CHAPTER 14

14 5 0
                                    

Casper's POV.

Nagising ako sa isang kwarto. Kanino kaya itesh? Mukhang maganda naman kasi yung design ang kaso makalat. Ang daming mga kemerut na nagpapagulo lang naman dito sa place.

Kung kwarto sa langit man to, napakaburara naman ng huling tumira dito. Nakakaloka ah?

Dahan-dahan akong umupo mula sa pagkakahiga pero napabalik lang ako dahil naramdaman ko ang sakit ng katawan ko.

Akala ko ba dito walang sakit? Eh di sana pala lumaban pa ako. Pareho lang naman.

"Casphy! You're awake!" Narinig kong sabi ng babaeng nasa gilid ko. Sino naman kaya ito at anong karapatan nyang tawagin ako sa ganoong pangalan?

Nilingon ko yung babae at nakita kong isa itong anghel. Anghel na kamukhang kamukha ni Hyacinth.

"Do not move a muscle muna Casphy." Sabi pa nito sa akin na sinunod ko naman. Shempre teh, mahirap na baka mapatapon ako nito sa impyerno diba?

"Hyacinth. Hindi pa ba gising si Cass?" Narinig ko ang boses ni Lily mula sa labas ng pinto.

Wag mong sabihing nandito yung mangkukulam na iyon sa langit? Ano pagkamatay ko sumunod din siya? Saka Hyacinth din ba pangalan nitong anghel?

Nasagot ang lahat ng question portion ko nang bumukas ang pinto at niluwa noon si Lily na may hawak na sandok.

Sinasabi na nga ba at witch talaga itong babaeng to. Baka gumagawa iyon ng potion para ipainom sa akin.

"Oh. Gising ka na pala. Ang OA mo ah? May pa himatay-himatay ka pang nalalaman. Pinag-alala mo ako." Sabi niya at nagkunwari pang itatapon ang sandok papunta sa akin.

So hindi ito ang langit at buhay pa ako? Eh itong angel na tabi ko?

Napatingin naman ako sa angel na nagtataka, ako lang ba ang nakakakita sa kanya? Paktay. Mukhang nabuksan pa ang third eye ko matapos nang nangyare.

"Ikaw naman Hyacinth, wag kang nagsusuot ng ganyang costume sa tabi ng nakaratay, nakakanerbyos ka. Kung hindi ko alam na galing ka sa dress rehearsal nyo iisipin ko na kukunin na ng langit si Casper at ikaw ang sundo." Sabi naman nito bago tuluyang umalis ng kwarto. Tumawa lang si Hyacinth dahil sa sinabi niya at tinanggal nga ang pekeng pakpak na nakasukbit sa likod nito.

Nakakaloka! Akala ko patay na ako at nasa langit na!

Lily's POV.

Kanina pa ako nag-aalala kay Casper kahit sinabi pa ng doktor na ok na sya at hindi naman malala ang sugat nya. Hindi padin kasi sya nagigising hanggang ngayon.

"Ano naman yang ginagawa mo dyan sa kusina?" Tanong sa akin ni Belle na sobrang lakas nanaman ng boses. Kasama niya si Trevor na may nakabusal na mansanas sa bibig. Tss gagawin ko talaga tong letson pag hindi pa nagising si Casper.

"Nagluluto. Para may mainit na makain yung bakla pagkagising niya." Sabi ko at pinagpatuloy ang paghalo sa karneng niluluto ko.

"Marunong ka pala magluto?" Tanong ni Trevor sa akin kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Gusto mo ikaw sunod na pakulan ko?" Tumawa naman si Belle at lumapit sa akin.

"Patikim nga." Sabi niya at kinuha sa akin ang sandok at kumuha ng kaunting sabaw galing sa niluluto ko.

Pinagmasdan ko siya simula sa pag-ihip niya sa laman ng sandok, pagtikim niya ng sabaw, hanggang sa pagluwa niya noon at paghugas ng dila sa lababo.

"Grabe ka sa akin ah? Ang harsh mo." Nagtatampong sabi ko kay Belle na masuka-suka na ngayon.

Be Mine (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon