Diary #2

2 0 0
                                    

Umiwas...

Iyan ang lagi ko ginagawa sa tuwing makakasalubong ko si Ms. Cathie, lalo na kapag alam ko na may binabalak siya'ng kalakohan sakin. Lalo na ngayon, inutusan ako na magtimpla ng kape pero itong si Ms. Cathie wala yata talagang matinong magawa dahil lahat ng coffee bean ay tinago niya kahit ano'ng hanap ang gawin ko ay wala talaga ako'ng makita.

'Tandaan mo Anya, umiwas ka sa gulo para mag tagal ka sa trabaho mo. Wala ka ng uuwian na pamilya kaya kailangan mo ang trabahong ito kaya umayos ka.'

*Tok*Tok*

"Come in."

"Ah, Boss..wala po kasing coffee bean sa pantry natin baka po gusto niyo na i-order ko nalang po kayo-"

"Anong wala?" Napatingin ako sa pinanggalingan ng boses, syempre walang iba kundi ang kontrabida sa pagtatrabaho ko.

"Cath.."

"Ako na ang nagtimpla ng kape mo, kanina ko pa pinapanood ang babaeng-i mean si Anya pero mukhang hindi niya alam kung saan nakalagay ang mga coffee bean."

"Pero Boss, wala po talaga inisa-isa ko po ang cabinet pero wala talaga-"

"Lumabas ka na Ms. Cruz, i don't need your explanation."

Hindi na ako nag salita at agad na lumabas ng office, diretso ako naupo sa desk ko ng nakasimangot.

"Nakakainis ang babaeng 'yon." Bulong ko sa sarili ko.

Sa sobrang inis ko kinuha ko ang diary ko at doon sinulat ng inis ko.

Dear Diary,

Naiinis ako.. sobrang inis na inis. Kasi naman hindi ko manlang maipagtanggol ang sarili ko, pero kahit naman siguro ipagtanggol ko ang sarili ko hindi rin naman ako pakikinggan ng boss ko. Kasi nga mas pinapanigan niya ang babaeng yun kahit siya ang dahilan kung bakit lahat ng naging trainee ni Ate Agatha nag si-alis-an.

Porque ba may gusto siya kay boss ay sapat na dahilan yun para gumawa siya ng mga kalokohan at kwento para maging sinungaling ang iba at siya ang kampihan. Hindi ba't mali ang gawan mo ng masama ang kapwa mo? Hindi niya ba pinag-aralan 'yon sa school, baka pati good manners at etiquette hindi niya rin alam.

Hay naku! Ilang araw palang ang pinapasok ko pero nagmumukhang isang taon na dahil sa kalokohan ng Cathie na yan.

"Ms. Cruz"

Agad ko itinago ang notebook ko at hinarap ang boss ko na ubod ng sungit pag dating sakin.

"Yes, boss?"

"I want you to work with Cath, para naman magkasundo kayo."

"So you mean boss, lilipat ako sa department nila?" Ano na naman ang pinagsasabi ni Cathie kay boss?

"Yes, tomorrow morning your superior is Cath and not Agatha if you want to be my secretary learn to make friend not to make war inside of the company."

Tinalikuran agad agad ako? Ano daw? Learn to make friend..with Cathie? Sa kanya pa talaga? Pakulo na naman ito ng babaeng yun!

"Naku! Ang babaeng yun talaga, sigurado ako kinabukasan May inihanda na naman yung kalokohan para sakin."

Dear DiaryWhere stories live. Discover now