Chapter Twenty Seven: Maxwell

8 0 0
                                    


NAKARATING KAMI SA Room 345 habang buhat-buhat niya parin ako hanggang sa makapasok kami sa loob, imbes na ibaba lang ako ay pina-upo niya ako sa isang malambot na sofa, infairness gentleman naman pala itong si Gurang.

Nagulat naman ako nang bigla siyang lumuhod sa harapan ko, akala ko kung ano na ang gagawin niya yun pala ay tatanggalin lang ang sandals na suot ko.

"Teka, anong ginagawa mo?"  Taka kong tanong sakanya nang hawakan niya bigla ang paa ko at hinaplos-haplos pa, baliw ba siya?

"You have abscess on your both feet, does it hurt?"   Bigla akong napadaing nang bigla niyang diinan ang hawak sa maga kong paa

"Aray naman Gurang! Malamang masakit ang  paltos!"  Reklamo ko sakanya, mabilis niya namang binitawan ang binti ko

"I'm sorry. Hintayin mo ako dito, I will get something to treat your feet"  Paalam niya at umalis na sa harapan ko, napatingin nalang ako sa paa ko. Sabi ko na nga ba at magkakasugat ako dahil sa sandals na yun.

Maya-maya lang ay dumating na siya dala-dala ang first aid kit. Muli siyang lumuhod sa harap ko at may kinuhang alcohol at bulak, nilagyan niya ng alcohol ang bulak at itinapat ito sa paa ko

"ARAY! Dahan-dahan naman!"  Reklamo ko nang dumikit ang bulak sa sugat ko

"Tsk."

Muli akong napadaing nang muli niyang idikit ang bulak sa sugat ko, sinamaan niya ako ng tingin at sinabing huwag daw akong masyadong maingay dahil nasisira na daw eardrums niya. Kahit masakit ang pang-iiwan niya—Este bawat pagdikit ng bulak sa sugat ko ay tiniis ko lang at baka magreklamo nanaman si gurang kapag sumigaw ako.

"AHH! MANYAK!"   Sigaw ko at pinaghahampas siya ng unan.

Pano ba naman eh tinaas ang dress ko kung saan walang slit, manyak talaga! Hindi na nakuntento sa isa kong legs na exposed sa harapan niya at gusto pa yung isa!

"Damn! Stop it!"   Sigaw niya habang sinasalag ang unan na hinahampas ko sakanya

"Manyak ka! Manyak! Manyak! Ipapa-salvage kita!"   Sigaw ko sakanya at panay parin ang paghampas sakanya

Napatigil ako nang mahuli niya ang kamay ko, pilit ko itong binabawi pero mahigpit ang pagkakahawak niya

"Listen to me little les"  Sinamaan ko siya ng tingin at hindi na pumalag

"I won't go to crenel you, I just wanted to see your knee, your wound there. I'm sorry, I should ask you first before doing that"   Paliwanag niya sabay iwas ng tingin, napasimangot naman ako

"Sigurado kang yun talaga ang dahilan mo?"  May suspetsang tanong ko at pinaningkitan ko pa siya ng mata, mabilis naman siyang tumango-tango

"Akala ko nambubuso kana eh"  Sabi ko at hinila na ang kamay mula sa pagkakahawak niya, nilagay ko rin ang unan sa ibabaw ng hita ko at ako na mismo ang nagtaas ng laylayan ng dress hanggang sa tuhod ko kung nasaan ang sugat

"Oh, tignan mo na"  Saad ko sakanya nang mapansin na sa ibang direksyon nakatuon ang tingin niya, dahan-dahan naman siyang bumaling saakin.

Tumikhim muna siya bago simulang alisin ang band-aid na nakalagay sa sugat ko, hindi na ito gaanong kalala pero namamaga parin ang palibot ng sugat.

"Does it still hurts?"  Tanong niya habang tinitingnan ang sugat

"Hindi naman gaano, depende nalang kung hahawakan"  Sagot ko, tumango naman siya at muling kumuha ng bulak at nilagyan ng alcohol

"Nanaman? Dahan-dahanin mo ah, umayos ka"  Pagbabanta ko sakanya kaya mahina naman siyang napatawa.

Napangiwi nanaman ako nang makaramdam ng hapdi sa bawat dampi ng bulak sa sugat ko, nilagay ko ang dalawang palad saaking bibig upang mapigilang mapatili, sinamaan ko naman ng tingin si gurang na mukhang enjoy na enjoy pang makita ang reaksyon ko

That Provincial Lesbian!Where stories live. Discover now