His Only Girl 02

17 1 0
                                    

ALAS nuebe na ng magising ako kaya naman nagpatianod ako mapunta lang sa banyo. Shit, late na ako! Sa tatlong linggong nag aaral ako sa Easton nalaman kong pinapatakbong ng isang kilometro sa field ang kung sino man ang malate at ayoko kong mangyari 'yon!

Pagkapasok ko sa banyo, mabilisan kong ginawa ang pagligo. Pagkatapos ay nagbihis na ako at inayos ang sarili. Nang makababa agaran akong kumuha ng makakain sa lamesa na inihanda ng mga katulong namin.

"Ma! Bakit hindi mo ako ginising?!" Sabi ko ng makitang pababa si mama mula sa taas.

"Aba! Kakagising ko lang din ano." Sagot ni mama at pumapameywang pa.

"Hayst, una na ako ma!" Sabi ko at kumagat ng pagkain sa huling beses bago tumakbo palabas ng bahay.

Naabutan kong naglilinis na kotse si Kuya kaya magpapahatid nalang ako sakanya.

"Kuya! Ihatid mo nalang ako sa school, late na late na ako!" May pagmamakaawang sabi ko kay kuya.

"Hindi pwede! May pupuntahan pa ako!" Pag tanggi niya.

"Sige na kuya! Kung hayaan nyo kasi akong mag maneho hindi ako sasabay sainyo." Hindi ko maintindihan kung bakit ayaw nila akong pahawakin ng kotse. Para saan pa ang student license ko kung hindi rin ako mag ddrive, diba?

"Hell no! Hindi ka pwedeng mag drive. Sumabay kana lang saakin." Pag suko niya.

Nginitian ko siya na sinuklian naman nita ng naiiritang tingin. Tawa tawa ko siyang nilampasan at nauna nang pumasok sa kotse niya.

Pagkadating sa parking bumaba nadin ako at nagtungo sa gate. Habang naglalakad ay nakita ko si Dale na papunta sa kinaroroonan ko.

"Good morning" Bati niya saakin.

"Good morning din" Bati ko pabalik bago kami nag lakad ulit.

"I looked for you yesterday lunch, where were you?" He asked

"Absent ako kahapon. May pinuntahan kasi kami ng mama ko sa probinsya." I replied.

He just hummed in reply.

"Bakit mo pala ako hinahanap?" Kuryosong tanong ko.

"I wanted to take you to my favorite resto. They have new branch nearby and I thought of going there with you." He said.

"Ah, edi punta tayo mamaya. Ako na ang manlilibre!" Masayang aya ko sakanya.

"Oh, no. I will pay." Sabi niya at iniiling pa ang ulo niya.

Ilang minuto pa kaming nagtalo kung sino ang magbabayad pero sa huli nanalo siya. Pero napag kasunduan naming sa susunod na kumain ka sa labas ay ako naman ang manlilibre.

Hindi ko namalayang nasa tapat na kami ng pintuan ng classroom ko kung hindi pa siya nag paalam. Kumaway ako sakanya bago pumasok sa loob.

"Hi Darrein" Bati saakin ni Aiden ng makaupo ako sa upuan ko. Taka ko siyang tinignan dahil sa sinabi niya.

"Darrein?" Tanong ko.

"Yeah, mixed of Darri and Rein. Rein is you second name, right?" He asked as he sat beside me and handed me a bar of branded chocolate.

Tumango ako sakanya. "Ano yan? I ask the obvious question.

Malamang tsokolate! Nuka banaman Darri oh!

"It's chocolate. Kakauwi lang ng mom ko galing abroad at dala niya 'to. Actually kahapon ko pa sana ibibigay sayo kaso wala ka. What happened?" tanong niya at nilahad ulit ang chocolate sa harap ko.

"Thanks, ah pumunta kasi kaming probinsya. May kinuha lang." I thank and answer him.

Hindi naman ako nakaligtas sa mga tanong nila kuno ano daw ang ginawa namin at bakit ako absent. Sinabi ko lang din ang sinabi ko kay Aiden at hindi na sila nag tanong pa.

His Only GirlWhere stories live. Discover now