CHAPTER 02

15K 364 71
                                    

CHAPTER TWO

Threat

✩·.¸¸.·⍣✩·.¸¸.·⍣✩

"Ano pa'ng tinatatayo-tayo n'yo riyan? Maupo na kayo para makakain na tayo," puna ni Daddy.

Hindi pa sana ako gagalaw kung hindi lang ako kinalabit ni Summer. Napipilitan akong humakbang at naghila ng upuan sa tabi ni Mommy. Si Summer naman ay pumuwesto sa tabi ni Jaevier, sa harap ni Mommy.

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong i-react ngayong kaharap kong kumakain si Jaevier. I never imagined a day where we would share a meal at the same table with this asshole. I don't know if this is just a coincidence or what. Pagkatapos niyang ahasin ang girlfriend ko noon, ngayon kapatid ko naman ang pupuntiryahin niya?

Base sa naging reaction niya kanina ng makita ako, mukhang alam niya na magkapatid kami ni Summer at aaminin kong hindi ko nagustuhan ang ngising ibinigay niya sa akin kanina. Hinding-hindi ko siya hahayaang magtagumpay sa kung ano mang masamang pinaplano niya. Huwag lang talaga siyang magkamaling saktan ang kapatid ko, hindi niya alam kung ano ang kaya kong gawin kapag pinaiyak niya si Summer.

Pagkatapos nito'y kakausapin ko si Summer. Hindi ako makakapayag na magpaligaw siya sa bastardong Jaevier na 'to. Malinaw na paglalaruan lang siya nito at hindi ako makakapayag na idagdag ng kupal na ito ang kapatid ko sa collection niya ng mga babae. Kilala ko si Jaevier at ni minsan ay wala pa siyang sineryosong babae!

"Why are you so quiet, kuya? Akala ko ba i-interview-hin mo si Jaevier? Nagulat ka ba na classmate mo pala ang sinasabi kong suitor ko?" tanong ni Summer saka mahinang tumawa.

Pinanliitan ko siya ng mata. "Alam mo na magkaklase kami?"

"Uhuh!" lumingon siya sa katabing si Jaevier at nginitian ito. "Jaevier told me."

Alam pala niya na magkaklase kami, pero mukhang wala siyang idea na bukod doon ay si Jaevier rin ang umagaw sa girlfriend ko, ang isa sa mga rason kung bakit nasaktan ako noon. Mukhang wala rin siyang alam kung gaano katarantado ang lalakeng ini-entertain.

Ngunit hindi ko inaasahan ang sumunod na sinabi ni Summer.

"Sabi pa nga niya ang galing mo daw sa klase, that you excel in everything you're doing."

Napahinto ako sa pagnguya at nagugulat na lumipad ang paningin ko sa lalakeng kaharap. Mabilis itong nag-iwas ng tingin at bahagyang tumikhim.

Kunot ang noo nang bumaling ako kay Summer. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa sinabi niya. Bakit naman iyon sasabihin ni Jaevier? Para magpalapad ng papel sa kapatid ko? Para ipakitang maayos ang ugali niya at wala siyang atraso sa'kin?

Hindi ko talaga maintindihan kung ano ang gustong mangyari ni Jaevier. Nagugulohan ako. Gusto ba niya akong gantihan sa ginawa ko noon sa kaniya at para magawa iyon ay gagamitin niya ang kapatid ko? Whatever his plan is, one thing is clear to me: I need to keep Summer away from him.

Wala na akong pakialam kung magmukha man akong kontrabida basta mailayo ko lang sa tarantadong ito ang kapatid ko. Walang magandang maidudulot ang hayop na ito kay Summer.

Natapos ang dinner namin na halos iyon lang ang iniisip ko. I couldn't understand what my parents and Jaevier were talking about because my mind was too preoccupied. Paminsan-minsan ay tinatanong ng parents ko si Jaevier tungkol sa pamilya nito na maayos naman nitong sinasagot, bagay na hindi ko inaasahan. He seemed so well-mannered while talking to my parents. If I didn't know him, I might have thought he was a decent person, but no, I know him, so his attempts to act nice won't fool me.

Calmness In The Midst Of ChaosWhere stories live. Discover now