CHAPTER 33

8K 363 113
                                    

CHAPTER THIRTY THREE

Justice

Trigger warning: this chapter contains sensitive language.

"Bakit?" Takang tanong ko habang hawak ko sa aking tainga ang cellphone ko. Kalalabas ko lang ng bathroom at katatapos ko lang maligo nang makitang tumatawag si Aiden.

Medyo nagtaka ako dahil ito ang unang beses na tumawag siya. Nagte-text lang kasi ang buong barkada ni Jaevier sa tuwing may sasabihin sa akin.

"Nagwawala si Shawn," he said seriously on the other line.

Kumunot ang noo ko. Anong kinalaman ko sa pagwawala ng isang iyon?

"Bakit? May nangyari ba?" I asked while standing by the side of my bed. I wasn't wearing any clothes, just a towel wrapped around my waist.

"May nalaman kami tungkol kay Jaevier." Bumuntong-hininga siya, halatang problemado. "Punta ka sa condo ni Dymien. May kailangan kang malaman."

I nodded. "Alright. I'll be there in fifteen minutes."

Pagkatapos kong ibaba ang tawag ay agad akong nagbihis. I just wore a white hoodie jacket and cargo pants paired with white rubber shoes.

Sakay ng kotse ko'y binaybay ko ang daan patungo sa condo unit ni Dymien. Alam ko naman kung saan ang condo nito dahil minsan na akong isinama roon ni Jaevier dati.

"Pasok ka, pre," si James na siyang nagbukas ng pinto.

Nang makapasok sa condo ni Dymien ay agad bumungad sa akin ang magulong sala, daig pa ang dinaanan ng ipo-ipo. Nasa sofa ang mga ito at sa harap ay naroon ang ilang bote ng emperador.

My eyes landed on Shawn. He was calmly sitting on the sofa, head down and jaw clenched. Base sa mahigpit na pagkakakuyom ng kamay nito'y halatang gustong-gusto nitong manakit.

"Upo ka." Dymien pointed to the empty sofa. I quickly walked over and sat down.

Isa-isa kong tiningnan ang mga kaibigan ni Jaevier. Iisa ang ekspresyon ng mukha nila, salubong ang mga kilay at malalim ang iniisip.

"Anong meron?" Tanong ko. May kutob na ako kung ano ang sasabihin nila pero gusto ko paring marinig. Kung tama ang hula ko, saan nila nalaman?

"Wala bang sinasabi sa'yo si Jaevier bago siya umalis?" Si Ivan. "Huwag kang mabibigla sa sasabihin namin, Hanz. Kanina kasi, kinausap kami ng ate ni Mavi, 'yong kapatid niya sa tatay... Sinabi niya na kaya raw pumunta ng US si Jaevier dahil nadiagnose ito ng PTSD. At... At..." He averted his gaze, struggling to continue.

"Ate Leslie said that he was... raped," mahinang pagpapatuloy ni Kleint, halos pumiyok na ang boses, bigong-bigo ang hitsura. "Jaevier was raped, Hanz. 'Yong gabing sinasabi mo sa amin na nag-cheat si Jaevier, hindi siya nag-cheat sa'yo, Hanz. He was... He was raped! Jaevier was raped!"

Mariin kong pinaglapat ang aking mga labi sabay nag-iwas ng tingin. Alam ko naman na. Pero 'yong marinig iyon mula sa bibig ng iba ay sobrang sakit. Noong una ayaw pang tanggapin ng isip ko, pero iyong sabihin ng kaibigan niya ay para akong sinampal ng katotohanan.

"Tang ina, kasama niya kami noong gabing iyon, eh. Paano nangyaring... Paano nangyaring may tumarantado sa kaniya?" Nanghihina at napapailing na sambit ni Zeke. "Kasama niya kami, pero putangina, bakit hindi namin alam? Gago... Nandoon kami, eh."

I bowed my head, unable to find the right words to say.

It's been two weeks since Jaevier left. Ang alam ng mga kaibigan niya pumunta siya sa US para sa tatay niya, hindi niya sinabi ang totoong dahilan.

Calmness In The Midst Of ChaosWhere stories live. Discover now