18

49 3 0
                                    

Einsajah

Ganoon lamang ang nangyari sa sumunod na mga araw.Tinuturuan ako ng binibini at pumupunta siya sa kanyang klase, magpapahinga at maglalakad, ngunit ang pinag bago lamang ay ang hindi pagpunta ng mga babae ng prinsipe sa loob ng pangunahing palasyo. Kumakain sila sa silid kainan ng La Casa de Mujeres ang sabi saakin ng binibini ay sa palasyo sila ng hari kumakain kung naroon ang prinsipe dahil ito ang ipinupunta nila roon. Madalang lang daw kung umuwi ang prinsipe sa palasyo dahil marami rin itong inaasikaso kaya naman kung nariyan siya ay pupunta rin doon ang kanyang mga babae upang sumalo sa hapag kainan.

Gabi na ngayon at nag ayus na ako ng aking kama, patulog na rin ang binibini kaya naman ay humiga na ako sa aking kama. Inaantok na ako ngunit hirap hindi ayaw pumikit ng aking mga mata. Madaling araw na ng maramdaman ko na nais ng matulog ng kaluluwa ko, nakarinig ako ng mga ungol habang nakapikit ngunit mas nag pukos ako sa pagtulog kaya naman hindi ko na pimansin iyon at kung saan man galing ang mga ungol na narinig ko. Ngunit nagising ako ng makarinig ako ulit ng isang daing ng isang babae, nagising ang aking pagkatao dahil alam ko na ang binibini iyon. Pupungay pungay na binuksan ko ang pinto.

"Binibining Klesma? Anong nangyari narinig ko na para kayong nasasaktan" Saan ko at tumingin sa kama.

Ganoon nalamang ang pagkagimbal ko dahil sa aking nasaksihan, napatingin ako sa matang nakatingin saakin ngayon. Pinoproseso ng utak ko ang nasa harapan ko ngayon nang matauhan ako ay bigla akong yumuko  at tumingin sa sahig

"Pasensya na po at ako ay naka istorbo" Paumanhin ko. Blangko ang mga matang nakatingin sa sahig.

Nakarinig ako na parang may pinindot, nakarinig rin ako ng pag ngitngit ng kama.

"Look like someone wants to join" Subrang lamig ng kanyang boses

"Mahal na prinsipe" Narinig ko ang babala sa boses ng binibini.

"Sa susunod sabihan mo sa mga alaga nong daga na huwag mang i-istorbo lalo sa gabi" Huling sabi niya at umalis na sa kuwarto.

Narinig ko naman ang malalim buntong hininga ng binibini. Tinignan ko siya habang nakagapos pa rin at nakapiring.

"Insa pakitanggal nag gapos" Utos neto at agad ko naman itong sinunod. Tinaggal ko ang pagkakagapos niya at pagkakapiring, kinumutan ko rin ang hubad niyang katawan. Napatingin naman ako sa kung anong nasa higaan.

Nakatayo ako sa harapan niya ngunit ako parin ay naka yuko.

"Halika rito insa" Sabi niya at tinapik ang kanyang kama, pinapaupo ako roon. Sinunod ko naman ang kanyang utos.

"Hindi kita nasabi na sumusulpot sa La Casa de Mujeres ang prinsipe, madaling araw, umaga, tanghali, hapon, gabi o kahit kaligitnaan ng gabi. Alam mo na kung bakit, nakita mo naman. Bilang aking personal na tagapagsilbi iniuutos ko na kung may marinig ka man na kahit ano ay huwag kang lalabas sa iyong kuwarto, maliwanag ba? " Mahabang paliwanag niya saakin.

"Ngunit tama ba ang kanyang ginagawa? ano ang mga ito?" Turo ko sa mga tali at iyong bagay na hugis ari ng lalaki.

"Lahat ay tama sakanila, sundin mo na lang ang aking bilin. Sige na matulog kana" Utos niya kaya naman agad nalamang aki pumasok sa kuwarto. Ngunit hindi na kai natulog.

Hinintay ko nalamang na mag umaga at lumabas na sa aking silid upang tulungan ang Binibining mag ayus.

Nangmatapos iyon ay inutusan niya akong manguha ng rosas sa harden ng La Casa de Mujeres, nalanta na kasi ang bulaklak na nasa silid ng binibini. Ang nais niya ay ang kulay puting rosas, kaya naman ay pumunta agad ako sa harden.

Pumipitas aki ng mga bulaklak ng biglang may tumulak saakin, napasubsob ako ng kaunti at dahil ang isang kamay ko ay may hawak na gunting habang ang isa naman ay sa tangkay ng bulaklak natusok ang aking hintuturo. Nakita ko ang maliit na sugat sa aking kamay, dinala ko naamn ito sa aking bibig at sinipsip. Tinignan ko kung sino ang tumulak saakin.

"Mapangahas kang pumitas ng mga rosas dito! Alam mo bang ang nagtanim sa mga iyan ay ang aking binibini?!, siya mismo ang nagbungkal at nagtanim sa mga iyan! Siya ang nagdidilig! Tapos kukuha ka lamang?!" Sigaw saakin ng isang babae, nakakunot ang nuo at galit na galitn

"Hindi ko alam" Sabi ko at pumitas ulit ng isang bulaklak, inilagay ko iyon lagayan na dala ko kung nasaan ang mga napitas ko na ring bulaklak.

"Wala kang hiya! " Sabi niya at tinulak ulit ako. Tinignan ko naman siya kaya naman napaatras siya ng kaunti.

"Isa pang tulak mo saakin, itutulak ko rin itong gunting na hawak ko diyan sa tagiliran mo" Sabi ko at pinakita sakanya ang dala kong gunting.

Pumitas ulit ako, ngunit naramdaman ko ang isang kamay na may hawak saaking buhok na napusod, hinatak niya ito at nakasama sa kanyang paghatak ay ang aking Ji na bigay ng binibini. Doon niya ito tinignan at ang aking tatak sa nuo. Tinignan ko rin ang sakanya at ang tatak roon ay isang bulaklak, rosas.

Binitawan niya ang Aking Ji at tinulak ulit ako, nakaharap ako sakanya kaya naman napahiga ako sa mga rosas na nasa aking likuran.

"Akala ko ang binibining Klesma lamang ang papansin sa loob ng La Casa de Mujeres pati na rin talaga ang mga tauhan nito" sabi niya habang sinugod ako na nakahiga pa rin sa mga rosas, ramdam ko ang mga tinik na tumutusok sa aking katawan.Sinabunutan niya ako at pinagsasampal, natikman ko ang dugo saaking labi.

Sa susunod na araw na lang ako magiging kalmado, ang hawak kong gunting at sinaksak ko agad sa kanyang tagiliran.





Einch: thank you po! <3

Lifeline Donde viven las historias. Descúbrelo ahora