14

64 50 0
                                    

Sa hindi nga naman sinasadya, nabusog ako sa mga salitang nilunok ‘ko. Tignan mo naman nandito na ako sa puder ng totoo kong nanay nakiusap ito sa akin na kahit ngayon lang daw ay pumayag ako, pumayag naman ako dahil reason ni tito Lukas ay ang sakit nya para kahit paano ay makasama ko sila.

"Kain na anak." Bungad ni tita Sharmaine ng bumaba ako sa kusina.

Naupo ako at hindi kinikibo si tita, galit pa rin ako sa kanya, sa kanilang lahat sa secrets nilang inilihim sa'kin.

"Kamusta ang tulog mo? maayos ba?" Pilit nitong pinapagaan ang umaga namin, pero pilit itong bumibigat.

"Sakto lang." Nag patuloy ako sa pag kain.

"Gusto mo ba ng gatas, ititimpla kita."

"Ayoko hindi ako mahilig dyan." Napigil sa pag tayo si tita at umayos na lang ng upo sa tabihan ko.

"Gising na pala ang magagandang babae sa mata ‘ko." Bungad ni tito ng makapasok sa kusina.

Hinalikan nito si tita sa pisnge ng dumaan sa'kin ay ginulo nito ang buhok ko, nag iwas ako kaya naupo na lang si tito sa tabi ni tita.

"Ngayong hapon ang lakad natin." Pauna ni tito bago kumuha ng plato.

"Ngayon na ba ‘yon? I thought bukas pa."

Wala na akong narinig sa mag asawa kundi ang lakad daw nila mamaya, ewan siguro ay may date sila.

"Ipag handa mo ng magandang damit si Penelope ha." Bilin ni tito lukas bago lisanin ang hapag.

Nanlaki ang mata kong tumingin kay tita. "Don't tell me isasama nyo ako?"

"Kailangan hija, dinner iyon ng mga kasosyo ng daddy mo sa negosyo."

O to the M to the G, OMG!!! bakit pa kailangan nandon ako e sila lang naman ang kasyoso sa negosyo hindi ako kasali doon.

"Hindi ako sasama." Malamig na saad ko, at nag salin ng tubig sa baso ko.

"Pero nasabi na kasi ng daddy mo sa partner nya na isasama namin ang maganda naming anak."

"Humanap ka na lang ng ibang anak, baka may iba ka pang anak na ipinamigay ayon hanapin mo bago isama nyo." Walang preno ang bibig ko.

Kapag may galit ako sa isang tao walang oras o araw na hindi ako nakakapag salita ng hindi maganda.

"Pero kas–"

"No more but na, may aasikasuhin pa ako." Pag putol ko sa sasabihin nito bago umakyat ng kwarto ko.

Kahit kay mama at tatay ay galit ako kaya si Ainna lang ang tanging nakakausap ko tungkol sa kalagayan ni mama at tatay.

[Kamusta Ainna?] Tanong ko sa kabilang linya.

[Ayos naman ate, ikaw kamusta ka na dyan?] Sagot nito sa kabila.

[Ayos naman, sila tatay?]

[Ayon maayos naman, tahimik na ng bahay wala na ang ate kong bubungangaan ako kapag hindi pa nakakahugas ng plato]

Napa singhap ako sa sinabi nito, i miss them.

"Ayan gumanda ka lalo."

Heto na naman, nilunok ko na naman ang salita kong hindi ako sasama sa kanila. Ngayon na kabihis na ako, I wear black jumpsuit.

"Ang ganda ko." Puri ko sa salamin ng makita ang sarili.

Nag lagay din ako ng kaunting kolorete sa mukha, maganda naman na ako kahit wala ang mga ito.

"Oh ano, mag tatagal pa ba kayo dyan?" Si tito lukas ito na naka silip na ngayon sa pinto.

"Patapos na, may inaayos pa kaunti si Pen" Si tita ang sumagot.

The Unbreakable Vow حيث تعيش القصص. اكتشف الآن