Chapter 13

55 0 0
                                    

Chapter 13

Kanina, pag-gising ko, parang may bagong simula na naman. Bumangon ako at nag-ayos para sa school, feeling refreshed and ready for the day.

Pagdating ko sa school, sinalubong ako nila Emily at Lily. Mukhang may bago na namang chika ang mga 'to.

"Sophie! May bagong student sa class natin," bungad ni Emily, excited na excited.

"Talaga? Sana pogi!" sabi ko, pabiro. Nagtawanan kami habang papasok sa classroom.

Sa loob ng classroom, nakita ko nga ang bagong student. Isang tall, dark, and handsome guy na mukhang mysterious.

"Class, meet our new student, Adrian. Let's make him feel welcome," sabi ni Mr. Rodriguez.

Nagkaroon ng murmur sa buong class, curious lahat tungkol kay Adrian. Napansin ko na parang nakatingin siya sa akin, pero agad siyang umiwas ng tingin nang magtama ang mga mata namin. Interesting, I thought.

During lunch break, nagpunta kami sa rooftop. Ang ganda talaga ng view dito, nakakarelax. Pero parang may something off sa araw na 'to.

"Hey, Sophie. Can we talk?" biglang tanong ni Aiden, mukhang may iniisip.

"Sure, Aiden. Ano 'yun?" tanong ko, trying to keep it casual.

"About the notes... I hope okay lang na ginawa ko 'yun. Gusto ko lang talaga makatulong," sabi niya, medyo nag-aalangan.

"Okay lang, Aiden. Actually, nakatulong nga. Thank you," sabi ko, sabay ngiti. Napansin ko na parang may relief sa mukha niya.

After lunch, bumalik kami sa classroom. Nagulat ako nang makita si Adrian na nakaupo sa tabi ko.

"Hi, Sophie," bati niya, mukhang seryoso.

"Hi, Adrian. Kamusta?" sagot ko, trying to be friendly.

"Okay naman. Ikaw?" sabi niya, may sincerity sa boses niya.

"I'm fine, Adrian." sagot ko, sabay ngiti.

Pagtapos ng klase, nag-decide akong mag-stay sa library para magbasa. Gusto ko munang mapag-isa at mag-muni-muni. Habang nagbabasa ako, naramdaman kong may umupo sa tabi ko.

"Hey," sabi ng pamilyar na boses.

Pagtingin ko, si Aiden pala.

"Hi, Aiden. Bakit nandito ka?" tanong ko, curious.

"Wala lang. Gusto lang kitang makausap," sabi niya, mukhang may iniisip.

"Sige, ano 'yun?" tanong ko.

"Naalala mo ba yung sinabi mo kanina? Na nakatulong ako?" tanong niya, medyo nag-aalangan.

"Oo naman, Aiden. Bakit?" sagot ko.

"Just wanted to make sure na totoo 'yun. Kasi gusto ko talaga maging part ng support system mo," sabi niya, mukhang seryoso.

Napangiti ako. "Totoo 'yun, baliw ka talaga. Ano tingin mo nag jojoke ako? Really, thank you talaga. It helps me so much,"

"Good to know. By the way, may plano ka ba mamaya?" tanong niya.

"Wala naman. Bakit?" sagot ko.

"May gusto lang akong ipakita sa 'yo," sabi niya, may excitement sa boses.

Nag-decide kaming magpunta sa isang coffee shop malapit sa school. Habang naglalakad kami, nagkwentuhan kami tungkol sa mga plano namin after graduation of Senior High School. Nakakatuwang malaman na ang dami naming similarities ni Aiden.

Sa coffee shop, binigyan niya ako ng isang maliit na kahon. Pagbukas ko, may nakita akong necklace na may maliit na pendant.

"Gusto ko lang magpasalamat sa 'yo for being a good friend," sabi niya, sabay ngiti.

Love in the HallsWhere stories live. Discover now