7

16 6 0
                                    

Einsajah

Nakatayo ako ngayon kasama ng mga nakalinyang katulong, ngayon namin malalaman kung mapipili ba kami na maging katulong o hindi. Inaantok na ko.

Naroon sa pinaka harapan ang matandang mayordoma. Nasa pang huling linya ako ng mga katulong. Nakatingin lang ako sa harapan,sa isang linggo ko rito wala akong naging kasundo.

Kahit ang babaeng may patalim ay sinubukan akong kausapin ngunit palaging bigo, palagi din akong minamalditahan ng mga kasama ko sa silid lalo na ang mga katulong na nakakasama ko rin sa kusina. Inggit siguro dahil kahit maiitim ako maganda pa rin ako, lalo pa na ako lamang nag nais ni binibining Klesma na magdala ng pagkain niya sa palasyo.

Ang babae na iyon.

Sana palarin akong hindi mapili, inaantok lang naman mako rito palagi.

Sa isang linggo ko rito ay puro na lamang kalupitan ang nakikita ko kahit nasa kusina ako, mas marami pang namamatay araw-araw sa mga katulong kesa makakain ng hindi kinainan ng iba.

Nasa linya na namin ang matandang mayordoma, wala naman akong imik ng nasa harapan ko na siya, nakatingin lang din ako sakanya habang nakatingin din siya saakin.

"Kung ako lamang ay hindi kita pipiliing manatili ngunit ikaw ang pinapaboran ng binibining Klesma sa lahat ng serbidora" Matalim ang mata niya nang sinabi niya yun.

Umalis na siya sa aking harapan kaya umalis na din ako sa aking kinatatayuan pumunta na ako sa linya ng mga napiling serbidora.

Sa kamalas-malasan ang babaeng may patalim, ang babaeng sumisipa saakin palagi sa silid at ang babaeng minalditahan ako ng nag tanong ako sakanya ay narito sa linya.

Inaantok na ko.

Puro lamang ako hikab hanggang sa dumating ang matandang mayordoma sa harap na namin.

"Kayo ang mga napili naming maglingkod sa palasyo, magbabago na rin ang iba nakasanayan ninyo rito. Kung dati nauuna ang mga tao sa palasyo na kumain bago sainyo ngayon ay kayo na ang mauuna at hindi na tira-tira ang pagkain ninyo ngunit hindi na rin pagkaing pang-maharlika ang kakainin ninyo ngunit tipikal na pagkaing pang alipin" Mahabang sabi neto saamin

"Ang sahod ninyo ay ibibigay kada kataposan ng linggo makakalabas lamang kayo rito isang beses sa dalawang buwan" Dan

Tumugon naman kaming lahat ng may paggalang. Marami pa siyang sinabi at hindi ko naiintindihan ang iba dahil pipikit-pikit lamang ako sa aking kinatatayuan.

Nagising ang diwa ko ng maramdaman ko ang hapdi sa aking braso nang tignan ko iyon ay nakita ko ang bakas ng malaking hiwa, tinignan ko ang matandang mayordoma dahil sa kanyang ginawa.

Tumingin nalang ako sakanya habang siya ay nagsasalita ulit, napakarami niyang sinabi bago kami paalisin upang pumunta sa aming nga nakatokang gawain.

Nang pupunta na ako sa may kusina ay biglang may humila saakin iyon pala ay ang matandang mayordoma.

"Saan ka naman pupunta? " Nakataas ang isang kilay niya

"Kusina" Mahinang sabi ko habang nakatingin sakanya

"Hindi ka na riyang mag tratrabaho, mula ngayon ay maghuhugas ka na ng mga arinola ng mga maharlika" Madiin na sabi neto saakin

Tumango naman ako at tumalikod na, alam mo kung saan iyon banda kaya naman ng narito na ako naamoy ko ang masangsang na amoy, puro din mga lalaki ang nandito pero may mga nakita akong mga matatandang babae na naglilinis din dito pero nasa apat lang ata iyon.

Minata nila akong lahat, napatigil sa ginagawa ang isang lalaki ay pumunta sa aking harapan tinanong kung ano ang giangawa ko rito nang sinabi ko ang sinabi saakin ng matandang serbidora ay binigyan niya na ako ng isang sabon ay brush na gagamitin ko sa pagkukoskos at pagpapabango ng mga anerola.

Walang reklamo kong ginawa ang pinapautos sakin, hinugasan ko ang mga ito. Wala naman na ang mga ihi sa mga anerola ngunit  masangsang pa din.

"Bakit ka napunta dito? Dati kitang nakikita sa kusina bakit nandito kana? " Tanong nong isang lalaki payat at maitim.

"Tanong mo sakanya" Tinutukoy ko ang matandang mayordoma, alam naman neto siguro na ang matanda na iyon ang may dahilan bakit ako narito.

"Ako si Efoy" Pakilala neto sa sarili

"Walang nag tanong" Simpleng sabi ko at tuloy tuloy kamang ang pagkuskos sa mga anerola.

Pawisan na ko at basa na din ang laylayann ng aking uniporme, narinig ko ang mahinang tawa niya hindi ko naman pinansin.

"Totoo nga ang sinabi ng iba na mailap ka sa tao" huling sabi niya bago umalis sa aking kinaruruonan.

Nakakunot ako sa sinabi, nagtaka ang aking utak ngunit pinagpatuloy ko lamang ang aking ginagawa. Masakit na ang kamay ko dahil sa mahirap nag trabaho na ito.

Hindi pa kami tapos ngunit dumating ang mga guwardiya at may pagkain na dala, binigyan nila kamaing lahat at kumain na ko.

Hindi gaanong kasarap, kahit alat ay mahihirapan kang matikman ngunit ayus lang naman, laman na din ng tiyan.

Kita ko ang gutom sa mga mukha ng mga kasama ko, mukha silang ilang araw na hindi pinakain.

Mayroong isang matandang babae na nahulog ang kakainin dahil sa panginginig ng kanyang kamay dahil an siguro sa pagod. Tinignan ko siya at sumubo sa aking pagkain.

Tumayo ako at pumunta sa kanyang banda padabog kong ibinaba sa harap niya ang kinakain ko, naka upo siya sa sahig.

"Walang tikim, hindi masarap" Sabi ko sabay alis roon. Tinignan ako neto na mayroong ningning ang mga mata. Hindi ko nalamang siya pinansin.

Mayroon pang ilang minuto bago kami magtrabaho ulit matutulog na muna ko bago ko maglinis ulit ng mga punyentang anerola na iyon.

Lifeline Where stories live. Discover now