21

39 27 0
                                    

"Darren, pupunta daw si mama dito mamaya." Kahit hindi nag tanong ay sinabi ko pa rin sa kanya.

Nanatili itong naka tutok sa librong hawak n'ya.

Nakakabinging katahimikan ang nanalig sa pagitan naming dalawa. Simula noong lumipat kami dito palaging gan'yan 'yan e.

"Sige daw." Bulong ko sa sarili at tinalikuran na ang lalaki.

"Tsk!" Mahinang saad nito, rinig ko iyon dahil kaming dalawa lang naman ang nasa kwartong ito.

Bumaba na ako sa kusina ng hindi nililingon ang lalaking iyon, parang hindi ako nag e-exist sa pamamahay na ito. Ano ako kaluluwang gala?













"Peneloppeeee!!!!" Halos mag kandarapa na ang mama ko ng takbuhin ako nito papasok ng bahay. "Oh, ano anak, kamusta ang buhay may asawa?" Tanong nito habang hawak hawak ang balikat ko.

"Okay naman, Ma. Kayo, kamusta kayo ni Tatay, umiinom ho ba ng gamot sa tamang oras?"

Tumatanda na rin ang tatay ko, kaya sabi ko ay tumigil na muna siya sa pagtatrabaho. Si Mama naman ay may sinimulan noong nakaraang taon na small business kaya maayos naman sila.

"Okay naman, ayon sa awa ng Dyos, si Ainna nag-aayos na ng pag-aaral," sagot naman nito.

Makulit kasi ang batang si Ainna, parang ako daw noong nasa high school pa lang.

"Eh ang mommy mo ba, pinupuntahan ka dito?" Tanong nito.

"Minsan po, napapadaan dito kapag hindi busy." Ipinagtimpla ko si Mama ng kape.

"Eh si Darren maayos naman ba kayo?" Tanong nito.

Hindi ko alam........ sa palagay ko hindi.

"O-opo maayos naman po." Pag sisinungalin ko. "Madalas lang ho ang pasok noon, nag aaral ho kasi ulit kaya hindi nyo na naabutan."

"Abay maganda iyan, ano naman ang inaaral ulit ng asawa mo?" Tanong nito at sumimsim sa kape.

"Mag do-doctor ho s'ya."

Umalis na si Darren kani kanina lang dahil nag-aaral siya, gustong maging doktor. Kaya hindi kami madalas magkita dito sa loob ng bahay.

Ako naman ay nagsisimula nang humanap ng trabaho ayon sa natapos ko. Mahirap iasa ang kapakanan ko sa lalaking iyon.










"Good day, ma'am, how may I assist you today?" bati ng staff ng restaurant na pinasukan ko.

"Um, may nakita kasi akong banner sa labas na nagsasabing hiring kayo for a cook chef, I'm interested po kasi," sagot ko dito.

"Yes po, ma'am, we're hiring, yung mayroong experience na po. Para po sa karagdagang impormasyon, sasamahan ko po kayo sa manager namin."

Tumango ako sa babae kaya nauna itong naglakad, sumunod ako dito at pumasok kami sa isang makipot na daan bago nakarating sa dulo kung saan may pinto at agad itong binuksan ng babae.

"Excuse me, sir, may applicant po akong kasama," tawag nito mula sa loob.

"Come in," saad naman ng nasa loob.

Binuksan ng babae ng malaki ang pinto. Bago ako pinapasok, napansin ko na madilim ang silid at tanging sinag lamang ng liwanag mula sa labas ang nagsisilbing na ilaw nito.

Dahil nga madilim, kinalapa ng kamay ko ang bawat gilid, baka may masagi ako.

"Excuse po." pauna ko.

Nagbukas ang ilaw kaya naaninag ko na ang lahat. Nakatalikod ang lalaki sa table.

The Unbreakable Vow Where stories live. Discover now