Kabanata 18

270 11 3
                                    

[ LEVELING PART 1 ]

NAKARATING na kami sa section ko subalit humiwalay sila Charmaine at Daisy dahil sa Section Beta sila at ang kasama ko ay si Zion na kanina pa ako naiirita dahil sa tilian ng mga babae.

"Argghhh! can you all SHUT THE FUCK UP!" inis na sigaw ko sa kanila dahil sa subrang irita

"Ang ingay nyo, ngayon lang ba kayo nakakita ng gwapo ha?" masama ko silang pinagtitingnan

Napagitla ang iba samantalang napatayo ang iba at inis na tumingin sa akin habang di maipinta ang postura

"Ano bang pakialam mo ha? nag seselos ka ata eh"

"Oo nga ano bang paki mo ha?"

Mataray na sagot ng isa sa kaklase ko na nag cross arm pa at saka umirap

"ha! wag mo akong tatarayan at baka sunugin ko ang pag mumukha mo." walang emosyon kong ganti sa kanya

Panandaliang namutla sya sa sinabi ko pero binawi nya iyon at may hinagis na kung ano sa akin na agad kong naiwasan

"Shit!" inis kong sambit bago tiningnan ang hinagis nya sa akin at isa itong kulay itim karayom

Tinapat ko sa harap nya ang aking palad at pinatamaan ko sya ng apoy na ikinatilapon nya

"Masakit? paano kaya kung tinamaan ako ng karayon mo.... mambabarang." namutla sya sa sinabi ko at tumingin sa may pinto

"Iris! what happened anong gulo ito? sabay kaming napatingin sa pumasok sila Meisha at ang mga Royalties

Anong ginagawa ng mga ito dito

"Anong nangyayari dito?" tanong ni Deshna at tumingin sa akin bago sa babaeng nakahawak sa kanyang balikat na tinamaan ko tch pa victim

Patakbong lumapit ang babae sa mga Prinsesa at lumuhod habang tangan ang braso na may paso tch! deserve

"Mahal na prinsesa, siya po! siya ang nanguna nagkakasiyahan lamang kami nila Lira." napairap ako at pinagpag ang aking palad at tumingin sa kanila na masamang nakatingin na sa akin

"What?" mataray kong naging tanong at pabagsak na naupo si Meisha ay parang nagulat pa sa inasta ko

"Iris? hindi ko alam na ganyan ka pala... may ugali ka palang hindi ka ayaaya. nagsisisi akong naging kaibigan kapa namin. katulad karin pala nila." dismayadong turan ni Meisha at tinalikuran ako sumunod din sila Deshna, Winter at Ayesha.

Ang sakit na marinig ang salitang iyon sa mismong kaibigan mo na hindi na iba sa'yo

"Nagpunta lamang kami dito para sabihin na pinapatawag ang lahat na magtipon- tipon sa pangunahing Gymnasium para sa gaganaping Leveling." mahabang lintanya ni Prince Light

Bago ito umalis ay tumingin muna ito sa akin at tumango saka naglakad na paalis sumunod din sila Prince Wade at ang kapatid ko si A-Airon na hindi manlang ako tinapunan ng tingin

Balak ko sanang lapitan sya pero hindi ko ginawa. hindi pwede may tamang panahon para magkasama tayong muli... aking kapatid.

"Tara na?" pag aya sa akin ni Zion na sinamaan ko ng tingin siya naman ay napakamot

"Umalis ka sa harap kong panganib ka at baka di ako makapagpigil mapatay kita." singhal ko sa kanya at padabog na naglakad

Kainis bakit ba kasi nandito ang lalaking yan tch!

Habang naglalakad ako ay may humawak sa magkabila kong braso at nang lingunin ko ito ay sila Daisy at Charmaine pala

"Okay kalang? nabalitaan namin yong nangyari sayo kanina between your bitch classmate Kemiah" nag aalalang tanong ni Daisy na nasa may kanan ko

"I'm fine, okay lang ako hindi nya ako masasaktan dahil sya ang nasaktan..."

Tumigil ako sa paglalakad at humarap sa kanilang dalwa, tumingin muna ako sa paligid bago tumingin sa kanila na may nagtatakang itsura

"Bakit Iris? may problema ba?"

Hindi ko alam, pero may pakiramdam ako na may hindi magandang mangyayari ngayon at kailangan nating mag ingat

Sambit ko sa kanila sa pamamagitan ng telepathy at nagkatinginan naman kami.

"We don't know how to use telepathy Iris." ngumiti ako kay Daisy

"It's fine, babasahin ko lang ang isip nyo." ngumiti sila, naglakad na kami pero nag uusap parin kami sa isip at ako naman ay binabasa ko sila

"You mean... may magaganap na hindi natin inaasahan ngayon?" Daisy

"Yes at kailangan nating maging alerto at maaaring kagagawan ito ng Dark king dahil mga ilang oras lamang ay paparito na ang mga hari at reyna ng malalakas na kaharian kaya maging handa tayo" kausap ko sa kanila na sabay nilang ikinatango

"Sa ngayon kailangan nating parehas manalo at kung may isang matatalo kailangan natin agad siyang daluhan... at kung ako ang matalo ilayo nyo ako dito." seryoso kong sambit na nakapagpatigil sa kanila sa paglalakad

"Pero Iris--"

"Don't worry Charmaine Daisy alam ko ang ginagawa ko basta sundin nyo nalang." naguguluhan man ay umayon din sila sa akin

Pumasok kami sa Gym at halos nandito na lahat naupo kami sa pinakahuling upuan malapit sa pinto ng Gym

Tumingin ako sa unahan at nandun ang mga Prinsipe at Prinsesa nakaupo sa may stage at nasa harapan nila ang isang malaking Arena na paglalaban ng kalahok.

"Excited na ako sana ay mapunta ako sa section Alpha or kaya sa Beta"

"Nag practice na tayo diba tiwala lang gurl '

"I know gurl gagalingan ko"

Hindi ko na pinakinggan ang pinag uusapan nila at tumingin nalang sa unahan

Pumasok si Dean alchimon at nasa likod nya ang mga hari at reyna habang sa paligid ng Gym ay may mga Royal Guard ng palasyo

"STUDENTS, PRINCES AND PRINCESSES LET'S WELCOME OUR KING AND QUEEN'S PLEASE GIVE THEM A LOUD OF APPLAUSE" isang nakakabinging palakpak ang umingay sa buong Gym

Tumingin ako sa hari at reyna na lumapit kay Airon at yumakap napahawak ako sa dibdib ko ng tumibok ito

Hawak ang dibdib ay muli kung pinagmasdan ang hari at reyna kasama ang aking kapatid

Prinsesa sila ang iyong ama at ina... si Reyna Acxia at Haring Deluxe

Sila pala ang tunay kong magulang ang ganda ng aking ina at ang gwapo ng aking ama

Kuhang kuha ko ang buhok ng reyna samantalang ang kulay ng aking mata ay nakuha ko sa aking ama

I'm craving for their tight hugs but..... hindi pwede

"Hey Iris okay ka lang? bakit ka umiiyak?" pinahid ko ang aking luha at tumingin kila Daisy at Charmaine na may nagtatakang itsura

Ngumiti ako sa kanila at umiling

"Wala ito, namiss ko lamang ang aking Mommy." i just smiled sila naman ay niyakap ako

"Don't worry ipapakilala ka namin sa Mommy at Daddy namin pagnagkaroon ng sembreak" tanging pag tango at pagngiti na lamamg ang naging sagot ko

Sana lamang talaga ay magtagumpay ako sa labang kakaharapin ko.

𝐏𝐥𝐞𝐚𝐬𝐞 𝐝𝐨𝐧’𝐭 𝐟𝐨𝐫𝐠𝐞𝐭 𝐭𝐨 𝐯𝐨𝐭𝐞 𝐚𝐧𝐝 𝐥𝐞𝐚𝐯𝐞 𝐚 𝐜𝐨𝐦𝐦𝐞𝐧𝐭𝐬 𝐭𝐡𝐚𝐧𝐤 𝐲𝐨𝐮 𝐌𝐚𝐫𝐫𝐢𝐞𝐬.

Enchanted Academy :The Princess Where stories live. Discover now