Chapter 14

41 0 0
                                    

Chapter 14

Pagkagising ko, naisip ko agad yung nangyari kahapon. Ang saya talaga ng picnic namin ni Aiden. Parang lahat ng worries ko nawala kahit sandali lang. Pero I know that I need to face my issues, lalo na yung kay Ethan.

In school, everything seemed normal. Pero sa loob-loob ko, nag-iisip ako kung ano na naman kayang eksena ang mangyayari today. Nang makita ko sina Emily at Lily, napangiti ako. At least, with them, everything feels a bit more manageable.

"Huy, Sophie! Mukhang blooming ah," biro ni Lily habang nakangiti.

"Grabe ka, Lily. Hindi naman," sagot ko sabay tawa. "Siguro dahil lang sa picnic namin ni Aiden kahapon."

"Talaga? Nag-picnic kayo? Ang sweet naman," sabi ni Emily, tila kinikilig pa.

"Oo nga eh. Ang effort niya, sobra. Pero, ewan ko ba, parang may kulang pa rin. Alam mo 'yun?" tanong ko sa kanila, hoping they’d understand what I was feeling.

"Baka naman kasi hindi pa talaga time para sa love life," sabi ni Lily. "Focus muna tayo sa goals natin."

"Tama. Besides, if it's meant to be, darating din 'yan," dagdag ni Emily.

Natahimik ako saglit, pero na-appreciate ko 'yung mga sinabi nila. Siguro nga, kailangan ko munang unahin yung sarili ko at 'yung mga pangarap ko especially myself.

During lunch, biglang lumapit si Ethan. Mukha siyang seryoso at parang may gustong sabihin.

"Hi, Sophie. Can we talk?" tanong niya, halatang kinakabahan. Medyo naiirita na ako sa lalaking 'to, panay kasi aya ng usap tapos same topic pa ulit.

"Sure, Ethan. Ano 'yun?" sagot ko, trying to stay calm.

"About yesterday... Gusto ko lang ulit mag-sorry. Alam kong nasaktan kita noon, and I regret it every day," sabi niya, tila nagpipigil ng emosyon.

"Ethan, I appreciate the apology. Pero alam mo, kailangan ko ring mag-move on. Hindi na ako pwede mag-dwell sa past," sabi ko, hoping he’d understand. Kasi paulit ulit na lang siya hingi nang hingi ng sorry.

"I get that, Sophie. Gusto ko lang malaman mo na nagbago na ako, and I still care about you," sabi niya, eyes full of sincerity.

Nagulat ako sa sinabi niya, pero hindi ko rin mapigilan ang kirot sa puso ko. Hindi madali kalimutan lahat ng sakit na dinulot niya noon sa 'kin. Kapag patuloy pa rin siya lapit nang lapit sa akin, mahihirapan ako lalo mag move forward. The pain he caused in me is still here, hindi madali mag heal. Hindi 'yun physical na sugat lang.

"Ethan, it's not that simple. Mahirap mag-move on kung may unresolved feelings pa," sabi ko, trying to hold back my emotions.

"I understand, Sophie. Gusto ko lang malaman mo na nandito lang ako, waiting," sabi niya bago siya umalis.

Naiwan akong nag-iisip. Ang gulo ng lahat, pero isang bagay ang sigurado ako: kailangan ko munang alagaan ang sarili ko bago ako mag-decide sa mga bagay-bagay.

Pagkatapos ng klase, nag-text si Aiden.

From: Aiden
Hey, Sophie. How's your day so far? Care to join me for coffee later?

Tanong niya sa text.

Napangiti ako. Minsan talaga, si Aiden ang bright spot sa araw ko.

To: Aiden
Sure, Aiden. See you later!

Sagot ko sa text niya.

Pagdating ng hapon, nakipagkita ako kay Aiden sa favorite coffee shop namin. Parang alam niya talaga kung paano ako pasayahin. When I saw him, he had two big cups of iced coffee and a big smile.

Love in the HallsWhere stories live. Discover now