(150) August 3, 2020

39 5 0
                                    

Bothered

"Ahia, are you sure na hindi ka sasama?" Tanong ni Fico kay Primo. Hindi siya narinig ng isa dahil tulala lang itong nakaupo sa swing.

Napailing-iling na lang si Fico bago tinabihan ang pinsan at saka ito inakbayan. Napaigtad naman si Primo at biglang napatayo dahil sa gulat.

"What? Huh? Ano?" Primo asked, looking startled.

Napahalakhak sina Fico, Atien, at Ciara dahil sa nakita. Primo always looks composed and calm. This is the first time they saw him startled and panicky.

He glared at them before sitting back on the swing. He bent his head and rested it on his knees.

"Ang nagtanong ni Fico ay if hindi ka sasama sa Central."

Hindi pa tapos sa katatawa sina Ciara at Fico at mas nadagdagan pa dahil sa sinabi ni Atien. After correcting Atien, Fico turned to Primo.

"Why did I even ask? Of course you'll stay here! Nandito si Miara, eh! Wala kaming laban diyan!"

"Stop being a sad boy and go get your things," natatawang utos ni Atien kay Fico.

Pupunta ang dalawa sa Central Ma-ao para bisitahin ang iba pa nilang mga kamang-anak. Ang magkakapatid na Savatier naman ay piniling manatili kasama sina Mav at ang mga kapatid nito.

"Okay, Atien. I will make kuha my things na para—" bago pa matapos ni Fico ang sasabihin ay sinuntok na ni Atien ang balikat nito kaya natahimik agad.

Nang makaalis ang dalawa ay biglang tumahimik ang paligid. Tanging tilaok ng mga manok lang ang maririnig. Minsan ay maririnig din ang kaluskos ng mga dahon tuwing umiihip ng hangin.

Mapayapa ang kapaligiran ngunit kabaliktaran naman ang nararamdaman ni Primo.

He and Miara kissed. And it's bothering him. Not because he didn't like not. In fact, he liked it. He liked it too much that he wants more. But he can't. He can't have another one.

What's bothering him is the fact that that kiss he enjoys very much might've made Miara uncomfortable. He's worried. He doesn't want to lose whatever it is that they have right now.

Earlier this morning, he tried to visit her. Nagkasalubong sila sa labas ng bahay nina Miara ngunit wala sa sarili ang dalaga. May binabasa ito sa kaniyang phone at mukhang hindi mapakali.

"Miara," Primo called.

Miara's eyes widened, looking startled. Nilibot nito ang tingin na para bang may hinahanap, o 'di kaya'y naghahanap ng saklolo.

Primo took a step back instinctively. Kung alam niya lang sana na ganito ang magiging epekto kay Miara, sana lumayo-layo na lang siya.

He can restrain himself. But yesterday, he lost his control. And now the girl he likes is frightened with his presence.

"Hi, Primo," namamaos na bati ni Miara.

She looked around again, looking wary. She gave him a small smile before pointing towards her house. Walang imik itong bumalik sa bahay nito habang naiwang nakatulala si Primo.

"Ahia, are you okay?"

Primo swallowed hard before turning to his sister. Hindi niya na kaya ang mga nararamdaman kaya pinilit niya ang sarili na magkuwento sa kapatid.

He trusts Ciara. The only thing that's holding him back is the fact that he's ashamed of what he did. And also guilty because his actions made her uncomfortable.

"I saw you," Ciara admitted. "I hope I don't sound biased but I don't think she didn't like it. I admit, I'm a shipper of you two... but if she didn't want it, she could've pushed you, Ahia."

Sandaling nabunutan ng tinik si Primo ngunit agad ding bumalik ang pag-aalala.

He doesn't care if he's assuming things now. Mas mapapanatag ang loob niya kung makakausap niya si Miara at makahingi siya ng tawad.

Maybe the kiss is not the reason why she looks bothered. But maybe it is. But one thing is for sure—he needs to talk to her and apologize.

Miara's MistakesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon