Chapter 1

64 1 0
                                    


Nakaupo at kumakain lang ako pero ramdam ko yung mabigat na presensiya at tingin ni Dad mula sa dulo ng mesa. Katabi ko si Cher at parehong kumakain para makapag ready na akong pumasok. High schooler pa lang ako habang nasa fifth grade 'tong cute kong kapatid. Natigilan kaming pareho nang padabog na ilapag ni Dad yung kutsara't tinidor niya dahilan para mapatingin kami sa direksyon niya.


Here we go again.

As usual, galit siyang nakatingin sa'kin dahil na naman sa mga kabulastugan ko. He should be blaming himself dahil wala siyang kwenta.


"This is your last chance, Benedict. I have already warned you so many times. Stop ruining the reputation of Fuego's." mariin niyang tono pero hindi ko siya pinansin at tumayo na kahit hindi pa ako tapos kumain.

I lost my fucking appetite.

Ginulo ko ang buhok ng cute kong kapatid. Kung hindi dahil kay Cher baka matagal na akong umalis sa puder niya.


"Bye, sis. Behave yourself at your school, okay?" nakangiting sabi ko sabay halik sa pisngi niyang pulang pula. 


Ngumiti siya na parang manika kaya gumaan yung pakiramdam ko. Tumango siya at yumakap sa bewang ko kaya hinimas ko lang yung malambot niyang buhok.

"Yes, aniki!" hinalikan ko lang siya ulit sa ulo niya bago naglakad paalis.

Aniki means big brother, may lahi kaming japanese, kaya may private tutor kaming pareho sa lenggwaheng 'yon. Hindi na 'ko nagdala ng bag since hindi naman ako papasok. Kikitain ko lang yung gf ko para makipag break sa kan'ya. Well, she's not totally my girlfriend. I never treated her as my girl or whatsoever. Pampalipas oras ko lang siya.



I just got in the car and rested my chin on my palm to look out of the window. After a few moments, we quickly arrived at my school, so I got out. Nakapamulsa akong naglakad habang natatanaw ko yung mga tropa kong nakaupo at nagyo-yosi. Mga gago talaga, kapag nahuli sila ewan ko na lang.


"Tite!" rinding sigaw ni Alfred nang matanaw ako habang kumakaway pa.


Nang makalapit ako ay pwersa ko siyang hinawakan at pinayuko para tuhugin yung tiyan niya. Dumadaing siya habang pinapalo yung likod ko para mag-surrender. Binitawan ko na siya tapos binatukan, ang gago eh.




"Tanginamo talaga." tawa niya. "Totoo namang tite kase Dic ang name mo." natatawang sambit niya kaya binatukan ko nga ulit. Hindi naman ako pikon, biruan lang talaga namin yung ganitong sakitan at asaran.



Nakipag apir at nakipag sanggan lang ako ng dibdib sa iba pa naming kasama. Habang naglalakad kaming sabay, biglang may sumigaw na babae.


"Bene! Mahal!" matinis na sigaw ni Gigi, yung ka-fling ko.


Nagsimula tuloy akong kanchawan at asarin ng mga tropa ko. Kaasar siya.




"Uyyy, mahal raw oh?" kanching ni Brandy.



Sinamaan ko sila ng tingin pero nagtawanan pa rin sila kaya inunahan ko na silang maglakad para makalapit kay Gigi na nakangiting sumalubong sa'kin.



Maganda si Gigi, sexy rin pero may pagka nerd. Naging extrovert lang siya simula nung diniskartehan ko siya. Na-curious lang kasi ako makipag fling sa mga mahiyain kaya sinubukan ko siya ng isang buwan. Siya na nga ang pinaka matagal dahil karamihan ng mga ka-flingmates ko, days or weeks lang ang tinagal.

Masaya siyang yumakap sa'kin habang nakapamulsa 'ko. Nagustuhan ko rin sa kan'ya yung pagiging mabango niya, kaamoy niya kasi yung kapatid ko. Parang bulaklak na nakaka relax sa ilong yung amoy.

Vous avez atteint le dernier des chapitres publiés.

⏰ Dernière mise à jour : 3 days ago ⏰

Ajoutez cette histoire à votre Bibliothèque pour être informé des nouveaux chapitres !

His Desirable MistakesOù les histoires vivent. Découvrez maintenant