CHAPTER TWELVE
Gay
"Baka ipagpalit mo na ako sa hapon diyan, ha? Kawawa naman ako," narinig kong sabi ni Jaevier na agad ikinalukot ng mukha ko.
Kawawa ka talaga kapag nalaman mong may ibang gusto ang kapatid ko.
"Baliw! Si overthink ka talaga, 'no?" Ani Summer bago humalakhak.
"Naniniguro lang po."
"Magagawa ba naman kitang ipagpapalit? Mas guwapo ka parin naman sa mga hapon na nandito, babe."
Nakaangat ang kilay na lumingon ako kay Summer. Fine arts student itong kapatid ko pero sa palagay ko may future siya sa pagaartista.
Humalakhak ito. "Good. Ako lang dapat ang guwapo sa paningin mo."
Magkatabi kaming nakaupo ni Summer sa bangko, sa labas ng bahay nila tita Cindy, pinapanood namin ang tatlo pa naming maliliit na mga pinsan, gumagawa ang mga ito ng Snowman. Kavideo call niya si Jaevier at kanina pa ako rinding-rindi sa panglalandi ng lalake sa kapatid ko.
Nandito kami sa Japan para icelebrate ang katatapos lang na new year. January one na ngayon at bukas ay balak na naming bumalik ng pilipinas. Hindi naman kasi kami puwedeng magtagal dito dahil may trabaho pa ang parents ko at pareho rin kaming nag-aaral ni Summer.
"Kailan mo balak sabihin sa kaniya?" Tanong ko kay Summer ng matapos sila sa paguusap ni Jaevier.
"Hindi ko pa alam, kuya. Humahanap pa ako ng tyempo," aniya habang nakatingin sa mga pinsan naming masayang naglalaro sa snow.
"Huwag mong masyadong patatagalin, sabihin mo na agad sa kaniya pag-uwi natin para hindi na umasa 'yong tao," ani ko bago humalukipkip.
Tang ina, puwede na bang ngayon na kami umuwi ng pilipinas? Limang araw pa lang kami dito sa Japan, pero pakiramdam ko mamamatay na ako sa lamig. Mukha na nga akong lumpia sa sobrang pagkakabalot, pero tumatagos parin talaga iyong lamig.
"Bakit parang concern na concern ka na ngayon kay Jaevier, kuya? Parang dati lang ayaw na ayaw mo sa kaniya." Ngumisi siya sa akin. "Ano kuya? Isang ballpen lang pala ang katapat mo, eh?"
I snorted. "Hindi naman sa concern. Ayoko lang na pinapaasa mo 'yong tao. Alam mong ayaw ko sa mga paasa," I stated.
"Sus, binigyan ka lang ng ballpen, eh. Naka-costumized pa! Samantalang 'yong regalo no'n sa'kin make-up lang. Feeling ko tuloy mas special 'yong gift niya sa'yo, pinag-effort-an eh."
Inasar ako ng inasar ni Summer. Kung hindi pa kami tinawag at pinilit ng mga pinsan namin na makipaglaro sa kanila, hindi pa titigil si Summer.
Oo na, concern na ako roon sa tao. Masama ba 'yon? Kahit naman may atraso sa akin si Jaevier, hindi naman 'yon puwedeng gawing dahilan para hayaan kong paasahin ni Summer ang lalake. I admit that I am not a good person, but I won't tolerate such behavior. Isa pa'y nagsorry naman na siya sa akin.
Tumupad si Jaevier sa pangako niyang hindi niya sasaktan si Summer, pero ang tang inang kapatid ko, siya pa ang mananakit ngayon. Hindi ko lubos maimagine kung gaano kasakit ito para kay Jaevier kapag nalaman na niya, lalo pa't seryoso siya sa nararamdaman niya para kay Summer.
"May girlfriend ka na ba, Winter?" Nakangiting tanong ni tita Cindy, ang pinakabunsong kapatid ni dad. Gabi na at sabay-sabay kaming kumakain ng dinner, kasama ang mga asawa nila tita.
Si mommy ang sumagot. "Wala pa nga, eh. Inaantay ko ngang may ipakilala sa amin ang panganay kong 'yan."
"Sayang naman. Ang guwapong bata, walang girlfriend?" Si tita Annie, kapatid ni dad na sumunod sa kaniya. "'Di ba bente anyos ka na? Anong year ka na nga ulit?"
BINABASA MO ANG
Calmness In The Midst Of Chaos
RomanceFormer Title: The Playboy's Obsession Mark Jaevier Laurent Obsession series # 2 "Every time I try to let go, memories of us pull me back in. I wish I could unlearn all the good things about you and erase all the memories we had to make it easier fo...