Anniversary Special Chapter: Kaior and Sky

168 5 7
                                    

In another universe...

***

"Tapos ka na sa lahat ng 'yan, Sky? Ang dali mo lang natapos, ah!"

I was smiling the whole time while my classmate kept on bothering me. Hindi pa kasi sila natapos sa mga projects na binibigay ng teachers namin sa amin. Ako lang ang unang natapos. I hate cramming kasi. Sila, ang hilig nila no'n.

"Huy, pati si Kaior ginagawan mo?" Hina asked. Kaibigan ko siya.

I nodded while I was still fixing my stuffs so I could finally return to my home. "Oo, madali lang naman kasi lahat." I said while smiling. He is on a vacation with his family. I did not tell him about this, na ako ang gumagawa ss projects niya while he is away. "Madali lang naman kasi."

"Ako na lang sana ang jinowa mo, Sky! Eh 'di sana, tapos na rin ako sa akin." She pouted and crossed her arms.

Umiling na lang ako at tinawanan siya. "Ayan kasi, ang hilig mo mag-cramming."

Bukas na kasi ang deadline at hindi pa sila natapos lahat. I went home alone that night, naghihintay lang ako ng jeep at mabuti nga hindi gaanong mahal ang pamasahe. Nagtitipid kasi ako, may pinag-iiponan ako para sa monthsary namin ni Kaior.

"Oh, apo, bakit gabi ka na? May school projects ba kayo ng mga classmates mo?" Lola immediately approached me with all her questions, nag-aalala na talaga siya. Nagmano ako sa kanya.

"Pasensya na, la. Bumili kasi ako ng letchon at mahaba ang pila. Ito po." I showed her the letchon that I just bought.

"Ha? Nag-abala ka pa! May isda naman tayo roon." sabi niya.

"Don't worry, la, para na rin naman ito sa atin. At saka, favorite mo kaya ang letchon! Kain na tayo."

Pumasok na kami sa bahay namin at inilapag ko na ang ulam na binili ko. Simple lang ang buhay ko at tanging si Lola na lang ang nagbabantay sa akin. My parents died on na airplane crash, at lahat ng ari-arian namin ay ninakaw. Kaya ito ako ngayon. Pero ayos lang din naman sa akin ang lahat. Nandito lang so lola, ayos na ang lahat.

"Kumusta naman ang pag-aaral mo? Puro ka lang may ginagawa sa Sabado at Linggo sa bahay. Magpahinga ka rin naman, Sky." Sabi ni lola habang kumakain kami.

"La, may projects kasi ako sa araw na 'yon at gumagawa rin ako para kay Kaior dahil nasa vacation sila." Sagot ko naman.

"Aba'y, nasaan ba kasi ang boyfriend mo at hindi na lang siya ang gumawa sa projects niya?" Naiinis na tanong ni Lola. Tumawa ako. Don't worry, mahal din naman niya si Kaior at parang apo na rin niya 'yon.

"La, ayaw kong ma-stress na naman siya pag-uwi niya rito." Sabi ko naman.

After the dinner with my grandma, ako na ang naghugas ng pinggan. Pinapagalitan pa ako dahil gusto niyang magpapahinga na ako. Ako naman ay pinapagalitan din siya, in a gentle way, dahil alam kong pagod na siya sa araw na ito dahil sa pagbebenta niya ng isda sa palengke.

I took a bath and brushed my teeth after. Pumunta na rin ako sa kwarto ko at tiningnan muna ang salamin. I appreciate my beauty. My mother is a half Filipina and a half Korean, ang ama ko naman ay Spanish. Hindi talaga mai-deny na may mukha rin ako. Feminine ako. Hindi rin ako ganoon katangkad.

I decided to sleep after that. Hindi ko muna chinat si Kaior dahil parang busy siya ngayon. Pero nag-update naman siya with photos niya. Ang gwapo niya talaga. Nasa ibang bansa kasi sila nagbabakasyon ngayon.

I opened my eyes when I felt someone's arm wrapping around my waist. Napalingon ako para tingnan kung sino 'yon at nanlaki ang mga mata ko nang makita na si Kaior 'yon. He is looking directly into my eyes.

My Possessive Enemy (Series #1)Where stories live. Discover now