Kabanata 19

216 17 0
                                    

Sa isang laban ay hindi mahalaga ang lakas at kapangyarihan kundi ang talino ng isang nakikipaglaban.

Para saan ang lakas at iyong kapangyarihan kung kaya kang malansi ng iyong kalaban.

Sometimes being smart is more than powerful than your powers.

Kahit malakas kapa kung ang iyong katunggali ay talino ang pinairal, walang wala ka parin.

HANDA KANA BA?
DAHIL HANDA NA SILA.

KAPANGYARIHAN LABAN SA TALINO ANO ANG MANANAIG.

ANG KALABANG HINIHINTAY LAMANG ANG IYONG PAGSUKO BAGO KUMILOS AT WAKASAN ANG IYONG BUHAY O IKAW NA HINDI LANG LAKAS AT KAPANGYARIHAN ANG KAKAYAN KUNDI ANG IYONG TALINO SA PAG LANSI SA KALABAN.









THIRD PERSON POV

LAHAT ng mga hari at reyna ng mga kaharian ay dumalo. lalo na ang pinakamalakas na kaharian sa buong Enchanted Realm.

Naroon din si Reyna Felicity ang ina ni Prince Phoenix maging ang Hari na si Haring Fiero ay naroon din at nakahawak sa bisig nya ang Reyna.

Ang Reyna naman ng Palace Land na ina nang magkapatid nasi Princess Meisha at Princess Deshna ay naroon din.

Dumating din ang ina at ama ni Prince Wade at Prince Light na may ngiti sa labi at niyakap ang kani-kanilang mga anak.

Isa rin sa inaasahang dadalo ay ang Hari at Reyna ng pinakamalakas na kaharian, Ang Air Palace na sa pangunguna ni King Deluxe at Queen Axcia ay sabay- sabay na nagsiyukuan ang lahat ng naroon tanda ng pag galang. samantalang ang mga Reyna ay nag besuhan at ang mga hari ay nagbigay ng pag galang sa bawat isa.

Naupo ang mga Hari at Reyna sa nakahandang upuan na nababalutan ng ginto na ihinanda para sa kanila.

"Maaaring nagagalak kayo dahil dumalo ang mga Hari at Reyna... pero akin ng puputulin ang kagalakang iyon sapagkat ilang minuto na lang ay magsisimula na ang labanan!"

sigaw ni Dean Alchimon na umingay naman dahil sa malakas na sigawan ng mga naroroon.

Samantalang ang dalagang si Iris ang Prinsesang nakasaad sa propesiya ay palihim na nagmamasid sa paligid dahil isang itim na enerhiya ang kanyang nababatid na papalapit sa kung saan naroon sila.

"Tinatawagan ko ang mga Guro ng lahat ng bawat seksyon na pumunta dito sa harap---"

hindi na natapos pang sabihin ni Dean Alchimon ang kanyang balak sabihin ng walang ano-ano ay tumalbog ang mga kawal na nakabantay sa pintuan ng Gymnasium.

Nagtayuan ang mga Hari at Reyna maging ang lahat dahil sa gulat ng makita ang Hari ng Underworld na pumasok.

"Sinasabi kuna na... siya ang enerhiyang yon."

mahinang bulong ng dalagang si Iris

"Anong ginagawa ng isang masamang Hari dito sa loob ng Teritoryo ng mga Reyna?"

matapang na tanong ng isang Guro na nakahanda ang kamay sa ano mang gagawin ng Hari

"Masama bang dumalaw ako sa Akademyamg itinatag ng kapatid ko? ikinagagalak kong makadalo sa labanang magaganap dito aking Kapatid na Deluxe."

nakangising sagot nito at sa isang napakabilis na galaw ay nagawa nyang patumbahin ang Guro na nawalan ng malay.

"Huwag kang magulo dito. umalis kana."

maawtoridad na utos ng Haring si King Deluxe sa kanyang bunsong kapatid na nabalot ng inggit at galit sa kanyang Kuya nasi King Deluxe.

"HAHAHA Kuya aking kapatid na Hari bakit tila hindi ka natutuwang naririto ako sa iyong harapan. hindi ka natutuwang ako'y dumalaw."

Enchanted Academy :The Princess Where stories live. Discover now