Diary #6

6 0 0
                                    

Anong klase ba ng tape ang pwede sa bibig ng tao? May tatapalan lang ako ng hindi na makapag salita ang isang 'to.

"Where have you been, Anya?" Mataray na tanong nito sakin.

"Hinahanap ko po-"

"Don't explain, i don't need it."

'Tinanong ako tapos ayaw ako'ng pasagutin. Iba rin ang sapak ng babaeng 'to.'

"Kanina pa kita hinahanap, i told you na may iuutos ako sayo tapos nawawala ka."

"Eh kasi po-"

"Do i told you to answer? Listen.. i don't someone wasting my time. You should know where you belong, understand?"

"Yes, Ms. Cathie."

Tinalikuran ako nito sabay flip hair. Ang arte talaga akala mo naman kung sino'ng maganda di naman pantay ang kulay ng tuhod at siko niya sa balat niya.

Wala ako'ng nagawa kundi ang laitin na lang ito sa isip ko. Habang sinusundan ko si Ms. Cathie pabalik ng department.

Lahat ng madaanan namin, babae man o lalaki ay napatingin sa kanya kahit ang mga busy sa mga ginagawa nila ay tumitigil para lang matignan ang babaeng dumaan sa harap nila. Kahit nasa likod ako at hindi ko kita ang itsura ni Ms. Cathie alam ko naman sa loob nito ay tuwang-tuwa siya dahil kung tingnan siya ng mga empleyado ay parang isang diyosa.

'Diyosa? Diyosa ng ka-attitude-an kamo. Sa sobrang attitude nahiya na yung word na humble sa kanya.'

"Anya? Anya! Are you listening?" Nabalik ang katinuan ko ng makita ko ang nakasimangot na mukha ng babaeng bruha sa harap ko.

Di ko manlang napansin na tumigil pala kami. Lumingon ako sa buong paligid, hindi ito ang department namin. Saan ako dinala ng babaeng 'to?

"Ah, Ms. Cathie.."

"I know, hindi Porque mabait sayo si Agatha ay magiging mabait na rin ako sayo."

'Wala naman ako sinabing maging mabait ka sakin. Inborn na yang ugali mo, ugaling di maintindihan.'

"Here, i want you to clean this room. Kasi matagal na rin simula ng hindi ito malinisan, i want this materials to be organized. A-S-A-P maliwanag ba?"

"Yes, Ms."

"Okay, ill be right back. Gusto ko pagdating ko tapos mo na linisin ang buong kwarto."

Hindi na ako sumagot, kaya umalis na rin ito ng tahimik ngunit hindi makakaligtas sa paningin ko ang isang ngising na paskil sa labi niya.

'Mukhang pinagplanuhan na naman ng bruha iyon ang lahat.'

15 minutes later...

"Secretary ako diba? Bakit biglang naging janitress ako? Hindi ko naman gawain ang mga 'to bakit sakin pinapagawa?"

'Sumang-ayon ka diba? Di ka naman kumontra ng sabihing lilinisin mo ang kwartong to.'

"Lilinisin? Ito'ng buong kwarto? Ng ako lang mag isa? Baliw ba ko para linisin ang pagkalaki-laking kwarto na 'to?"

'Baliw ka nga ba?'

Baliw na nga yata ako.. kinakausap at sinasagot ko na ang sarili ko. Wala pa nga ako kalahating oras dito pero pakiramdam ko ang tagal ko na dito sa loob ng kwarto. Ayoko pa naman sa kulong na kwarto lalo na madilim at tahimik pakiramdam ko may nanonood sakin.

"Bakit ba kasi pumayag ako? Hindi ko naman trabaho 'to!" Nagbagsakan ang mga kahon dahil sa pag sipa ko sa isang cabinet kaya napuno ng alikabok ang buong kwarto.

*Cough*

Paulit ulit ako'ng na ubo dahil sa kapal ng alikabok na kumalat sa buong kwarto.

"Peste talaga! Kung minamalas ka nga naman talaga!"

Isa-isa kung pinulot ang mga folder at papel na nahulog mula sa mga kahon na bumagsak.

"Hindi man lang nila ayusin ang mga papel na 'to. Kung hindi na nila kailangan di sana itinapon na nila o kaya sinira tapos binenta hindi iniipon nila dito sa isang kwarto, tapos ako ang paglinisin?"

Wala ako'ng ginawa kundi ang magreklamo ng magreklamo habang pinupulot ang mga papel sa sahig.

"Hindi naman na siguro importante ang mga 'to." Inilagay ko lahat ng mga papel sa kahon pabalik at saka ipinatong ulit sa cabinet kung saan ito nakalagay.

Nguni't napansin ko ang isang lumang libro sa gilid kung saan nakapatong ang kahon. Puro ito alikabok at tila matagal ng nakatago dito ang libro.

"Silent Shadow.."

Iyan ang mismong nakasulat sa cover ng libro. Mukhang horror story ito. Sino nanam kaya ang nakaiwan nito dito?

Isinantabi ko muna ito saka nilinis ang buong kwarto bago pa ako abutin ng bruhang babae baka lalo niya akong dagdagan ng trabaho.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 10 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Dear DiaryWhere stories live. Discover now