106

35 2 0
                                    

"Bakit hindi mo sinabi sa akin?" diretso kong tanong sa kaniya nang magkasalubong kami sa hallway.

Hindi siya makatingin sa mata ko kasi alam kong alam niya kung ano ang tinutukoy ko. Hindi ko alam kung bakit pinili niyang solohin 'yong problema. Bakit hindi niya sinabi sa akin na siya 'yong dinidiin sa issue? Bakit pinili niyang itago sa akin?

"Ano bang sinasabi mo?"

"Love, please, huwag ka na magsinungaling. Bakit mo naman sinolo? Sasamahan naman kita, eh. Sabi ko, 'di ba, puwede mo i-share sa akin 'yong bigat? Aakuin ko 'yon, Awit. Hindi mo kailangan sarilinin..."

Mabilis pinalis ni Awit ang mga luha niya. Ilang minuto kaming binalot ng katahimikan. Wala siyang masabi. Hindi niya magawang i-deny 'yong mga sinasabi ko kasi alam niya sa sarili niya na totoo 'yon.

"Love," pagtawag ko ulit.

Hindi siya sumagot. Nakatingin ako ngayon sa mga mata niya habang siya ay nakatingin sa ibang direksyon.

"Awit."

"I'm sorry..." mahinang sambit niya dahilan nang tuluyang pagtulo rin ng mga luha ko. "Hindi ko nagawang sabihin kasi ayokong dumagdag sa mga iisipin mo —"

I immediately cut her off. "Awit, priority kita. Hindi ka naman pabigat sa akin. Hindi ka problema para isipin mong nakakadagdag ka sa iisipin ko. Girlfriend kita, eh,"

Iyong mahihinang hikbi ni Awit kanina, ngayon ay palakas na nang palakas. Iyong iyak niya, parang ang tagal niyang pinigil. Ang tagal niyang kinimkim.

Ang tagal niya sigurong dala-dala 'yan to the point na sumabog na siya ngayon.

Lumapit ako sa kaniya at hindi nag-dalawang isip na i-alo siya. Isinandal ko ang ulo niya sa dibdib ko kasabay no'n ang marahang paghaplos ko sa buhok niya.

"I'm sorry for pushing you away... H-hindi dapat ako nagpadala sa emosyon ko,"

"Okay na 'yon, love. Tama na pagse-self blame, ah. Wala ka pong kasalanan. Naiintindihan ko na ngayon 'yong desisyon mo." I assured her.

Patuloy pa rin siya sa paghikbi habang ako ay patuloy lang sa pag-alo sa kaniya. Sinusubukan niya rin magsalita pero hindi talaga kaya dahil sa pag-iyak niya.

Umupo muna kami saglit at hinayaan ko siyang sumandal sa balikat ko. May recitation kami ngayon sa Entrepreneurship pero okay lang. Mas kailangan ako ni Awit ngayon. Active naman ako sa klase kaya kaya kong bawiin 'yong recit.

Maya-maya ay tumigil na sa paghikbi si Awit. Umalis siya sa pagkakasandal sa akin at saka pinalis ang mga luha niya.

"May klase ka ba ngayon?" I softly asked.

Tumango siya bilang tugon.

"Sige, hatid na kita sa room niyo."

Tumayo ako mula sa pagkakaupo at saka ko siya inalalayan sa pagtayo. I didn't hesitate to hold her hand while we're walking. Ewan ko ba. Pakiramdam ko aalis ulit siya.

Sana hindi na. 

Same GroundWhere stories live. Discover now