Chapter 12

21 0 0
                                    

Chapter 12

Kanina, pag gising ko, ang weird ng pakiramdam ko. Parang may kakaibang vibe sa hangin, pero di ko alam kung ano 'yun. Basta, ang alam ko lang, may mangyayaring kakaiba ngayong araw.

Pagdating sa school, hindi ko mapigilan ang kaba ko. Parang may big surprise na naghihintay sa akin, pero wala akong idea kung ano 'yun eh. Assumera akong tao, feel ko lang may ganap sa buhay ko ngayong araw.

Sa loob ng classroom, feeling ko may humihimas sa likod ko. Pero pag lingon ko, walang tao. OA lang talaga ako 'no?

Sa break time, nag-decide akong magpahinga sa rooftop. Ang ganda ng view dito, nakakarelax.

Habang nagmumuni-muni ako, biglang may lumapit sa akin. Paglingon ko, si Ethan! Anong ginagawa niya rito?

"Hey, Sophie. Can we talk?" sabi niya, may kakaibang tono sa boses niya.

Nagulat ako pero pumayag akong makipag-usap. Baka may importante siyang sasabihin sa akin, pero may kaba pa rin sa akin na baka may makakita sa amin rito. Ma-issue pa ako, 'di ba? Nag iingat lang.

"Look, I know I messed up before. Pero gusto ko sanang magkaron ng closure between us," seryosong sabi niya.

Nagulat ako sa sinabi niya. Closure? Ano ba ibig niyang sabihin?

"Ano bang closure 'yan?" tanong ko, trying to keep it cool.

"Closure, yung parang last chapter sa book natin. Kailangan natin i-acknowledge yung past natin para makapag-move forward tayo," explain niya, alam ko 'yon ano ba tingin niya sa akin tanga? what I mean is anong ibig sabihin niyang closure? okay naman na ako kahit walang closure, sus.

"Okay, Ethan. Closure. Let's do this," sagot ko, um-oo na lang ako. Mahirap pa naman makipag talo sa kaniya.

Nagsimula kaming mag-usap tungkol sa lahat ng nangyari sa amin. Tinanong ko siya kung bakit niya ginawa 'yun dati, at sinabi niya ang kanyang side of the story.

"I'm very sorry, Sophie. Hindi ko alam kung paano kita nasaktan noon. Pero ngayon, gusto ko lang malaman mo na nagbago na ako," sabi ni Ethan, may sincere na ngiti sa kanyang mga labi. Hindi ko alam? Nasa tamang pag iisip naman siya nun, edi wow.

Ngumiti na lang ako. Nag sorry lang siya for his own good, at isa pa I doubt about his reasons. Did he just hurt me for him to make his mother happy? I know it's his mother... but I am his partner.

Pero kahit papaano pagkatapos ng usapan namin, may konting bigat naman na natanggal sa dibdib ko. Pero tama pa rin siya, closure nga ang kailangan namin para makapagpatuloy kami pareho.

Pauwi na ako at pakiramdam ko ang gaan ng pakiramdam ko kahit papaano. Parang may bago akong simula na naghihintay sa 'kin.

At sa pagdating sa bahay, may nakita akong sulat na naka-address sa akin. Hindi ko alam kung kanino galing, pero pagbukas ko, nagulat ako sa laman.

"Dear Sophie, I hope you're ready for the biggest plot twist of your life. Meet me at our special place tomorrow.

- A friend."

Naguluhan ako, sino kaya ang nagpadala nito at ano ang ibig sabihin ng biggest plot twist? Na-excite ako, hindi ko naman alam bakit. A friend? Si Aiden ba 'to? Emily and Lily have no idea about my problems. At isa pa, ba't ako dadalhan ng flower ng mga babaita? O baka si Aiden talaga?

Pero sa kabila ng excitement, may kirot akong nararamdaman sa dibdib ko. Hindi ko alam kung bakit, pero parang may kulang.

The following day, pumunta muna ako ng maaga sa pinupuntahan namin nila Lily at Emi to make it sure kung sila ba 'yon. I know this is a special place to us. Pero wala sila roon, I've waited for three hours. Nagsayang pa ako ng pawis, hay nako! Ano na naman kaya ang iniisip ni Aiden? Alam ko siya may pakana nito.

Love in the HallsWhere stories live. Discover now