Question #3

15 2 0
                                    

QUESTION #3

The following are Alliyah's friends who helped her during her board exam season, EXCEPT:

A. Yohan
B. Kiel
C. Thea
D. Piso

───────────────

Pagkatapos ng isang linggo, lumuwas na ako pabalik sa Manila dahil kailangan ko ulit mag-aral. Wala na akong ibang choice kung hindi ang umulit na mag-exam kasi hindi naman ako makakapag-practice ng profession ko kung hindi ako kukuha ng lisensya.

Pagkarating ko sa inuupahan ko, halos wala na akong ganang kumilos. Pinagmasdan ko ang larawan ni Lola sa corkboard na nakasabit sa dingding. Malusog pa si Lola nito. Mahigpit ang yakap niya sa aking braso habang yakap ko siya mula sa likod. Nakadantay pa ang ulo ko sa ulo niya. Haaay, Lola. Miss na kita agad. Ano bang gagawin ko ngayong wala ka na? How do I move on without you?

Dati, gumagawa na ako ng agenda ko para bukas. Pero ngayon, ang tanging gusto ko lang gawin ay magmukmok at umiyak. Pwede ba 'yon? Pwede ba akong maging malungkot hanggang sa paggising ko?

Nakahiga na ako nang mag-chat sa akin si Alliyah.

Alliyah:
Kailan ka luluwas?

Hindi ko muna nireplyan kasi paniguradong kakatok siya sa pinto ko kapag sinabi kong nandito na ako sa Manila. Hindi naman sa ayaw ko siyang makita. I just... don't want to be around people in general as of now.

Am I being a bad friend right now? Dapat ba akong mag-reply kay Alliyah kahit ayaw ko siyang makita? May utang pa nga ako do'n e. Hindi pa kami nakakapag-celebrate ng pagkapasa niya sa board exams. Alam kong wala ako sa mood mag-celebrate ngayon pero deserve niya rin naman mag-celebrate kasi matagal din niyang pinaghirapan 'yon.

"Celebrate with me next time. For now, I'll grieve with you first."

Am I a bad friend if I don't want to celebrate with her? When all she ever did was to be with me even during my lowest?

───────────────

Pagkagising na pagkagising ko, agad kong nireplyan si Alliyah. I know I can't hide from her forever. I don't want to. Even if that's the easier thing to do, I still choose to fight for this friendship.

Alliyah:
Kailan ka luluwas?

Jof:
Nandito na ako sa Manila. Kararating ko lang kagabi.

Alliyah:
Pwede ba tayong lumabas mamayang gabi? Around 6 PM, ganon?

Jof:
Sure. Saan tayo?

Alliyah:
Samgyup tayo! Libre ko.

Wow, samgyup. Ano kayang meron? Madalang kaming mag-samgyup ni Alliyah kasi mahal. Madalas naman, kuntento na kami sa simpleng lutong bahay o kaya instant ramen.

Buong araw lang akong naglinis ng unit ko habang hinihintay ang six o'clock. Pagpatak ng alas sais, may kumakatok na sa pinto ko. Agad kong pinagbuksan ng pinto si Alliyah. She was wearing her most comfortable denim shorts and a simple white shirt. She wore her hair up, which always gave me a good view of her face. I always loved seeing her hair messy because it showed how comfortable she is with me. Sa tuwing magkasama kami, hindi niya na kailangang mag-ayos kasi ako lang naman ang kasama niya.

She's extra enthusiastic today, which is a rare thing. Hindi naman sa palagi siyang nakasimangot. It's just that, on most days, she has low energy. "Saya mo, ah?" bungad ko.

"Talaga!" She beamed at me. Sobrang cute naman.

Hinayaan ko siya na hatakin ako palabas ng unit ko. We fell silent at the elevator so she initiated the conversation. "Kumusta ka naman?"

License to Lab (MedTech on Duty, #5)Where stories live. Discover now