" Sabi ni Aiden ng mahimasmasan sa katatawa. "Ito naman si Javen." Turo niya sa isang lalaki na kinawayan ako kaya nginitian ko siya at kumaway din. Okay so si Javen ay may pagka brown- black ang buhok at kung si Lei kanina ay singkit ito naman ay may paka doe eyes. Cute pero mukha siyang babaero. Napansin ko na kulay blue ang mata niya. Para siyang dagat at pag tinitigan mo siya sa mata maaakit ka. Ang ganda! Paborito ko panaman ang dagat. Mapula rin ang labi gaya kay Lei. "Babaero siya kaya lumayo layo ka lalo na kapag kayong dalawa lang. Hay nako ka diyan." Sabi niya at umiiling iling pa.

"Hoy, anong iwasan kapag kaming dalawa lang? Kung ano ano nasa isip mo! Hindi ako ganun ano. Madami lang along babae pero hindi ako manyak!" Pag didepensa nito sa sarili.

"HAHAHA okay sabi mo eh. Pero mabait naman yan kaya no problem." Nag thumbs up pa siya bago magpa tuloy.

"This one right here is Cade, matalino pero maingay din yan. Minsan gago minsan hindi. HAHA." Natawa siya sa huli niyang sinabi at mas lalo na ng murahin siya nung Cade.

Cade has this soft figure. Bagay na bagay sakanya ang pangalan niya. Naka salamin din siya at parang baby dahil sa taba ng cheeks. He has doe eyes as well and pouty red lips. Satingin ko siya ang pinaka bata sa mag kakaibigan pero grabe maka mura. Medyo manipis ang itim niyang kilay na binagayan niya. Makapal at mahaba ang pilikmata at matalbog ang buhok. Tinignan ko silang lahat at grabe. Ano kayang shampoo nila at ang gaganda ng buhok?

"Okie, satingin ko naman kilala mo na 'tong si Ethan. Mabait siya at mapagkakatiwalaan. Pogi din kaso kahit anong gwapo iniiwanan padin talaga, diba bro?" May pangungutyang tanong nito sa kaibigan at nakatanggap naman ito ng batok.

"Aray! Nakakailan kana ah!" Inis nitong sabi.

"Tangina mo kasi, bakit kailangan mo pang sabihin yon? Okay na nga sa pogi dinagdagan mopa." Tinawanan lang siya nito at nagpatuloy na.

"And lastly, ito si Kyler. Mabait 'to, di lang halata. 'De, joke. Mabait talaga siya! Kaya nga ililibre tayo ng pagkain ngayon eh HAHAHA. Sige boss sabihin ko ng ikaw ang pinakapogi saating lahat. Paubaya ko muna ang role ko sayo para dika mapahiya kay Darri." Tinaas baba niya ang kilay kay Kyler at Sinamaan siya ng tingin nito kasabay ng pagtawa niya ng hindi siya pag sang ayunan ng mga kaibigan niya.

"Kapal mo Cortez"

"Mas pogi naman talaga sayo si Boss"

"Grabe kana bro!"

"HAHAHA okay so kidding aside. Mabait talaga 'tong boss ko. Pero minsan mainitin ang ulo lalo na yung nasa baba-" Pinutol nanaman siya at pinagmumura.

"Kinginang yan Aiden, kabastusan mo!"

"Takte HAHAHAHA"

"Tangina, tuloy mo Cortez, anong mainit sa baba?"

Gagatungan pa sana nila pero sinamaan na sila ng tingin ni Kyler.

"And ako naman si Aiden." Kaway na sakin at kinawayan ko din siya.

"Guys, ito si Darri. For sure kilala nyo na siya." Pakilala saakin ni Aiden.

"Of course I know her." Makahulugang sabi ni Kyler at may binulong pa na hindi ko narinig.

"Huh?" Tanong ko sakanya.

"Nothing." Aniya. Nagkibit balikat nalang ako at hindi na binigyang pansin ang sinabi niya.

Nag usap pa kami ng kung ano ano hanggang sa dumating na ang pagkain namin. Kumain lang kami at pagkatapos ay bumalik na sa school.

His Only GirlWhere stories live. Discover now