CHAPTER 3

7 0 0
                                    

Samara's POV

Hindi ako mapakali simula nung pagkikita namin. I heavily sighed when I remember all the pain he left me. Ang saklap naman ng buhay ko at ngayon hindi raw muna ako papasok sa trabaho. Ang haba naman ng leave ko, three months. Kailangan ko pa naman ngayon ng extra na trabaho dahil nagamit ko sa pag-asikaso ng divorce papers namin. Sa ibang bansa kami kinasal at hindi dito. Sa kasal palang namin halata ngang planado na lahat.

Natanggap niya na kaya? Sigurado akong pipermahan niya agad dahil hindi naman niya ako mahal at asawa na niya ang pinsan ko. Tama. Biglang bumalik lahat ng mga alaala na binuo naming dalawa. Ang sakit pa'rin, ang sakit-sakit!

“Minahal naman k-kita. B-Bakit?” hindi ko na napigilan ang luha ko at napasalampak sa sahig dito sa may balkonahe ng apartment na inuupahan ko.

“NAKAKABWESIT KA TALAGA, KILLIAN! NAKAKAINIS KA!” sigaw ko habang umiiyak.

“HOY! MISS, MAGPATULOG KA NAMAN!”

“OO NGA!”

“RESPETO NAMAN!” sigaw nang mga kapitbahay ko pero niyakap ko lang ang sarili ko habang patuloy na umiiyak. Siguro kung katulad pa ako ng dati, tinawagan ko na sana si Ate Taia. Kaso hindi eh. Hindi ko kaya dahil baka kung ano pa sabihin niya dahil malaki na ako tapos ganito ako. Umiiyak lang ako nang may biglang kumatok. Mabilis ko'ng pinunasan ang mga luha ko at nagulat ako nang pagbukas ko ay si Ate Taia.

“Hope I'm not disturbing you crying.” She said that made me stunned.

“Y-You heard me?” sabi ko at tumango naman siya sabay yakap sa'kin.

“Hindi ko alam pero hindi ako mapakali sa kutob ko e. May parte sa'kin na gusto kitang puntahan. Everything's going to be fine, Bunso.” She said and I hug her back then cry out loud.

“Ate, ang sakit-sakit!” I cried.

“I know. I know.” She said while tapping my back.

“B-Bakit? Sa lahat na pwede niya maging bagong asawa, b-bakit...pinsan ko pa?!” iyak ko at napahiwalay siya sa'kin na gulat.

“What?! Pinsan mo ang bago niyang asawa?” sabi niya at tumango ako. Umupo kami at pinunasan niya ang luha ko.

“Masakit nga iyan, Bunso. Halika nga rito. Hindi ko man kayang alisin ang sakit na nararamdaman mo... sana makatulong 'to.” Sabi niya at pinahilig ako sa may dibdib niya. Sobrang swerte ko talaga na may Ate akong kagaya niya kahit hindi kami magkadugo.

“A-Ate...ang sakit. I-Iniwan niya ako tapos...bubuo lang pala siya sa iba. Nagsumpaan kami...p-pero b-bakit? A-Ako ang pinakasalan niya, pinangakuan niya... Ang sakit!” iyak ko at narinig ko'ng napasinghot siya kaya inangat ko ang ulo ko para tignan siya. She's also crying.

“Don't look at me, Bunso. Nakakahiya na nakikita mo akong umiiyak ngayon. H-Hindi ko lang mapigilan kasi nasasaktan ka ng ganiyan eh. Ate mo ako pero parang wala akong ginawa o magawa. I'm sorry of the pain you are feeling right now.” She said while her tears were falling.

“It's okay, Ate. Ang andito ka sa'kin ay maaki nang tulong po.” Malungkot na nakangiti kong sabi.

“Do you still love him? Hindi ka naman iiyak ng ganito kung wala ka ng nararamdaman sa kaniya.” Sabi niya at tumango ako sabay tulo ng nga luha ko kaya pinunasan niya iyun.

“I knew it. Alam ko naman na mahal mo pa siya pero ayaw ko lang din na buksan iyun dahil alam ko'ng pinipilit mo na mag-move on. Kilala kita, Bunso. You maybe acting strong but I can see it and feel it.” Sabi niya sabay turo ng puso ko.

“Inside this, is a weak, Samara, because of what happened to her. Hindi madali lahat ng napagdaanan mo. I feel that pain, too. Losing a child and knowing your love finding someone and build a family with someone...it hurts. Marami na akong napanaginipan na ganiyan at ang iba nun naranasan ko na. I know that pain na ang taong mahal mo na sana ikaw ang kasama at bumuo ng pamilya pero sa iba nangyari.” Sabi niya at niyakap ko siya ng mahigpit kasi alam ko rin ang pinagdadaanan niya. Bilang lang samin ang may alam sa pagkatao niya.

Hiding Our Child Where stories live. Discover now