Chapter 4

14 4 4
                                    

Ginising ako ni Ma'am Lindsay para isama sa mall, hindi ko alam kung ano ʼyon pero mukhang maganda don. Hindi ko alam kung anong gagawin niya sa mall at isasama pa ako, pero wala naman akong choice kundi samahan siya. 

“Maria, girl. Let's go. Hawakan mo nga itong bag ko masisira kasi ang nails ko e.” sabi ni Lindsay at pinabuhat sa akin ang bag niya. Kinuha ko iyon at binitbit. 

Pagpasok namin sa sasakyan niya agad ako nakaramdam ng pagkahilo dahil sa amoy ng sasakyan. Amoy pabango at malamig pa, nakatapat kasi ang aircon sa akin. 

“Maria, girl. Hindi mo ba alam ang mall?” tanong ni Lindsay sa akin. Agad akong umiling sa kanya. 

Mabilis lang ang naging byahe namin. Hindi ko na din kasi kinakaya ang amoy ng sasakyan ni Ma'am Lindsay, matapang kasi ang amoy at hindi ako sanay. 

Maraming tao sa mall kuno, maganda dito at malawak. Ngayon lang ako nakapunta dito, at masasabi kong maganda siya. 

“Hawakan mo nga, Maria girl.” sabi ni Lindsay at inabot sa akin ang sandamakmak na pinamili niya. “..isa pa.” sabi niya sa akin at inabot pa ang isa. Halos hindi na kaya ng dalawang kamay ko hawakan ang mga pinamili niya. 

Pumunta kami ni Ma'am Lindsay sa bilihan ng mga magagandang bestida. Aba, parang ikakasal ka kapag suot mo iyong white na dress na nasa dulo. 

“Gusto mo ba ʼyon, Maria girl?” tanong sa akin ni Lindsay at tumingin din sa dress. 

“A-Ah, hindi ho..” pagsisinungaling ko kahit gusto ko talaga. Sino ba namang hindi? bilang isang babae na galing sa probinsya, kapag naakit ako ng isang bagay na maganda gusto ko. Pero hindi ko pipiliin na bilhin ʼyon lalo na kapag hindi pasok sa bulsa ang presyo. 

“I know you want it. Kunin mo, ako magbabayad.” sabi ni Lindsay sa akin. 

“Huwag na, mahal kasi e. Tsaka may next time pa naman para mabilhan ko sarili ko niyan, salamat nal-” pinutol niya ang sasabihin ko. 

“No. I told you to get it, ako magbabayad.” sabi niya sa akin. Hindi pa rin ako gumagalaw kaya siya na ang kumuha. 

“Isuot mo ʼto sa 18th birthday ko, Maria girl.” sabi niya sa akin at binayaran iyon sa counter. 

Umuwi na kami ni Lindsay at inaamin ko nahihiya pa rin ako sa pag bayad niya sa bestida na ʼyon. Hindi ako sanay na may taong ililibre ako sa ganun. 

“Maria, bakit parang malalim masyado iniisip mo?” tanong sa akin ni Mayordoma Lucia. Tinignan ko siya. 

“Nilibre kasi ako ni Ma'am Lindsay, mahal yung presyo non. Hindi ko alam kung kailan ko siya babayaran.” sabi ko agad akong napamusla.

“Maria, libre na yon. Hindi niya pababayaran yon.” sabi niya sa akin. 

Hindi kasi talaga ako sanay na gagastusan ako ng malaki para lang sa gusto ko. Mula pagkabata ko, lagi na kaming tipid ni Lola yung mga bagong damit ko binibigay lang ng mga kapit-bahay namin. Hindi naman sa hindi ako masaya sa binigay ni Ma'am Lindsay, siguro nasanay lang ako sa sapat at mura.

“Maria, mag-aaral na si Wela sa susunod na buwan. Tayo na lang minsan dalawa dito.” napalingon ako kay Mayordoma Lucia. Sana ako din. 

“Sige lang po. Saan po siya mag-aaral?” tanong ko dito. 

“Sa school na pagmamay-ari ni Sir Ben. Scholar ni Sir Ben si Wela.” sabi nito. Pwede kaya ako? 

“Uh, pwede po kaya ako maging scholar ni Sir Ben?” tanong ko dito. 

“Oo naman. Tsaka si Sir Ben, kapag nakitaan ka niya ng sipag at determinasyon, ipapasok ka non sa school niya.”  

Gusto ko kausapin si Sir tungkol dito. Hindi ko siya pipilitin na maging scholar niya ako, pero gusto ko talaga makapag-aral. Hindi ko sasayangin ang pagkakataon na ʼto, minsan na akong nagkamali sa pagsayang ng mga pagkakataon nung mamatay si Lola, hindi ko na hahayaan ngayon. 

Maria Probinsyana Where stories live. Discover now