CHAPTER 14

441 15 1
                                    

"Anak, alam mo namang susuportahan talaga kita sa kahit anong gusto mo."

Narito ako at nakaupo, habang kinakausap ang anak ko. Nakalinya na ulit siya sa harapan at hawak hawak ko ang kamay niya.

"Mama, alam ko po! Pero alam ko pong kapos po tayo sa pera. Alam ko pong gagawin niyo ang lahat, 'pag sinabi kong gusto kong sumali sa event na 'to. Sabi naman ni teacher, hihiraman niya naman ako ng damit ng anak niya. Look po, ang ganda oh!" Magiliw niyang sabi at umikot sa harapan ko.

Napabuntong hininga naman ako ng malalim. "Pero bakit hindi mo pa rin sinabi sa akin?" Mahina kong tanong

Tumigil siya at mahigpit na niyakap ang mga paa ko. Tumingin siya sa mukha ko at ngumiti ng matamis. "Kasi alam ko pong mag-iisip pa kayo, kung ano'ng pwede idagdag! Eh, Mama, marami na po kayong iniisip at trinatabaho! Ayaw ko pong dagdagan iyon. Ang gusto ko lang po ay nandito kayo. Sapat na sapat na iyon, Mama!" Sinasabi niya iyon, habang malaki ang ngiti at nagniningning ang mga mata.

Parang sasabog ang puso ko...sa sobrang saya. Punong puno ng saya ang puso ko. Punong puno ito sa mga salita ng anak ko.

Agad ko siyang binuhat at niyakap ng mahigpit.
Napakabata niya pa. Napakabata, per kung maglita ay parang ka edad ko na siya.

Ni kailanman ay wala akong pakealam sa trabaho o anuman 'pag dating sa anak ko. Anak ko ang unang kasiyahan at prayoridad ko. Ang lahat ay ipangalawa at huli na. Anak ko lang ang una, wala ng iba pa.

Gusto kong magdrama at sabihin ang lahat sabihin. Pero naririto kasi ang mga studyante at teacher niya. Mamaya nalang. Magdradrama ako sa anak ko.

"Mahal na mahal kita, Sabrina.." bulong ko at hinalikan ang pisngi niya. Ibinalik ko na siya sa linya na.

Tumingin naman siya sa akin at ngumiti. "Mahal na mahal din kita, Mama!" Sigaw niya at napatingin naman sa amin ang teacher niya.
Ngumiti ako pabalik, nang ngumit sa akin ang teacher niya.

Gustuhin ko man itakbo ang anak ko, dahil natatakot ako sa ama niya. Pero ayokong biguin siya. Pinaghandaan niya ang lahat ng ito. Ayaw kong masira ang pinaghirapan ng anak ko.
Titignan at susuportahan ko ang lahat ng pinaghirapan niya.

"Candidate number 2!"

"Alaga ko 'yan!"

"Anak ko 'yan!"

Parehas kaming malakas napasigaw at napatalon ni Sylvia. Nanalo lang naman ang anak ko!

Wala kaming pakealam kung oa na kami rito ni Sylvia.

Mas lalo kaming napasigaw ni Sylvia, nang rumampa ang anak ko. Rumarmpa siya, habang pinapaypayan ang sarili.

Nang matapos sumigaw ay ngiting ngiti kong tinitignan ang anak ko. Nakangiti siya at nakamasid ang mga mata sa audiences.

Hanggang sa nagtagpo ang mga mata namin. Mas lumaki ang ngiti niya at pasimpleng kinaway saakin ang paypay niya.

Tumango ako at kumaway.

Pero napawi ang ngiti ko, nang mapansin na...may tila madilim na nakatitig sa akin.

Nahigit ko ang hininga ko. Nakatingin lang naman ng sobrang lalim ang dalawang pares ng kayumangging mga mata. Mga mata na sinasabi ko palagi sa sarili ko na

Sobrang ganda.

Sobrang ganda ng mga mata niya na..iyon ang unang nagustuhan ko sa kan'ya.

Lalo na 'pag sisingkit ito, 'pag titig sa akin.

Kinamumuhian ko siya. Pero hindi ko magawang kamuhian ang mga mata niya.

Napalunok ako.

Kitang kita ko, kung paanong sumingkit ang mga mata niya. Sumandal siya at pinagkrus ang mga binti niya at isinandal ang ulo sa pader.

MY BOSS IS MY EX-FIANCÉWhere stories live. Discover now